Lies over lies

22.2K 669 44
                                    

CHRIS's POV

    Hindi muna agad ako bumalik sa resort pagkagaling ko bahay ni Bianca.  I need to process everything.  I drank a couple of beers before i went back.  I found Antoine inside my hotel room waiting for me.  Kanina pa nga ito tumatawag sa akin pero wala pa akong ganang magkuwento.

    "What happened?" Iyon agad ang bungad niya sa akin.

   Ihinagis ko ang hawak kong susi ng kotse sa kama at naupo ako doon.

    "I have a daughter," parang sa sarili ko lang sinabi iyon.

    "No fucking way!" Alam kong gulat na gulat si Antoine.  "Seriously?"

    Tumango ako.

    "Are you sure?  How?  But -" parang hindi ma - absorb ni Antoine ang nalaman niya.

    "Bianca lied to me.  Lahat sila." Ang sama pa din ng loob ko dahil sa nangyari.

    Pareho kaming napatahimik ni Antoine ng tumunog ang telepono ko. 

    Nagpakilala agad si Sallie na siya ang tumatawag.

    "Chris, Bianca wants to talk to you.   She is heading to the resort.  If you could meet her in the Alfresca bar." Sabi niya.

    "When?"

    "Now.  Papunta na siya diyan." At pinatayan na ako ng telepono ni Sallie.

     "Who's that?" Tanong ni Antoine.

     "Sallie.  She said Bianca wants to talk to me."

     Ngumiti si Antoine sa akin.  "Baka makikipagbalikan na," tonong nanunukso si Antoine pero hindi ako natawa sa joke niya.

     Balikan?  Possible pa ba iyon sa amin ni Bianca?  Yes I still have feelings for her pero mas matimbang ang sama ng loob ko dahil sa ginawa niya.  Yes I lied to her.  Patong - patong nga na kasinungalingan ang ginawa ko at pinagsisihan ko na iyon.  Pero mas matindi ang ginawa niya.  Itinago niya ang anak ko.  Pinalabas pa na patay na.  Ninakaw niya ang mga panahon na dapat lumalaki ang anak ko na kasama ako. 

     Napahinga ako ng malalim at tumayo. 

     "Goodluck," sabi ni Antoine habang palabas ako.

     Tumango lang ako sa kanya at dumirecho ako sa bar na sinasabi ni Sallie.

     I saw Bianca waiting for me.  She is just sitting quietly.  Kalmado na.  Hindi katulad kanina na para siyang nanay na tigre na kayang manlapa kapag ginalaw ang anak niya.

     Hindi man lang siya tumingin sa akin ng umupo ako sa harap niya.

     "What do you want?" Malamig na tanong ko.

     Tumingin lang siya sa akin.  I know she is just composing herself pero gustong - gusto na niyang umiyak.

     "I - I never thought that we will see each other again," sabi niya.

     "Me too.  Hindi ka kasi madaling hanapin.  Lahat pala kasi kasabwat mo." sabi ko.

     "Whatever decision that I made then, I thought that was the best.  'Yung nangyari sa atin, everything happened so fast," at napayuko siya.  "I know from the very beginning, our relationahip was already doomed."

      Hindi ako sumagot.  Mabilis niyang pinahid ang mga luha na naglandas sa pisngi niya.

     "Lies over lies.  That's what happened to us and I don't think a relationship can survive in that kind of foundation."  Basag na basag ang boses ni Bianca.

Until you were gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon