Letter (4)

3.3K 154 12
                                    

Dear Papa Jesus,





                                Ang saya ko po ngayon, fried chicken ang ulam namin ngayong gabi si ate raw ang bumili kasi may trabaho na siya kaso Papa Jesus huminto siya sa pag-aaral, dalawang taon na lang sana matatapos na siya sa kolehiyo pero hininto niya iyon para makatulong kay mama. Sa totoo lang po nalungkot ako nang malaman ko iyon pero hindi ko pinahalata kasi ayokong nakikita nilang nalulungkot ako, kasi sila hindi rin nila pinapakita sa akin na nalulungkot sila. Papa Jesus, ang sakit po hindi dahil sa cancer ko, kundi masakit po sa puso. Masakit dahil wala akong magawa, sila ang nagsasakripisyo sa akin lahat ng nangyayari ngayon Papa Jesus nang dahil sa akin, ako na may sakit na cancer.




                               Sa totoo lang po Papa Jesus okay lang sa akin kahit hindi na ako magpagamot, okay lang na maramdaman ko ang sakit dulot ng cancer tatanggapin ko lahat-lahat ng paghihirap huwag lang mahirapan ang pamilya ko. Ganito po pala ang buhay kahit na bata lang ako, isang sampung taong gulang wala pa rin pinipili ang pagsubok, wala Ka po pala pinipili kung sino ang bibigyan Mo ng problema. Pero Papa Jesus nagkataon lang ba talaga sa akin? Sa amin? O kami po talaga ang pinili Mo para iparanas ang ganito?





                               Papa Jesus, maaga po ako matutulog ngayon dahil babalik kaming ospital bukas ayoko 'man bumalik doon pero kailangan. Para sa pamilya ko kailangan kong gumaling, kailangan kong mag-aral at maging malakas.




                               Salamat po sa araw na ito, salamat po dahil buhay pa rin ako, ligtas ang pamilya ko, binibigyan mo pa rin ng pag-asa sila lalo na po ako. Salamat po Papa Jesus sa panibagong buhay na ibinigay Mo, sana po Papa Jesus maabutan ko pa ang anak ni ate gusto ko pong makita ang pamangkin ko. Sana po Papa Jesus, sana.



I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon