MLE9

107 6 0
                                    

9

--

“E-Excuse me?” I blurted once I recovered from the shocking revelation that Zan just told me. She sighed, took her cup of tea and sipped on it.

“Just telling you the truth.” she said and placed her cup back on the table. Napasandal na lang ako sa couch while trying to grasp everything that she just told me. Ang pinsan niya na John Marco Atienza pala ang pangalan, is trying to recover from a bad break-up. Or better yet, he is trying to recover from the death of his girlfriend dahil hindi naman sila nag-break. At nagkataong kamukha ko daw ang girlfriend niya. Iyon daw ang dahilan kung bakit umuwi ito from Australia because he wanted to get over the pain. When he first saw me sa mall, which was over a month ago, talagang nagulat daw ito kung kaya’t ganoon na lang ang naging pakiki-tungo nito sa akin. At siguro, mas nagulat pa siya nang makita ako sa Starbucks dahil sa bagong gupit ko. Never daw kasing nagpapahaba ng buhok ang girlfriend niyang namayapa na. I would have understood his situation but I just couldn’t. Ang bastos niya! Napaka-ungentleman! Just because kamukha ko ang girlfriend niya, tama bang maging ganoon ang pakikitungo niya sa akin? And to think that we barely know each other!

“I don’t know why, but I just can’t...I’m finding it hard to believe, you know.” I told Zan and she nodded her head, agreeing with me.

“I know. When I first met Ate Kira, talagang nagulat din ako sa striking resemblance niyong dalawa. Ang ipinagkaiba niyo lang siguro sa physical aspect, si Ate Kira ay mestiza, ikaw naman ay morena. At ang hair color niya ay naturally red, while yours is brown. The rest, halos magka-pareho na kayo.” she explained further and I wasn’t able to reply. How am I supposed to say something kung bigla mong malalaman na may kamukha ka palang namatay na? Zan sighed and stared at me, pleading.

“Sel, please try to understand him. Mahal na mahal ni Kuya JM si Ate Kira. Magpo-propose na nga sana siya kung hindi lang nangyari ang accident na tumapos sa buhay nito. I saw how broken and devastated he was. He was hurt, and still is. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa’yo. Siguro dahil you remind him of her and he badly wants to get over Ate Kira. At saka, mabait naman siya. Please just give him a chance to know him better. Ka-close na niya ang buong tropa natin. Ang pangit naman kung ikaw lang ang hindi niya maka-sundo.” she continued. I sighed and sipped on my frappucino. Kapag may lakad nga ang tropa, hindi ako sumasama dahil alam kong kasama ni Zan lagi ang Kuya niya. Noong una, labis akong nagtataka kung bakit kailangan pa niyang isama ang kuya niya sa mga lakad namin, ngayon alam ko na. Tinutulungan ni Zan na libangin ang kuya niya para makalimot ito. Kung tutuusin, nakakaawa nga ang lagay ng pinsan niya. Hindi rin siguro madali ang makalimot, lalo na kung bigla siyang nawala sa’yo. Maski rin naman ako, sinusubukan kong kalimutan si Daniel. Pero medyo mahirap din, lalo na kung lagi mo silang nakikitang magkasama. I sighed once again and placed my frap on the wooden table.

“Fine. I can’t promise you but I’ll try my best. Pero sa isang kondisyon.” I bargained and I saw how her eyes sparkled.

“Name it! Anything!” she exclaimed excitedly.

“Turuan mo ako mag-drive, please?” I told her and she suddenly burst out laughing.

“Iyon lang? No problem! Nasaan ang auto mo?”

“Nasa BGC. Iniwan ko muna doon since hindi ako marunong mag-drive. At mukhang ayaw naman ni Papa na turuan ako so nag-enroll ako sa driving school kanina.”

“I see. Huwag ka nang pumasok sa driving school. Sa akin ka na lang magpaturo! Libre pa!”

“Sure! Gusto ko now na!” I joked and she gave me a grin.

“Game! Tara sa BGC! Let’s get your car running!”

--

The day passed by like a blur. After akong turuan ni Zan na mga basics, tinulungan niya akong asikasuhin ang driver’s license ko. Medyo natagalan din kami kaya ginabi na ako ng uwi. Hinatid ako ni Zan using my car dahil hindi pa naman ako gaanong marunong at nag-taxi na lang siya pauwi. Ipapahatid ko na sana siya kay papa pero she refused, telling me na malapit lang daw ang bahay ng kuya niya sa amin at doon na lang muna siya tutuloy. I took out my shopping bags sa back seat ng car ko and went inside the house. I’m guessing na tulog na sila mama dahil patay na ang mga ilaw pero laking gulat ko na lang nang biglang bumukas ang ilaw sa may dining area.

“Saan ka nanggaling?” mom asked once she was already in front of me.

“Shopping po.” I answered plainly.

“At inabot ka ng dis-oras ng gabi kaka-shopping?” she half-screamed at me.

“Ma, hindi lang naman po shopping ang ginawa ko. Nagpa-sama ako kay Zan na ayusin ang driver’s license ko kaya natagalan kami.” I told her calmly.

“Sana man lang nagtext ka kung nasaan ka! Pinag-aalala mo kami! Anong oras na, ‘o?” and now she’s screaming, kaya bumaba na rin sila papa at Ailyne, probably curious as to what’s the commotion was all about. I didn’t say anything, but I didn’t look away from her glaring eyes either.

“Ma, tama na.” pagpigil ni papa and she sighed. She gave me one last look before walking upstairs.

“Umakyat ka na rin, anak. Matulog ka na.” he told me and I just nodded. Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto, ibinagsak ko na lang sa sahig ang mga pinamili ko at nahiga sa kama. Bakit ba ang init ng ulo sa akin ni mama? Anong masama sa ginawa kong pamimili? Buti sana kung sa masama ko nakuha ang perang napanalunan ko pero hindi, e.

Feeling suffocated, tumayo ako sa pagkakahiga and decided to sneak out. I walked towards the entrance of my bedroom and closed the door. Ni-lock ko na rin para siguradong walang makakapasok. When I was done, dali-dali akong pumunta sa may terrace. I used the tree branches para doon maglambitin at tuluyan akong maka-baba. Nang maka-baba na ako, I just ran and ran to wherever my feet would drag me.

--

to be continued

My Lotto ExperienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon