At last

28.9K 834 95
                                    

Mga bess... Totoo na ito. This is the last chapter for Chris and Bianca's story. Maraming - maraming salamat sa pag - follow sa story nila. I hope you will follow din 'yung story ni Kyle and Ciara (Chasing Ciara) kasi na - hold 'yung kanila para sa continuation ng dalawang ito 😊

Sa mga kinilig, sa mga nainis, sa mga nagtiyagang mag - abang ng UD everyday, salamat po. I hope you won't get tired reading my stories kasi marami pa pong kasunod.

God bless everyone and stay inlove ❤️

------------//H. M.
--------------------------->>->>>>>>>>

Bianca's POV

Parang ang lungkot - lungkot ko na for the first time in five years, hindi ko katabing matulog si Chrissy. Gusto kong umiyak. Alam kong mahahati na ang atensyon niya kasi nandito na ang daddy niya. Natawa ako sa sarili ko. Ganito talaga ako kagaga? Talagang nagseselos pa ako sa atensyon ng anak ko?

Chris deserve all the time now with his daughter. Karapatan niyang magalit sa ginawa ko na itinago ko ang totoo sa kanya. Pero iisipin ko pa ba iyon? Tapos na. Ito na ang ngayon. Ayoko ng magsumbatan pa kami ni Chris. Kung sino ang tama, kung sino ang mali. Basta gagawin ko ang lahat para mapabuti si Chrissy at alam kong ganoon din siya para sa anak niya.

Tumingin ako sa relo kasi eleven pm na pero may nag - doorbell pa sa bahay.

Si Antoine ang naabutan kong nandoon at karga - karga niya si Chrissy. Tulog na tulog pa rin ang anak ko.

"Something happened?" Bakit hinatid niya ang anak ko? Anong nangyari kay Chris?

"Something came up and Chris had to leave. Babalik din naman siya bukas kaya pinahatid na lang niya si Chrissy." Paliwanag ni Antoine at dire - diretsong pumasok sa bahay. Itinuro ko ang kuwarto namin ng anak ko at inilapag niya sa kama.

"Emergency? May nangyaring hindi maganda?" Nag - aalala ako. Ngayon pa lang sila nagkita ni Chrissy at umalis na agad siya? My daughter will be devastated kapag nalaman niyang umalis na naman ang tatay niya.

"Nothing serious. Hindi rin naman niya sinabi sa akin kung ano. Sa Manila lang naman siya pupunta. Bukas nandito na ulit iyon. He needs to be here kasi bukas sila magpipirmahan nila Mr. Ocampo for the land that he bought," parang biglang nagsisi si Antoine sa nasabi niya at nahihiyang tumingin sa akin. "Sorry about that, Bianca. Chris needs that land for the expansion of his business."

Tumawa ako ng mapakla. "Ganoon naman talaga sa mga mayayaman. Walang pakielam kahit ano. Kahit masagasaan ang mga taong naging parte ng buhay nila. Alam ko na iyon."

"Hindi naman siguro. What if, he ask you to marry him. Tulad 'nung dati. Nagpakasal kayo. Papayag ka?"

Tiningnan ko ng masama si Antoine.

"Memory lane is closed, Antoine. Huwag ka ng umasa," natatawang sabi ko. "You want coffee?"

"Sure. Wala naman akong gagawin doon sa hitel kaya tatambay na muna ako dito. Na - miss kong makipag - kuwentuhan sa iyo." Sabi niya at naupo agad sa stool na naroon ng makarating kami sa kusina.

"How are you? When did you get married?"

"Three years ago. I've met a wonderful woman. You should meet Ruthie. She is nice just like you."

"I am happy to hear that, Antoine." Masayang sabi ko.

"But you know, I think you and Chris still have a chance to your forever. I know, kahit hindi mo sabihin, you still love him. And ganoon din naman siya. Single ka. Single siya. Nagpapakipot pa kayong dalawa." Natatawang sabi niya.

Until you were gone (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon