#18 "You're dead."

2.1K 16 2
                                    


[Queenie's POV]

"Mamimiss kita, Queenie." T^T

"M-Mamimiss? b-bakit?" nagtataka kong tanong habang yakap-yakap pa rin ako ni Mrs. Villafuerte.

Kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin at luhaan ang mga mata akong tiningnan.

"Hindi ba, pinapaaLis ka na ni JL? Waaahh..."  atungal nito.

bigLang nagflashback sa isipan ko ang mga nangyari at sinabi ni Jl kagabi.

Nakalimutan ko. :(

Nakaramdam ako ng lungkot. Aalis na ko sa Palasyo nila. :( Akaka ko pa naman ok na kami ni Jl. Ginamot nya kasi ang sugat ko kagabi tapos kanina mukha naman di na sya galit sakin. Tuloy pa rin pala ang pag-alis ko dito. :(

Hinawakan ko na ang handle ng isang maleta. Lalong lumakas ang hagulgol ni Mrs. Villafuerte ng damputin ng isa sa mga maid ang isa pang maleta.

Palabas na sana kami para ilagay ang mga gamit ko sa kotseng maghahatid sakin pauwi nang biglang lumitaw si Jl.

[Mrs. Villafuerte's POV]

"Ayan! JL,dahiL gusto mo nang umalis si Queenie.. AaLis na tuLoy sya.. hmp.." bungad ko sa anak kong kararating lang.

Halatang natigilan sya pagkakita ng mga maleta hawak ng maid at ni Queenie.

"Mamimiss kita e. Sobra. Huhuhu:'(
Si JL naman kasi e.. huhuhuhu.." sabay punas ko sa mga mata gamit ang panyo at sumubsob ako sa balikat ni Queenie.

"Tahan na po. Wala pong dapat sisihin."  naramdaman ko ang paghagod ng kamay nya sa likod ko. Bakit ang bait ng batang ito? Lalo akong naluluha. :'(

Kumalas ako sa pagkakasubsob sa kanya at masamang tiningnan ang anak ko na ngayon ay kunot na kunot ang noo habang nakatitig sa mga maleta.

"Oh ayan, Jl! Are you happy now???! Gusto ko pa naman si Queenie for you tapos... Ang bad bad mo!" inis kong sabi sa anak ko.

"ok lang po, Mrs. Villafuerte, wag nyo po syang sisihin." binigyan nya ako ng isang ngiti saka nya ibinaling ang paningin kay Jl.

Lumapit sya  at tinapik ang kaliwang braso ng anak ko.

"Tahimik mo dyan?" nginitian nya ang anak ko na parang naestatwa sa pagkakatitig kay Queenie. "Pa'no? Alis na ko, Young Mons... Master. Salamat sa maikling panahong nakasama kita."

Nilingon ako ni Queenie at binigyan nya ako ng isang ngiti. "Alis na po ako, Salamat po sa bonggang buhay na ipinaranas nyo sakin dito sa bahay.... Palasyo nyo."

At tinalikuran na nya ako.

Nagsimula na syang maglakad hila-hila ang maleta nang biglang hawakan ni Jl ang kamay nyang nakahawak sa maleta. Natigilan si Queenie at awtomatiko nyang nilingon si Jl.

Gusto kong matawa nang makita ko ang pamumula ng mukha at tenga ng anak ko. Ni hindi nya matingnan ng diretso si Queenie.

Napakurap si Queenie at taka nyang tinitingnan ang kamay nila ni Jl na parehas nakahawak sa maleta. Halos sakupin ng kamay ni Jl ang kamay ni Queenie.

"Ikaw!"  nilingon ni Jl ang maid na may hawak ng isang maleta.  "ibalik mo yan sa kwarto nya." pag-uutos nito.

Nanlaki ang mga matang tiningnan ni Queenie si Jl.

"Ano pang tinutunga-tunganga mo dyan?! ibalik mo na!"

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon