Letter (8)

2.2K 131 3
                                    

Dear Papa Jesus,



                                 Tuwing umaga po sobra-sobra na akong nagsusuka, bakit po ganoon Papa Jesus? Umiinom naman po ako ng mga gamot pero parang lalo yatang lumalala ang sakit ko minsan naman po hindi ko macontrol ang sarili kong sigawan o magalit kina lola at mama. Papa Jesus ito po ba ang epekto ng sakit ko? Halos dalawang linggo na po akong ganito at madalas hindi ko nakikilala sina mama at lola, madalas din pong lumalabo ang mga mata ko, hindi ako makatayo ng diretso at hindi ko magawang magbalance. Papa Jesus, bakit po ganito? Bakit naman po ganito kalala? Bakit po hindi umeepekto ang gamot ko?



                                Madalas na akong nakalilimot Papa Jesus, natatakot ako dahil baka makalimutan ko na ng tuluyan sina mama at lola at halos dalawang linggo akong hindi nakasulat dahil nakalimutan ko ang ganito kong ginagawa. Papa Jesus, ang hirap-hirap na po, ayoko na ng ganito kung mamamatay lang din ako kunin Mo na po ako ayoko pong nakikitang nahihirapan ang pamilya ko, sobrang sakit po Papa Jesus, sobrang sakit po sa puso ko.



                                Hindi pa rin umuuwi si ate, sobra na po kaming nag-aalala sa kanya. Papa Jesus, natatakot po ako sa mga pwedeng mangyari baka bukas o mamaya makalimutan ko ang lahat ng taong mahahalaga sa akin. Papa Jesus, nasasaktan po ako.



                                Kaninang hapon may pumunta rito sa bahay, isang batang lalaki na nagngangalang Zero may dala-dala siyang robot na malaki at binigay niya iyon sa akin. Tulad ko rin po siya, kalbo, payat at halos kulay puti na ang labi niya. Pero po hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Zero sobra po siyang masayahin at ang sabi niya kaibigan ko raw po siya. Papa Jesus, isa na po ba siya sa nakalimutan ko dulot ng cancer ko? Ang hirap po pala ng ganito, parang hindi ako makahinga at halos para na akong mamamatay sa sakit. Papa Jesus, tulungan Mo po ako.


                                Papa Jesus, sobra na pong hirap na hirap si mama. Ayoko pong nakikita o naririnig siyang umiiyak tanggap ko na pong mamamatay ako kaya Papa Jesus, para hindi na sila mahirapan kunin Mo na po ako. Gusto ko na pong maging isa sa mga anghel Mo.




I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon