MLE4

148 7 2
                                    

4

-

“Happy Mother’s Day!” sigaw naming tatlo nila papa at Ailyne para tuluyang magising si mama. Tuluyan na nga siyang nagising. Agad naman siyang napangiti at nagpasalamat sa aming tatlo.

“Anong regalo niyo sa akin?” pabirong sabi ni mama. Lumapit si Ailyne at si Papa sa kanya para bigyan siya ng halik sa magkabila niyang pisngi.

“Anong tinatayo-tayo mo ‘diyan? ‘Asan ang kiss ko?” sabi niya sa akin and I just shrugged my shoulders. Sa aming dalawa ni Ailyne, ako ang hindi sweet at malambing. Kapag sinasabihan ako ni mama, ni papa, or ni Ailyne ng ‘I love you’, tinatanguan ko lang sila. Ayos lang sa akin ang halikan nila ako, pero ibang kwento na kapag ako ang humalik dahil bihira ko lang gawin iyon.

“Sipain kita, gusto mo?” mom threatened and I just laughed at her. Hestitatingly, I slowly made my way to her and gave her a chaste kiss on her cheek.

“Pero ma, may regalo talaga kami sa’yo. Napag-usapan naming tatlo nila Ate kanina.” tuwang-tuwang sabi ni Ailyne at nakita ko agad na naging curious si mama.

“Ano ‘yun?”

“Ma, ano sa palagay mo kung lumipat tayo ng bahay?” tanong ko. Ang ngiti na nasa mukha niya ay biglang nabura. May nasabi ba akong masama?

“Anong ibig mong sabihin, Selyne?” she questioned, her voice grew serious.

“Naisip lang naman po namin.” sagot ko. All of a sudden, awkward silence and tension filled the room. Binalingan ni mama si papa, and papa gave her a look. Kung ano iyon, silang dalawa lang ang nakakaalam.

“At pinayagan mo ang kalokohan ng panganay mo?” mom roared dangerously at dad. Napanganga ako. Kalokohan? Paano naging kalokohan ang lumipat sa mas maayos na tirahan?

“Ma, maganda naman ‘yung lilipatan natin eh. Mas maayos, at may kaluwagan ng kaunti kumpara dito.” paliwanag ni papa at napabuga si mama.

“Pa, ayokong lumipat. Baka nakakalimutan mo, itong bahay natin na ‘to ang unang naipundar natin sa mga sweldo natin noong pareho pa tayong nagtatrabaho.”

“Alam ko naman ma. Pero isipin mo, mas magiging maayos tayo sa lilipatan natin. Magkakaroon ng kani-kanilang kwarto ang mga anak mo. O pwede rin na isama na natin ang mga magulang mo sa magiging bagong bahay natin. At least hindi na sila mahihirapan kapag bibisitahin nila tayo dahil sama-sama na tayo.” napatango ako sa sinabi ni papa at nakita iyon ni mama.

“At saka, hindi naman po natin ibebenta itong bahay natin ma, ‘e. Pwede naman po natin itong gawing bahay-bakasyunan, ‘di ba, pa?” at tumango si papa sa sinabi ko.

“Saan naman tayo lilipat?” tanong sa akin ni mama at napangiti ako. I have a strong feeling that she’s reconsidering us moving out.

“Sa Grand Valley po.” I answered and her brows furrowed in confusion.

“Grand Valley? Pang-mayaman ‘yun, ‘a? Sigurado kang doon mo gustong lumipat?” napatango ako bilang sagot sa tanong ni mama. She sighed before giving me a stern, yet concered look.

“Anak, papaalalahanan kita, ha? Alam kong milyonarya ka na, pero ayokong lumaki ang ulo mo nang dahil doon.” panimula niya at ako naman ang napakunot ang noo.

“Ma...paanong lalaki ang ulo ko dahil doon? Lilipat lang naman po tayo ng bahay.”

“Iyon na nga. ‘Diyan nagsisimula ‘yan eh. ‘Yung gusto mong maranasan ang mga karangyaang hindi mo pa nakukuha, puntahan ang lahat ng gusto mong puntahan, bilhin lahat ng gusto mong bilhin. Natatakot lang ako dahil baka dumating ang araw na makasanayan mo na ang ganoong buhay at makalimutan mo na kung sino ka talaga at kung saan ka nanggaling.” paliwanag niya. Wala akong nagawa kundi ang tumango sa pagsang-ayon. May point si mama. At dahil tapos na ang problema namin sa mga utang dahil nabayaran na ang mga ito, naisip siguro ni mama na gagastos ako ng gagastos dahil marami pa namang natirang pera sa bangko.

“Mangako ka sa akin, Selyne. Pagkatapos nating lumipat, wala ka nang gagastusing iba. Gagamitin mo ang pera mo para sa ikabubuti mo at hindi sa luho lang.” dagdag pa ni mama at tumango na lamang ako.

“Opo ma. Pangako po.”

--

“Sel! May ikekwento ako sa’yo!” excited na bungad sa akin ni Zara bago siya umupo sa tabi ko.

“Ano?”

“Nililigawan na ako ni Macky!” kilig na kilig siya. Kulang na lang ay himatayin na siya sa sobrang excitement niya. I rolled my eyes. Ilang months na rin ba kasi silang naglalandian, ngayon lang magiging totohanan?

“Saan? Sa text?” agad na umasim ang mukha niya dahil knowing her, hindi siya nang-eentertain ng mga manliligaw na idinadaan sa text lang.

“Panira ka! Hindi no! Pumunta kaya siya sa bahay kahapon at doon nagtapat. Nagpaalam din siya sa parents ko kung pwede daw ba niya akong ligawan. Shet, kinikilig ako.”

“Sigurado kang hindi ka nananaginip lang? Ilang beses ka nang nagde-daydream na liligawan ka niya, ‘e.” pagbibiro ko pa at hinampas niya ako ng malakas sa braso.

“Napakasama mo! Siguro hindi ka pinuntahan ng Daniel mo kaya nagkaka-ganyan ka ‘no? Ano? Tama?” panggaganti niya at natahimik ako. Hindi nga ako pinuntahan ni Daniel ngayon. Tatlong araw na rin ang lumipas simula nang huli siyang tumawag at magtext. Ano kayang nangyari sa kanya? Sumuko na kaya siya? I sighed. Hindi ba’t ito naman ang gusto kong gawin niya?

“Ui Sel, joke lang naman. Pero...totoo nga ba?” she asked, concern was evident in her voice. Nawala na rin ‘yung excitement niya kanina. Ngumiti na lamang ako ng tipid bago ako tumango bilang pagsagot sa tanong niya.

“I-text mo siya.” seryosong sabi niya maya-maya lang.

“A-Ano?” nagkandautal kong tanong at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan.

“Hay nako. Bingi lang, Sel? I-text mo siya! Now na!” pangungulit niya.

“Ayoko nga. Wala akong load. At saka...ayos lang ‘yun. It’s his choice naman, ‘di ba?” palusot ko at pinag-taasan niya ako ng kilay, dahilan para umiwas ako ng tingin sa kanya. Kung ayaw na ni Daniel na manligaw at sawa na siya, ‘di maganda. At least nalaman ko ng mas maaga na ngayon pa lang, hindi niya kayang maghintay. Pero bakit parang nanghihinayang ako? Bakit parang bigla kong na-miss ang mga pangungulit niya sa akin?

“Ayos lang ba talaga? Bakit ganyan ang itsura mo? Na para kang pinagsakloban ka ng langit at lupa? At parang any minute now, you’ll break down.” sermon niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. She gave me a long, hard look before giving out a sigh.

“Alam mo Sel, you shouldn’t deprive yourself of loving again just because you got hurt so bad in the past. Iba ang nangyari noon sa kung anong mangyayari ngayon.” dagdag niya. Wala akong nasabi. Tama naman siya. Iba nga naman ang noon sa ngayon. Pero masama na ba kung mag-ingat ako? To put up my defences and guard my own heart to prevent myself from hurting again?

“Well, in the end, gaya ng sinabi mo, lahat naman tayo ay may choices, ‘e. ‘Yun lang, sana hindi mo pagsisihan sa bandang huli ang naging desisyon mo. At sana, hindi ka pa too late. And one more thing, nabasa ko lang ‘to sa Facebook at napaka-applicable niya sa’yo. Ang mga manliligaw, parang telepono lang ‘yan. Nawawala kapag matagal mong hindi sinasagot.” and with that, she stood up and retreated, leaving me all confused. I looked up heavenwards and filled my lungs with air. Ano bang dapat kong gawin? Take a risk or protect myself?

--

to be continued

My Lotto ExperienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon