6 - CRASH

23.7K 670 15
                                    


BIANCA'S POV

Maaga ako gumising kinabukasan dahil kailangan kong maagang pumasok sa Summer Rose. It's my first day sa office kaya kailangan kong magpakitang gilas. Naka-bawi na rin naman ako ng pahinga at tulog. The warm bath last night helped me to relax and had a good sleep. This morning, I took a bath and wore my business suit. I chose a pencil cut below the knee skirt and longsleeves blouse that tucked inside my skit. I tied my hair in a messy bun kahit basa pa iyon. Dadaan na lang ako sa salon sa hotel mamaya para magpa - blow dry.

Dumiretso ako sa kusina para sana magkape. Pero nagulat ako nang makita ang mga nakahain na pagkain sa mesa. May tortang talong. Vigan longganisa and fried rice. May fried egg din and hot coffee.

All these are my favorite food! Talagang natatakam ako sa mga ito dahil wala nito sa Amerika.

Who made these?

Nasagot ang tanong ko nang makita kong lumalabas mula sa dirty kitchen si Chris at may dalang small pot. May bandana pa siya sa ulo siguro para hindi makaistorbo ang mahaba at makapal buhok sa mukha niya. Kitang-kita tuloy lalo ang mukha niyang punong-puno ng balbas at bigote. Pero hindi naman nakakadiring tingnan si Chris kahit ang kapal nga facial hairs niya. Sa totoo lang, the thick facial hair added the more masculine look. Mas hot tingnan. And just like last night, he is shirtless and just wearing only boxers. Talagang ibinabalandra ang well sculpted and fine physique.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. Hinango niya sa kawali na kaharap ang sausage na niluto.

"You're awake, wifey. Good morning," bati niya sa akin at akmang hahalik sa pisngi ko pero mabilis akong umiwas. Nakita kong umarte siyang parang nasaktan. "You don't like your morning kiss, wifey? Hindi mo na nga ako pinatulog sa kuwarto mo tapos wala pang morning kiss," tonong nagtatampo siya at parang bata na nakalabi pa.

Napailing na lang ako sa arte niya. "Pinatuloy na kita dito sa bahay ko para may matulugan ka. Huwag ka naman abusado," asar na sagot ko sa kanya at tinabig ko pa siya para makalapit sa cupboard. Binuksan ko iyon at hinanap ang thermal mug ko na paglalagyan ko ng kape.

"I am just trying to give my wife her morning kiss. Anong masama 'dun?" Alam kong nasa likuran ko siya.

Napabuga ako ng hangin at pabagsak na binitiwan ang hawak na thermal mug. "Why did you prepare all these foods? Sino ang kakain nito?"

"Oh these? Ikaw. I prepared all of these for you. Siyempre asawa na kita kaya ayaw kong magugutom ka" Sagot niya at hinawakan ako sa braso tapos pinilit akong paupuin sa harap ng mesa at naglagay ng plato sa harap ko. "I called Armel and asked what your favorite foods are. And tadah! Kaya there is no reason you are not going to eat these. Armel told me all of these are your favorites," ngumiti pa siya sa akin at naglagay ng pagkain sa plato ko.

Napasimangot ako. "Sana hindi mo na siya inistorbo pa para dito. I can eat in the hotel," sagot ko akmang tatayo na. Pero mabilis si Chris at agad akong napigilan. Inis akong tumingin sa kanya pero ang higpit ng pagkakapigil niya para hindi ako makatayo. Hindi rin ako makapagsalita kasi ang seryoso na ng mukha niyang nakatingin sa akin.

"Mrs. Kutcher, I want you to eat your breakfast," this time ay seryoso na siya. And tigas na ng tono. Hindi na rin nakangiti. Wala ang jolly expression ng mukha tapos ang lapit - lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Wala sa loob na napalunok ako. Hindi ako makasagot. Ano ba ito? Bakit ang tindi ng kabog dibdib ko? I keep on reminding myself that this is just Chris. What happened to us was a one-night affair. Dahil lang sa alak. Yes, he is handsome but other than that, wala akong gusto sa kanya.

Until you were gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon