13
--
When I woke up, napansin kong wala na kami sa city dahil sa puro bahay kubo, puno, bundok, kalabaw, at kapatagan ang mga nadadaanan namin. At kahit nang maka-tulog ako, maingay pa rin sila. Hindi ba sila napagod? I was about to sit up straight nang may mapansin akong plastic sa lap ko.
“Ano ‘to?” natanong ko at tiningnan ang nasa loob ng plastic.
“Plastic.” rinig kong sagot na pabalang ng katabi kong nagda-drive. I turned to him, glaring, but he didn’t look back at me. He was too focused on driving.
“Tae ka! Alam kong plastic ‘to! Napaka-gago mo!” I hissed at him bago ko pinagpatuloy ang pagtingin sa loob ng plastic. Inside it was V-Cut na barbecue-flavored, sour and cream-flavored Piattos, Clover chips na cheese, two bars of Hershey’s Chocolates and a bottle of Coke. Whoa, these junks are my favourite.
“Para sa akin ba ‘to?” takang tanong ko and turned to him again. Saglit niya akong sinulyapan bago ulit mag-drive.
“No, that’s mine. Trip ko lang ilagay sa lap mo para mabigatan ka.” he answered sarcastically and I glared at him. Padabog kong inilagay sa lap niya ang plastic bago ako sumiksik sa tabi ng bintana. Nakakaasar. Hindi ba niya alam ang kasabihan na ‘Magbiro na sa lasing, huwag lang sa bagong gising’?
“Hoy pangit. Napaka-pikon mo. Para sa’yo ‘yan, tanga!” he told me, clearly irritated as well while handing me the plastic bag. Tiningnan ko saglit ang plastic bag bago ako umirap sa kanya.
“Anak ng! Kunin mo na, nangangawit ako!” he said, almost shoving the plastic bag on my face. I pried his hand away na siyang ikinagulat niya.
“Isaksak mo sa baga mo, ulol!” I screeched at him before crossing my arms over my chest.
“Ibinibigay na nga sa’yo, nagpapakipot ka pa? Ayos ka , ‘a.” naiirita niyang sabi at ibinagsak ang plastic bag sa tabi ko. Humawak ulit siya sa manibela at tumingin sa daan habang salubong ang mga kilay niya.
“Sira ka pala, ‘e. Sinabi mo na sa’yo ‘yan, ‘di ba? Gago lang?”
“At sinabi ko na ngang para sa’yo nga ‘yan, ‘di ba? Tanga lang? Ha? Hindi ka na ba mabiro ngayon? Lahat ng bagay sineseryoso mo?” he told me, his jaw clenched at napa-higpit din ang hawak niya sa manibela.
“Nagtatanong po kasi ako ng maayos. Sana sinagot mo na lang din ng diretso. At bakit mo ako bibiruin? Buddies ba tayo? Close tayo?” I fought back. Sinulyapan niya ako saglit at tumingin muli sa daan. I don’t know how long was I glaring at him pero natigil iyon nang may may mag-flash mula sa likuran namin. I immediately diverted my attention away from him and turned to my friends. They were all grinning mischievously at me. Doon ko lang napansin na nanahimik na pala sila at kami lang ni JM ang maingay na nagtatalo. Napa-tingin ako kay Mae at nakita kong may hawak siyang camera.
“Alam niyo, may chemistry kayo.” pambubuska ni Zara at napasimangot agad ako sa sinabi niya.
“I agree. Explosive nga lang ang reaction nila, babe.” pagsang-ayon ni Macky kay Zara bago niya ito inakbayan.
“Oo nga. May chance.” pagsang-ayon ni Lee Anne at mapalad na ngumiti.
“Yeah. You’re right Lee. May chance.” ngumiti din ako sa kanya mockingly.
“May chance na isa-isa ko kayong pagsasapak-sapakin back and forth pagkarating natin ng Baguio!” I added and grumpily leaned on my seat. I heard them laughing out loud but I didn’t mind them. Bahala sila.
“Pero alam mo Sel, it’s our first time to see you getting so worked up. Hindi ka naman dating napipikon ng ganyan ka-grabe, ‘e.” I heard Jade commented and I just rolled my eyes at what she said, not even bothering to look back at her. Paanong hindi ako mapipikon sa pinsan ni Zan? Unang una pa lang, hindi na naging maganda ang pakiki-tungo niya sa akin. The second time we met was even worse. And the third? Ugh, akala ko pwede na kaming magkasundo pero hindi eh. Talagang nagka-clash ang mga ugali namin. At ‘yung nangyari ngayon? I rolled my eyes again. Don’t ask, wala nang pag-asang maging maayos kami. Napatingin ako kay JM at tahimik lang siyang nagda-drive na parang walang narinig. I shrugged. Bahala siya.
Few minutes later, napansin kong tuluyan nang natahimik ang mga kabarkada ko, only to realize na halos lahat sila ay tulog na. I sighed, ang boring. Ilang oras pa ba ang hihintayin ko bago kami makarating sa Baguio? Sumandal ako sa bintana and was about to drift off to sleep again when my stomach grumbled. Agad kong tiningnan ang wristwatch ko only to realize that I’ve missed lunch at ngayon nga ay nagugutom ako. Shaking my head, I crossed my arms again over my chest at pumikit. But my stomach grumbled again. Malakas. Napamulat agad ako. Kanino ako hihingi ng pagkain? I was about to sit up straight nang biglang napansin kong may iniaabot sa akin si JM.
“Ano ‘yan?” mahinahon kong tanong dahil ayoko na ulit na makipagtalo pa sa kanya.
“Kunin mo na lang. Ayokong makipagtalo sa’yo dahil pagod na ako.” he told me nonchalantly. Sighing, I took the plastic bag from him. Binuksan ko iyon at nakita kong may mga hamburgers, sandwiches, and two bottles of water.
“Salamat.” nag-aalangan kong sabi bago ako kumukha ng hamburger.
“Welcome.” tipid niyang sabi at nagsimula na akong kumain. Bakit ganon? Ang awkward? Ininda ko na lang ang awkwardness na nararamdaman ko at nagpatuloy sa pagkain.
“Tirhan mo na lang ako. Hindi pa rin ako kumakain.” dagdag niya maya-maya lang without even looking at me.
“Sige.” ang nasabi ko na lang sa kanya at nagpatuloy ako sa pagnguya. Kumuha pa ako ng ilang sandwich at hamburger na kaya kong ubusin at kinuha ko na rin ‘yung isang bote ng tubig. Inilagay ko ang itinira kong pagkain para sa kanya sa tabi ng mga junk foods.
Nang matapos akong kumain, matutulog na dapat ulit ako pero natigil iyon nang marinig ko na kumulo ang tiyan niya. Napatingin ako sa kanya, and even though he wasn’t looking at me, alam kong napahiya siya dahil sa biglang pagpula ng tenga niya. I cleared my throat dahil muntik na akong matawa. Kumuha akong isang hamburger, tinanggal ang balot and handed it to him. He immediately grabbed it from me and and took a big bite.
“Bakit kasi hindi ka kumain kanina?” bigla kong natanong. He swallowed his food first before turning to me.
“Hindi pa ako nagugutom kanina.” he answered.
“I see. Sige, matutulog ulit ako.” sabi ko at inayos ang sarili ko sa upuan. Papikit na sana ako nang bigla siyang magsalita.
“Awayin mo na lang ako, please.” he said. Nasisiraan na ba siya? Sabi niya ayaw niyang makipag-talo, tapos ngayon gusto niyang awayin ko ulit siya?
“Bipolar ka ba?” tanong ko at bigla siyang natawa.
“Baliw! Inaantok na kasi ako. I need a little distraction.” he explained at napatango ako. Kaninang umaga pa nga naman siya nagda-drive, talagang mapapagod ang mokong.
“Gago!” I joked and he grinned.
“Tanga!” he countered back and we ended up laughing together. Nababaliw na ata kami.
--
to be continued
BINABASA MO ANG
My Lotto Experience
Teen FictionKung sakaling manalo ka sa lotto, anong gagawin mo? Meet Selyne Visencio. Isang simpleng babae na may masayang pamilya, totoong mga kaibigan at malaking pangarap. Wala na siyang mahahangad pang iba. Pero nang managinip siya ng nag-uumapaw na tae sa...