6
--
Pagkatapos ng klase, dumiretso agad kaming magtotropa sa SM. Time Zone agad ang pinuntahan namin and for a while, nakalimutan ko ang mga problema ko. Sila muna ang nanlibre sa Time Zone dahil sagot ko daw ang pagkain, na siyang sinang-ayunan ko. Alam na ng mga tropa ko ang tungkol sa pagka-panalo ko sa lotto. They congratulated me and they even teased me that I should share my millions with them. Pinakiusapan ko sila na huwag ipagsasabi sa kung sino ang balitang ako ang nanalo, despite the fact na may kumakalat na balita tungkol sa pagka-panalo ko. Pumayag naman sila, ‘yun ay kung ako ang manlilibre sa pagkain namin.
We decided to eat at Sbarro dahil hindi pa namin nata-try kumain doon. Minsan lang kasi kami gumala nang ganito, kapag natataong may mga ipon kami. At madalas, sa foodcourt lang kami ng SM kumakain or di kaya ay sa mga food stalls ng grocery. Papasok na kaming lahat ng Sbarro nang bigla silang tumigil sa paglalakad.
“Guys, baka gusto niyong pumasok?” pagbibiro ko pero tahimik lang silang lahat. Anong problema ng mga ‘to?
“Uh...Sel, kung sa iba na lang kaya tayo kumain?” nag-aalalang tanong ni Ria. Napatingin siya sa iba naming mga kasama at lahat sila ay parang mga hindi mapakali.
“O-Oo nga! Sa Pancake House na lang tayo!” pagsang-ayon ni Shane kay Ria.
“I agree. Sa iba na lang tayo, Sel. Parang ayaw kasi namin ng Pizza. Right, girls?” si Zara at lahat ng sila ay nagtanguan. Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Something’s not right here. Determined to know what was bothering them, I decided to enter the said restaurant.
“Sel!” they all called but I ignored them. Once inside, inilibot ko kaagad ang tingin ko sa loob at sana nga nakinig na lang ako sa kanila. Ang mga malalabo kong mata ay biglang luminaw nang makita ko si Daniel sa dulo ng kainan. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya tinitigan hanggang sa mapatingin siya sa akin. His smiling face instantly turned grim when his eyes met mine and my heart clenched painfully. I couldn’t breathe. I felt as though the oxygen was replaced with a different gas and it was suffocating.
“Sel...” banggit niya kahit hindi ko naman ‘yon narinig. Tumayo siya sa inuupuan niya at tinitigan ako, na parang hindi niya alam ang susunod niyang gagawin. Nagtaka siguro ang kasama niyang babae kaya tumingin rin siya sa akin. Nagpabaling-baling ang tingin niya sa amin ni Daniel habang nakakunot ang noo. I sighed. Kung nung nakaraang lingo ay hindi ko alam kung bakit siya umiwas, ngayon alam ko na ang sagot. I looked at Daniel one last time and smiled at him before walking away.
“Sel!” rinig kong tawag ng mga kaibigan ko at doon ko lang napansin na ang layo na pala nang nalakad ko. They all stood in front of me and concern was written in each of their faces. I grinned, remembering how stunning the girl was.
“Tae guys. Ang ganda niya! Sobrang puti at ang kinis kinis pa. Feeling ko ang tangkad din niya. Haha. Siguro naging contestant siya sa mga beauty pageant. Sobrang ganda, ‘e. Nakaka-tibo. Paano kaya kung naging lalaki ako ‘no tas niligawan ko siya? Sasagutin niya kaya ako? Haha. Pero imposible, ang pangit ko, e.” natatawa kong sabi sa kanila pero hindi nila ako sinagot. Ni hindi man lang nagbago ang itsura nila.
“Oh, Sel.” it was Zara, and I suddenly found myself crying in her arms.
BINABASA MO ANG
My Lotto Experience
Teen FictionKung sakaling manalo ka sa lotto, anong gagawin mo? Meet Selyne Visencio. Isang simpleng babae na may masayang pamilya, totoong mga kaibigan at malaking pangarap. Wala na siyang mahahangad pang iba. Pero nang managinip siya ng nag-uumapaw na tae sa...