#4.1 "Resign"

2.5K 21 0
                                    

[Queenie's POV]

"P--PRiNCE LEMMUEL UNiVERSiTY???!" nagugulat kong sigaw.

"Oo, padala yan ng papa mo." nakangiting sabi ni mama.

"Pero Ma!... PRiNCE LEMMUEL UNiVERSiTY 'to! Mas mahal pa tuition Fee dito kesa sa one month salary ni papa, e. Ano bang nangyayari kay papa? Nagda-DRUGS ba sya dun?!"

"Hindi noh! Nakapag-ipon na din kasi kami ng papa mo para sa pag-aaral mo."

"E? May ipon kayo para sa P.L.U??! May malaking pera kayong naipon?"

"Oo, matagal na namin pinag-ipunan yun. At saka may 60% discount na yang Form mo kaya di na ganun kalaki yung babayaran noh."

"Pero, pano nagkaron ng Form si papa?"

"ibinigay yan ng amo nya, balita ko yung anak ng amo nya, Ang nagmamay-ari ng P.L.U. e nalaman na may anak ang papa mo na mag-aaral ngayon pasukan, kaya ayun binigyan ang papa mo. " paliwanag ni mama.

........................................

SPEECHLESS ako.

"Oh? ano? Nagustuhan mo ba? Sana may ma-credit kang mga subjects sa dati mong school para mabawasan ang taon ng pag-aaral mo."

"sana nga po. Sino ba naman ang tatanggi sa ganito kalaking sorpresa! pero..."

"Wala ng pero-pero... Mag-aaral ka sa P.L.U. tapos!"

Hindi na ako nagsalita. Tiningnan ko lang si mama sa mga mata. Hindi ko mapigilang maluha.

"Mama...." T^T

"Ano yan tears of joy? andami naman!" pag-epal ni Quirby.

Lumapit si mama sakin at niyakap ako.

"Galingan mo, ha? Wag mong sasayangin yung opportunity na dumating sayo ngayon."

"Opo, mama." niyakap ko din sya.

"Dapat lang noh, kasi pag nakagraduate ka, babayaran mo lahat ng ibabayad namin ng papa mo para sa School na yun." kinindatan ako ni mama.

" Promise! Pagbubutihin ko!" nginitian ko sya.

"ANG DRAMA NYO! Hays! Pag nakaGRADUATE ka na ate, ikaw ang magpapaaral sakin. Syempre sa P.L.U din ako mag-aaral para mahirapan ka sa pagbabayad." salbahe!

"Tigas ng mukha mo! Bahala ka sa buhay mo, bleh!" pang-aasar ko sa kapatid ko sabay takbo papunta sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko at hawak- hawak ko pa rin yung Form.

Niyakap ko ito.

Tinitigan ko ang Ceiling ng kwarto ko.

GRABE! HiNDi ako maka-GET OVER! MAG-AARAL ako sa P.L.U.?!

Eh kahit sa panaginip di ko inisip yun eh, tapos ngayon? hawak ko ang isang Form ng P.L.U??

Sobrang Sikat kasi ang Prince Lemmuel University.

Lahat ng nag-aaral dun ay nakaka-angat sa buhay. Mga ANAK MAYAMAN!

Samantalang ako? NORMAL Lang.

"WAAAAAHHH! LORD! Bat ang bait nyo sakin??! SaLamat po!"

No no jeongsini nagasseonnabwa geuttaen naega eotteoke neoreul tteonaga

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon