Late

18.4K 611 36
                                    

 
BIANCA'S POV

Napabalikwas ako ng bangon.  Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong alas otso na.  Shit!  Shit!  Tinanggal ko ang braso ni Chris na nakadantay sa beywang ko at mabilis akong umalis sa kama.

     "Damn it!  This is freaking bad," inis na sabi ko sa sarili ko at nagpunta ako ng banyo para maligo.  Kung bakit kasi nagpuyat - puyat pa kami kagabi.  Pasado alas tres na kami nakauwi ni Chris tapos kung ano - ano pa ang ginawa namin.  Well, sulit naman kahit puyat.  Chris really made sure that I will be satisfied last night.

     Wala pang ten minutes ay tapos na ako at lumabas na. I need to move fast. 

     "What's wrong, sweetheart?" naaalimpungatang tanong niya sa akin. 

     Mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya.  Chris looked like a model wearing nothing on the bed.  I still can't believe that I can make love with this man anytime that I want.

    "I am late!  We have a meeting at eight thirty.  Shit.  I need to be on time.  Nasa akin ang mga copies ng imi - meeting namin today," natataranta na ako. Lahat pa naman ng heads ng hotel ay naroon dahil nga sa pagdating ng mga taga Koche Industries.

     "Call Armel.  Tell him you'll be late.  I'll drive you." Sabi niya at tumayo na din tapos ay lumapit sa akin at yumakap sa beywang pero mabilis na akong umiwas sa kanya.

    "No.  Okay na ako.  I'll just drive.  Call you later.  Love you," at halos patakbo akong lumabas ng kuwarto.  Shit talaga.  Ano ba ito?  Bakit ngayon pa ako na - late?

     Mabilis akong sumakay sa kotse at ii - start ko na lang iyon ng may maalala ako.

   Call you later.  Love you.

    What the hell did I say to Chris?  Para akong luka - luka na napasabunot sa buhok ko.  Damn it!  I said I love you to him.  Naku!  Ano ba naman?

    Ano naman masama?  Mahal mo naman talaga 'yung tao?

    Parang tukso iyon ng isip ko.  Ano ang sasabihin ni Chris?

     Parang nagulat pa ako ng marinig kong tumutunog ang telepono ko.  Napangiwi ako ng makita kong si Chris ang tumatawag sa akin.  Sasagutin ko ba?  Huwag na lang. 

      Text naman ang nareceive ko ng hindi ko sinagot ang tawag niya.

     Answer your phone.  I know you're still outside

     Iyon ang nabasa kong text niya.  Tumingin ako sa bahay at nakita kong nakatayo siya sa may bintana at nasa tenga ang hawak na telepono.  He is calling me again.

     No choice.  Napilitan akong sagutin ang tawag niya.

     "What?  I am late," kunwari ay naiinis na ako.

     "You said something earlier," sabi niya.

     Damn it.  "What did I say?  Sabi ko I'll call you once I am in the office," sagot ko.  "Come on, Chris. Let's talk later.  I am late."

     Narinig kong napahinga siya ng malalim.  "Fine.  I'll see you later.  I love you too." At pinatayan na niya ako ng telepono.

     Mabilis na tiningnan ko siya sa may bintana pero wala na siya doon.

     Did I hear it right?  I love you too daw?

     Napangiti ako.  Fuck me!  Chris loves me too!  Shit!  He loves me too!

     Umalis na ako doon.  Kasi baka kapag nagtagal pa ako, hindi na ako pumasok at bumalik na lang ako sa kama katabi ni Chris.

     I arrived at the office around 8:45.  Ang dami ng calls and text sa akin ni Armel.  Patakbo akong umakyat papunta sa conference room at parang gusto kong matunaw sa hiya dahil kita ko ang inis sa mukha ng mga kasama ko sa meeting.

Until you were gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon