MLE12

97 6 0
                                    

12

--

The days passed by like a blur. Isang semester na naman ang natapos at bakasyon na naman. Bumangon ako sa pagkakahiga at dali-daling nagpunta sa banyo ko. When I was done doing my daily routines, nagbihis agad ako ng pang-alis. Yellow summer dress lang and simple espadrilles ang naisipan kong isuot ngayon. I checked my bag kung meron ba akong nakalimutan na ilagay. Chineck ko ulit ang iba kong gamit dahil baka may maisip akong ibang dalhin. Bigla kong naalala na may kalamigan pala ang pupuntahan namin kaya kumuha ako ng jacket sa cabinet ko. When I was satisfied that I’m all set and ready, I took my things and went downstairs. Nasa hapag na sila mama at ako na lang ang hinihintay nila. Umupo agad ako sa upuan ko katabi ni Ailyne at nagsimula nang kumain.

“Anong oras ka nila dadaanan?” tanong ni mama sa akin bago ako naka-subo ng pancake.

“Mga 8:30 po ata.” magalang kong sagot. Tumangu-tango siya bago sumimsim ng kape. Hindi ko pa masasabing maayos na kami ni mama. Pero nang magpaalam ako sa kanila na sasama sa lakad ng barkada ay hindi naman siya tumanggi. She’s also civil sa akin which is good enough for now. Maya-maya lang, may narinig akong nagbusina and I was pretty sure na sila Zan na ‘yon. Buti na lang at tapos na akong kumain at nakapag-toothbrush na rin ako. I took my bag with me at nagpaalam ako kila Ailyne at papa. Si mama naman ay hinatid ako hanggang sa pintuan. Naglalakad na ako patungo sa gate nang marinig ko siyang may isinigaw sa akin.

“Ingat!” sabi niya and I swear muntik na akong maiyak. I don’t know what went on me but I found myself running back and hugging her next.

“I’m sorry, ma.” I whispered, trying my best not to cry.

“Mag-uusap pa tayo pagbalik mo.” she told me and I nodded vigorously.

“‘O siya, siya. Ang drama mo. Lumayas ka na.” pabirong sabi niya sa akin when we broke from each other’s embrace. Natawa ako sa sinabi niya at pabirong binatukan pa ako.

“Bye mama.” paalam ko.

“Magtext ka kapag nakarating na kayo doon, ‘a.” she reminded me.

“Opo.” sagot ko bago ako tumakbo palabas ng gate namin.

--

“Nice car, dude. Anong model ‘yon?” tanong ni Lee Anne once na naka-sakay ako sa van.

“Maserati.” tipid kong sagot at namilog ang mga mata niya.

“Wow! Iba na talaga pag milyonarya!” pabirong sabi ni Lee Anne at buti na lang kaming apat pa lang nila Zan kasama ng pinsan niya ang nasa van kaya walang ibang nakarinig. Nagsimula nang umandar ang van at napansin kong nagpapatugtog pala ang magpinsan kaya siguro ay hindi nila narinig si Lee Anne.

“Bunganga mo, Lee. Buti na lang tayo-tayo pa lang. Please, ayokong may makaalam na iba. Ayokong mabuhay ulit ‘yung issue na ako ang nanalo sa lotto. Pasalamat na lang ako at biglang namatay ‘yun, ‘e.” paalala ko sa kanya and she bit her lower lip.

“Sorry naman, dude. ‘Di ko napigilan. Ang ganda ng bagong bahay niyo at ‘yung kotse mo...grabe, Taylot Swift lang ang peg?” pambubuska sa akin ni Lee.

“Taylor Swift?” litong tanong ko sa kanya. She wickedly grinned at me.

“You know, ‘yung kanta niyang ‘Red’. Loving him was like driving a new Maserati down a dead-end street.” she sang, wriggling her eyebrows. And obviously she was also teasing me dahil for sure, tinutukoy niya si Daniel. I rolled my eyes and looked ahead.

Faster than the wind, passionate as sin ended so suddenly.” she continued singing but I just ignored her. Bakit parang tumugma ata ‘yung kantang ‘yon sa akin? I pushed those thoughts aside at bigla akong napatingin sa rear view mirror, only to see JM looking at me.

Losing him was blue like I’ve never known. Missing him was dark grey all alone.” pang-aasar pa ni Lee Anne kaya napatingin ulit ako sa kanya.

“Shut up, Lee!” I hissed and she gave me an innocent, confused look but I know she was just pretending.

“What? Masama na bang kumanta? Favorite song ko ‘yon, ‘e.” and she even winked at me. Ugh. Some friend she is. I just continued ignoring her habang siya ay patuloy pa rin sa pagkanta nang biglang tumigil ang kotse sa tapat ng Walter Mart. Tumigil din si Lee Anne sa pagkanta at nag-dial sa cellphone niya.

“Nandito na kami.” Lee said and dropped her phone. She probably talked to one of our friends. Maya-maya lang, nakita namin na lumabas sa Walter Mart ang mga kaibigan namin kasama ang mga boyfriends nila. Agad silang sumakay sa van pagka-bukas ng pinto at napuno ng ingay ang van.

“Sel, pwede bang sa harap ka na lang umupo? Please?” Zan asked, using her puppy eyes on me. Itatanong ko na dapat kung bakit when I realized na kasabay pala nila Zara ang boyfriend ni Zan kanina. I turned to Lee Anne and saw her talking to her guy best friend, na pinilit niyang isama para daw hindi siya ma-OP. Kasabay din siguro ito nila Zara kanina. Sighing and feeling as though na ako ang mao-OP dito sa likod, I took my bag and hesitatingly went out of the van.

“Thank you, Sel!” Zan exclaimed before hugging me.

“Yeah, yeah, yeah. Sige, pakawalan mo na ako.” I said and she did what I just told her. Agad silang sumakay sa van at ako naman sa harap. Hindi ako pinansin ni JM pagsakay ko and I was grateful for that. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya ngayon. Isinara ko na ang pinto and wore my seatbelt. Maya-maya lang, when everyone’s settled, pinaandar na rin ni JM ang sasakyan.

“Guys, may dala ba kayong chips or anything na pwedeng nguyain?” I heard Jade ask. Tumingin ako sa likod and at lahat sila ay nagtatanungan. Inilibot ko ang paningin ko sa mga gamit nila and I realized na wala nga silang dalang pagkain.

“Nandoon na kayo sa Walter Mart, ‘a? Hindi kayo bumili?” I asked and Jade slowly shook her head. Napa-face palm ako.

“Ang galing niyo, guys! Bravo!” I sarcastically told them and clapped mockingly.

“Pasensya naman. Na-libang kaming mag-chika-han, ‘e.” dahilan ni Zara.

“Kuya, may madadaanan ba tayong grocery?” Zan asked at lumapit malapit sa likod ni JM.

“Meron naman siguro.” tipid  na sagot ni JM kay Zan.

“‘Yun! Problem solved!” Jade exclaimed at bumalik na ako sa pagsandal sa upuan. I closed my eyes and I found myself falling asleep despite the heavy noises my friends were creating.

--

to be continued

My Lotto ExperienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon