#15 Mr. ViLLaFuerte is BACK..

2.1K 20 0
                                    


[Queenie's POV]

"pero.. bakit pati ako?"

"ipapakiLaLa kita.." nakakaloko ang ngiti nya sakin.

"Ako?" itinuro ko ang sarili.

"YES! ang FUTURE GiRLFRiEND ni JL my son." (^u^)

(O_O)!!!!

Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"F-future G-Girlfriend???!!! Nino???!!! Ni Jl?????!!!" bulalas ko.

"Yes! Bakit? Bagay naman kayo a. maganda ka, gwapo ang anak ko. Hihi.." kinikilig kilig pa sya habang sinasabi nya sakin yan.

......Ano bang iniisip nya? Magiging girlfriend ako ng anak nya kagaya ng mga napapanood ko o nababasa ko na nagkakatuluyan ang alipin at ang amo?

Pwede naman yung mangyari.

Oo nga! Pede syang mangyari! Sa iba! Hindi samin! E hindi nga kami magkasundo nun e. Naiimagine ko pa lang kinikilabutan na ako. Malamang sa malamang kung magkatotoo man ang iniisip ni Mrs. Villafuerte, aalipinin lang ako nun ni Jl. Psh!

"Queenie? Tulala ka."

Agad bumalik ako sa reality ng marining ko ang boses ni Mrs. Villafuerte.
Ayun na naman ang nakakaloko nyang ngiti.
"siguro...pinag-iisipan mo nang maging girlfriend ng anak ko nu Hihi. Why not try? Hihi"

Bumagsak ang mha balikat ko at napatungo na lang ako. Ang lawak ng imahinasyon nya. imposible yung mangyari. Imposible.

Ang Maging Girlfriend ni Jl ay parang turtle na lumilipad...

Isang malaking kalokohan.



[Jl's POV]

"My son, oh my gosh! you're so gwapo talaga!"

Pababa na ako ng hagdan nang makita ako ni Mommy at kasama nya ang babaeng yon.

"Look! Ang ganda ni Queenie, no? Hihi" nang-aasar na naman sya.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng babaeng yon. Nakita ko kung paano syang napalunok. Ngumisi ako at nagkibit balikat lang na naging dahilan ng paglaki na naman ng butas ng ilong nya.

Buti wala syang galos.

Nakarating sakin ang balita na nabully sya ng 3B kanina. Swerte sya at nakaligtas sya sa kamay ng mga babaeng yon.

Nagtungo na kami sa dining area at hindi na ako nagulat sa dami ng putahe nakalatag sa mesa.

"wooow! Ang daming pagkain!"

Tss..

Nilingon ko ang babaeng yon na nanlalake ang mga mata at halos tumulo ang laway habang titig na titig sa mga pagkain. Napapalunok pa sya.

Nagsi-upo na kami. Si mommy sa tabi ng bakanteng upuan habang kaming dalawa ng babaeng yon ay magkatapat.

Nang dumating na si Daddy ay nagsipagtayo kami at lumapit na si Mommy sa kanya para humalik at yumakap.
"WeLcome home, my handsome husband."

Walang gana ko naman tiningnan si Daddy at hindi ko na hinintay pa na makalapit sila sa mesa, naupo na ako. Napansin ko naman na parang natataranta ang babaeng yon sa harap ko kung uupo na ba sya o tatayo pa rin.

"You must be.. Queenie."
" sabi ni Daddy nang makalapit ito sa upuan.

Napatayo namang diretso ang babaeng yon. Halatang kinakabahan sya.
"Ah.. e.. ah.. O-opo." nauutal na sagot nito.

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon