Letter (3)

4.3K 186 24
                                    

Dear Papa Jesus,




                                Isang linggo po akong naospital, pakiramdam ko po para na rin akong nasa langit puro puti ang nakikita ko at ang mga gumagamot sa akin nakasuot ng kulay puti. Papa Jesus, pasensya na po kung isang linggo akong hindi nakasulat Sa'yo, alam Mo po ba sabi sa akin ng doctor ang gwapo ko raw po at ang tibay ko. Ang saya ko po Papa Jesus kasi sinabihan akong isang matibay na bata, pakiwari ko po kasi sa sarili ko ang hina-hina ko.




                                Sa loob ng isang linggo ko sa ospital madalas inilalabas ako ni ate at nagkaroon ako ng kaibigan. Zero po ang pangalan niya, mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon at may sakit siyang leukemia. Pero po sa tuwing nakikita at nakakausap ko siya para siyang isang normal na bata, walang sakit at hindi natatakot mamatay. Kaya Papa Jesus, simula noong naging kaibigan ko siya sabi ko sa sarili kong gagayahin ko siya hindi ko na iintindihin ang sakit kong ito at hindi ko na iisipin kung kailan Mo ako kukunin, dahil tulad ng kaibigan kong si Zero pipilitin kong mamuhay tulad ng dati isang normal at walang sakit. Papa Jesus, kahit mahirap po pipilitin ko.



                                May tumutulong po sa amin para sa pang gamot ko, Papa Jesus salamat po kasi hindi Mo pa rin kami pinapabayaan maraming salamat po.

                                Papa Jesus, okay lang po ba kung hindi ko muna ipadala itong mga sulat ko Sa'yo? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung anong address sa langit. Nagtanong na ako kay mama, ate at lola ko pero ang sabi nila wala raw address sa langit. Totoo po ba iyon Papa Jesus?



                                May itatanong po ako Sa'yo, okay lang po ba? Ano pong pakiramdam kapag patay na? Kapag nakahiga sa kabaong at nasa ilalim na ng lupa? May pakiramdam pa rin kaya? Sabi raw kasi nila kapag namatay parang natutulog lang daw, totoo po ba iyon Papa Jesus?




                                Sino pong lumikha Sa'yo? Kay God? Sa mga tao noong sinaunang panahon? Iyong mga tauhan sa loob ng bibliya? Sino pong gumawa sa kanila? Maliban po Sa'yo at kay God? Sino po ba ang lumikha? Sino po ang lumikha sa kauna-unahang tao sa mundo maliban kina Adan at Eba? Papa Jesus, hindi ko po tapos basahin ang bibliya pasensya na po kung ang dami kong tanong.




                                Papa Jesus, alam mo po bang kalbo na ako? At ang sabi ng doctor stage 3 na raw po ang cancer ko. Ano pong ibig sabihin 'non? Diba po kapag may stage 1, stage 2 at stage 3 sa mga laro lang po iyon? Laro lang po ba ang cancer ko?




I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon