MLE 19
--
I felt myself blushing when I saw the lead actor and actress of the movie we're currently watching...kissed. Napakagat-labi ako. Bigla ko kasing naalala ang nangyari three days ago. Ever since then, lagi akong nako-conscious whenever JM is around. Kinakabahan ako. Kapag nakikita ko siya, agad akong umiiwas. At hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng mga kaibigan ko. Though they were still constantly teasing me with him, sinisiguro kong naipapakita kong napipikon ako sa kanila by rolling my eyes when in fact...nako-conscious lang talaga ako.
Napa-tingin ako kay JM through the corner of my eyes. Nakaupo siya sa lapag katabi nila Zan habang ako ay nasa couch. I suddenly felt a pang of disappointment. Hayun siya, tutok na tutok sa TV, samantalang ako ay naiilang dahil naalala ko siya. I sucked in a breath and refocused my attention on the movie. Mabuti naman at tapos nang maghalikan 'yung dalawa. Nakakaasar. Ni hindi ko nga alam kung ano ang kinaaasaran ko at kung bakit ako naaasar.
"Oh? Anyare sa'yo?" napatingin ako kay Zara na katabi ko lang at nakita kong naka-kunot ang noo niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong kong pabalik at kumuha ng chips sa hawak niyang bowl.
"Nakabusangot ka kaya. Para kang naagawan ng boyfriend na ewan." sagot niya at sumubo ng chips. Napasimangot ako. Pati pala 'yon napansin niya?
"Inggit lang 'yan kasi wala pa siyang first kiss." Jade teased and again, I felt myself blushing. Bigla na naman kasing sumagi sa isip ko yung first kiss ko. And if I'll be honest, I want to feel it again. Wait, what? I bit my tongue hard at what I thought. God Selyne! What are you thinking?
"Kawawang Sel. Mag-boyfriend ka na kasi! Landi landi rin pag may time!" sabad pa ni Lee Anne at lahat sila ay nagtawanan. I rolled my eyes on her.
"You're one to talk. Eh ikaw nga rin diyan wala pang boyfriend. Pareho lang tayong NBSB noh!" ganti ko sa kanya at mas lumakas pa ang tawanan sa paligid namin.
"Whoa!" kantyaw nila Zan. "Burn Lee! Burn!"
"Badtrip ka, Sel." natatawang sabi ni Lee Anne sa akin dahil alam namin pareho na wala na siyang maipanlalaban sa akin. I couldn't help but laugh with them as well. Para kaming mga tanga. Whenever we're watching a romantic movie, hindi talaga maiiwasan ang ganito. Well, kahit siguro hindi kami nanunuod ay may asaran pa ring nagaganap. And sometimes, laging napapasok sa usapan ang love lives namin ni Lee Anne. Kami lang kasi sa grupo ang socially awkward sa opposite sex. Napa-tingin akong muli kay JM and I saw how his lips curved upwards when our eyes locked. He was smirking. At me. And even as he looked away, the smirk was still visible. It was still there. Leche, what did that smirk mean?
"Lagkit!" I heard Lee Anne exclaiming afterwards. I turned to her and she winked at me. Mabilis na nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at kay JM. Hanggang sa tumigil siya at napako ang tingin niya sa akin. Her brows were rising up and down in a teasing manner while grinning evilly. Oh God. She didn't just see that! I glared at her. I was expecting she'd stop but she didn't. Instead, she shrugged her shoulders casually and puckered up her lips. I gaped at her. Bigla akong kinabahan sa naisip ko. Pati rin ba ang halikan namin ni JM three days ago ay nakita niya? I diverted my attention away from her and focused on the TV again. Kailangan maka-usap ko siya mamaya.
BINABASA MO ANG
My Lotto Experience
Novela JuvenilKung sakaling manalo ka sa lotto, anong gagawin mo? Meet Selyne Visencio. Isang simpleng babae na may masayang pamilya, totoong mga kaibigan at malaking pangarap. Wala na siyang mahahangad pang iba. Pero nang managinip siya ng nag-uumapaw na tae sa...