7
--
“Grabe Ate, ang ganda ng kwarto ko. May terrace!” Ailyne exclaimed and went running back to her room.
“Ma, akyat lang po ako sa kwarto ko.” paalam ko.
“‘O sige. Pero Selyne, mag-uusap tayo mamaya.” paalala niya sa akin at tumango na lamang ako bago ako umakyat sa malaking hagdan.
Nang makarating ako sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama kahit na hindi ko pa naayos ang mga gamit ko. Ang ganda at ang laki ng bahay na nalipatan namin, pero hindi ko magawang maging masaya. Napatitig ako sa kisame at namalayan ko na lang na umiiyak na naman pala ako. Ilang araw na ba akong ganito? Umiiyak dahil sa lagi kong naaalala si—
I closed my eyes shut. Hanggang ngayon ayoko pa rin isipin, banggitin, o marinig man lang ang pangalan niya. Pero bakit hindi ko pa rin siya maalis sa isip ko? Natigil ako sa pagda-drama ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Agad kong pinunasan ang mga mata ko at humarap sa may terrace.
“Anak...” it was my mom and I suddenly wanted to cry again.
“Bakit po?” tanong ko kahit na gumagaralgal ang boses ko. Nanatili akong nakatingin sa labas ng terrace dahil hindi ko kayang harapin si mama. Naramdaman ko na lang na umupo siya sa may paanan ko.
“Ilang araw ko nang napapansin na matamlay ka. May problema ba?” she asked, and I didn’t know what to answer. I wanted to lie, pero hindi ko naman kaya.
“Ma...ang sakit pala ‘no, kapag pinipigilan mong tumae. ‘Yung taeng tae ka na, pero hindi mo pa pwedeng ilabas dahil hindi ka pa handa, dahil wala ka pa sa tamang lugar. Kaya titiisin mo na lang muna hanggang sa makahanap ka ng banyo.” I told her and I heard her giggling at what I said.
“At nang makahanap ka na ng banyo, bigla namang umatras. Kung kailan handa ka nang ilabas siya, saka naman siya umayaw dahil sumuko na siya.” Mom continued for me and it was my turn to giggle. Anong klaseng usapan ‘to? Kung hindi siguro ako malungkot, baka matawa ako sa sobrang kadiri ng pinag-uusapan namin.
“Talagang inihambing mo ang tae sa pag-ibig, ‘no?” dagdag niya at napangiti na lang ako kahit na hindi ako nakatingin sa kanya.
“Bakit ganon ma?” natanong ko sa kanya bigla and she sighed.
“Hindi ko rin alam anak, ‘e. Basta ang alam ko, kakambal ng pag-ibig ang sakit. Para balanse. Hindi naman pwede na lagi ka na lang masaya. Kailangang masaktan ka rin, para matuto ka.” Pagkasabing-pagkasabi niya ‘non, hindi ko na napigilan ang mapaiyak ulit. Naramdaman kong humiga sa likuran ko si mama at niyakap niya ako.
“Hay, dalaga na nga talaga ang anak ko. Umiibig na.” pabiro niyang sabi habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
“Hindi ko lang kasi talaga maintindihan, ma. Sabi niya, hindi siya susuko. Pero ilang araw lang, wala na. Sumuko rin siya. Bakit pa siya magbibitiw ng ganong salita kung hindi niya rin pala tutuparin? Ang talkshit niya.”
“Wala akong sagot ‘diyan. Tanging siya lang ang nakakaalam ng tanong mo na ‘yan. Pero anak, hindi por que nasaktan ka, hindi ka na iibig ulit.”
“Kung masasaktan lang din ako sa huli, hindi ba’t mas maganda kung huwag na lang magmahal?” I asked. Tumalikod ako sa kanya, only to see her shaking her head in disagreement.
“That’s not how love works, anak.” she told me and my brows furrowed in confusion.
“Then how does it work?” I asked her and she just smiled at me.
“You have to figure it out for yourself.” she answered before kissing me on my forehead and walking out of my room. Figure it out myself? How am I supposed to do that?
--
“Panira ng araw.” Mae muttered under her breath before sitting down on the empty chair beside me.
“Anong problema?” I asked. She turned to look at me and her brows furrowed in irritation. May nagawa ba ako sa kanya?
“‘Yung manlolokong MVP na ‘yon. Nilapitan ako at sinabing gusto ka daw makausap. Malamang hindi ko pinayagan. Kabwisit siya!” galit niyang usal at padabog na ibinagsak ang bag niya sa armchair. Wala akong naisagot at napatunganga na lamang ako sa libro ko. Kahit na anong basa ko, wala namang pumapasok sa utak ko.
“Utang na loob Selyne, ha. Huwag na huwag mong kakausapin ang hinayupak na ‘yon! Baka mamaya bola-bolahin ka na naman niya. Naku, naiirita talaga ako! Buong akala ko pa naman napaka-tino niya! Hindi rin pala!” patuloy na lintanya niya. Tinanguan ko na lamang siya at nagpatuloy sa walang kwenta kong pagbabasa. Hanggang kalian ba ako magiging ganito katamlay?
“Magandang umaga, pwede po ba kay Selyne?” that voice! I didn’t have to look up para malaman kung sino ang nagmamay-ari niyon. Kabog pa lang ng dibdib ko, alam ko na. Napansin kong tumayo si Mae sa tabi ko and maneuvered her way to the door. Nanatili akong nakayuko. Ayoko siyang makita. Ayokong makarinig ng kung ano mang salita galing sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” rinig kong tanong ni Mae sa kanya. Her voice was condescending and full of contempt.
“Gusto ko lang siyang kausapin, please.” Was he begging?
“Ayaw ka niyang makausap, you lying bastard! Umalis ka na!” rinig kong pagtataboy ni Mae sa kanya at hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang pigilan. But I held myself back. Nanatili akong nakayuko while listening to their argument.
“Umalis ka na sinabi!” sigaw ni Mae which made me flinch. Mae wasn’t the type to scream at any given situation kahit galit na siya. Mahinanahon siyang tao, and this is the first time na makita ko siyang ganito. Napa-pikit na lamang ako dahil feeling ko, anytime now, maiiyak ako.
“Selyne, mag-usap tayo, please?” I heard him beg before enclosing my hands in his. Mas lalong hindi ko ginustong buksan ang mga mata ko, knowing that he’s already in front of me and I didn’t even notice it.
“Sel, please. Please, mag-usap tayo.” Was he crying? Why did it sound like his voice was shaking? But no, I couldn’t let that get to me. Taking in a deep breath, I slowly opened my eyes and I instantly met his hazel ones. I was right, though. Umiiyak nga siya. Pero who knows, baka hidden talent niya ang pag-arte and he’s using it against me to win me over. But I can’t let that happen.
“Umalis ka na.” I managed to whisper.
“Sel—”
“Please.” I pushed, without even hearing what he has to say. Dejected, he stood up and left the room.
--
to be continued
BINABASA MO ANG
My Lotto Experience
Teen FictionKung sakaling manalo ka sa lotto, anong gagawin mo? Meet Selyne Visencio. Isang simpleng babae na may masayang pamilya, totoong mga kaibigan at malaking pangarap. Wala na siyang mahahangad pang iba. Pero nang managinip siya ng nag-uumapaw na tae sa...