#6 New Found Friend

2.4K 19 0
                                    

[Queenie's POV]

"dun sa likod, sa tabi nung WEiRD GiRL na yun." sabay turo nya sa bakanteng upuan sa tabi ng upuan ko.

Napalunok ako habang nakikipaglabanan ng tingin sa lalakeng yon.

Tatabi sakin ang MaLas Boy na yan?

Hindi ba talaga ako lulubayan ng kamalasan?

Habang papalapit sya kung nasan ako napansin ko ang mga tingin nya. Nang-iinis talaga sya. (-__-")

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang makalapit sya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Alam nyo ba yung naramdaman ko nang maupo sya?

Hindi maganda sa pakiramdam. Kinikilabutan ako sa presensya nya. Parang may masamang espiritu akong nararamdaman. Pasimple ko syang sinulyapan at nanindig ang balahibo ko para syang nababalot ng itim na aura.
Parang ako lang ang nakakakita ng BLACK AURA na yun. (-_-)!!! Ang creepy.

Malas! Malas! (>__<)

Pasimple ko rin tiningnan ang mukha nya at halos mahinto ang paghinga ko nang magtama ang paningin namin.Ngumiti sya. Hindi maganda ang ngiting yun. Nakakakilabot ang ngiti nyang yon. Na para bang may binabalak syang masama sakin.

Nakakakilabot. Nag-iwas ako ng tingin at sinubukan kong magfocus sa unahan kung saan nagtuturo na ang instructor.

Maghapong badvibes ang first day of school dahil sa katabi ko!

(>.<)

{KiNABUKASAN}

Umaga pa lang ay sira na ang araw ko.

Sa dami ng pwede kong makatabi bakit itong... Sinulyapan ko sya. Nakasubsob sya sa desk nya. Mukhang tulog sya ke aga-aga. Napairap akong tumingin sa harapan at tinitigan ang blackboard kung saan nagsusulat ang instructor. Nakita ko sa gilid ng paningin ko na umayos ng upo ang lalakeng yun. No. Hindi pala maayos. Nag-unat sya ng braso kasabay ng paghikab nya nang walang ingay. Napailing na lang ako at nagfocus muli sa itinuturo ng instructor.

Tok!

Natigilan ako sa pagsusulat nang may kung anong tumama sa ulo ko. Nakita ko ang isang ..

Ballpen?!

na nahulog sa may desk ko.

inilibot ko ang paningin ko at
napansin si JL nakatingin sa board at nagpipigil ng tawa.
Mukang sya ang bumato sakin.

Agad kong pinulot yung ballpen at mabilis na ibinato sa ulo nya.

Tok! Nakita ko pa ng matigilan sya sa pagpigil ng tawa ng tamaan sya.

tinamaan sya.. \(*u*)/

Dahan-dahan syang lumingon at sinamaan ako ng tingin.

"BWAHAHAHA...." hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.

"Ms. delos Reyes!" napatakip ako ng bibig ng tawagin ako ng instructor.

Ang sama ng tingin sakin ng instructor at Lahat ng classmates ko ay nakatingin sakin.

"Ms. delos Reyes, STAND UP!"
Tumayo ako agad. "Anong nakakatawa sa klase ko?"

"Wala po Ma'am .. kasi si.." nagbaba ako ng tingin sa lalakeng katabi ko. "Mr..." napalunok ako at muling hinarap ang instructor. "si Mr. Villafuerte po binato ako ng ballpen sa ulo kaya binato ko rin sya." nakahinga ako ng maluwag. honesty is the best policy. (^u^)v

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon