Letter (5)

2.6K 137 6
                                    

Dear Papa Jesus,




                                Dinala ko po rito sa ospital ang mga papel at karton na pinalalagyan ng mga sulat ko, ito na raw po ang araw na magchechemotherapy ako. Papa Jesus, natatakot po ako parang ngayon pa lang habang sinusulat ko ito nawawalan ako ng lakas pero alam kong hindi pwede dahil kailangan kong gumaling para sa pamilya ko at para rin sa sarili ko.



                               Nakasalubong ko kanina si Zero, pinakita niya sa akin ang bago niyang laruan. Papa Jesus, masama po bang mainggit? Kasi po iyon ang naramdaman ko kanina, naiinggit ako dahil buti pa si Zero nakaranas at nagkaroon ng ganoong klase ng laruan, buti pa si Zero hindi kapos sa pera, buti pa siya mayaman.


                               Papa Jesus, kumpleto ang pamilya ni Zero may mama at papa raw siya. Buti pa si Zero kumpleto ang pamilya, samantalang ako malapit ng mamatay pero hindi ko pa rin nakakasama ang papa ko. Papa Jesus, nasaan na po ba si papa?



                               Hanggang dito na lang po Papa Jesus, salamat po sa lahat-lahat Ikaw na po ang bahala sa akin. Sana po hindi masakit ang chemotherapy.


I love you Papa Jesus,

Kline

Dear Papa JesusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon