[chap 28] don't read yet!

140 5 2
                                    

Justin's POV

"J-justin!" Nagulat ako nang makita si Zerena sa harapan ko. Hindi kaya may kinalaman si nanay sa pagpunta ni Zerena dito? Napakunot lalo yung noo ko. Kaya nga ako umabsent e, I'm not yet ready to face her. I'm still mustering up the courage para kausapin siya.

She looks uneasy kaya I covered my body. I just realized that I'm not wearing a shirt tsaka nakaboxers lang ako. I grinned, kahit buto-buto ako maganda pa rin katawan ko. "anong ginagawa mo dito?" Hindi ko sinasadyang maging cold yung tono ng boses ko pero pinanindigan ko na lang.

I don't want her to see that I'm soft. "A-ano... s-sabi kasi ni Harry-

Hinatak ko siya papasok sa kwarto ko at inilock yung pintuan. I'm not really planning to take advantage of her. I'm not that kind of guy. Pinilit kong itago yung mga ngiti sa labi ko at tinaasan siya ng kilay. "Anong ginagawa mo dito?" I asked again. Bigla niyang nilagay yung kanang kamay niya sa noo ko at hinaplos ito.

What is she doing? I felt butterflies fluttering around my stomach. Talaga bang pinuntahan niya ako dahil nag-aalala siya? Nananaginip ata ako.

"Nilalagnat ka! Magdamit ka nga" She hissed sabay labas sa kwarto ko. Weird.

[Zerena]

Napahawak ako sa dibdib ko. My heart is beating way too fast for my liking. Lumapit ako sa nanay niya at humingi ng basang pamunas at gamot para kay Justin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas para kausapin siya ng ganun. Nadidistract ako kanina sa katawan niya and my knees are like jelly-nanlalambot.

"Salamat mo ma'am"

"Nanay na lang, iha" I stared at Justin's mom. She's still beautiful kahit nanay na siya. She looks so fresh and calm-naaalala ko tuloy yung mama ko.

"Sige po ma-nanay!" I'm beginning to feel comfortable towards her. I didn't know how she does it pero ang bilis mapalagay ng loob ko sa kanya.

Bumalik na ako sa kwarto ni Justin. Huminga na muna ako ng malalim bago siya lapitan. I'm really nervous. Feeling ko mahihimatay ako ng wala sa oras. He's already wearing a shirt at nakahiga siya sa kama niya. I sighed in relief.

"Justin, pupunasan muna kita. Ako muna ang personal nurse mo. 'Wag pasaway okay?" I know he's still mad that's why I want to make it up to him and I'm doing my best. Sana lang makita niya yung sincerity ko.

[Justin]

Tumabi siya sa pwesto ko tapos inilapag sa side table yung mga gamot. Pinunas niya sa akin yung malamig na pamunas kaya napangiwi ako. "S-sorry, m-masyado bang malamig?" Naiilang na naman siguro siya. I could sense it because she's stammering.

"Ayos lang" walang gana kong sabi.

May atraso siya sa akin, dapat magpakipot muna ako para siya naman ang maging sweet sa akin. Pero 'di ko talaga mapigilan na hindi kiligin. Dati kasi puro inis lang ang nararamdaman niya sa akin pero ngayon, kumbaga sa negosyo, umaasenso na.

I think she never meant what she said the other day. She must've felt betrayed dahil nadidivert kay Via ang atensyon ko. Naisip ko lang naman na kailangan ni Via ng mag-aalaga sa kanya because of her condition. "J-justin, i'm really-

"Nauuhaw ako" I don't want to talk about it yet. I want to savour this moment with her-baka kasi hindi na uli mangyari ito. Baka kapag gising ko-back to reality na naman.

"S-sige ikukuha kita ng tubig" I just noticed na nakasuot pa siya ng WestAc uniform. Hindi siya pumasok? She handed me the glass of water kaya naupo ako ng maayos at ininom yung tubig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating Ice [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon