#12"She's mine."

2.2K 14 0
                                    


[Queenie's POV]

"Hey! Guys, Look it's Queenie deLos Reyes."

MuLa sa Likod ko, sumulpot ang tatLong LaLake.

Bakit ako kiLaLa ng mga 'to?!

Sino siLa?!

"S-sino k-kayo?!" napaatras ako nang umastang lalapit ang isa.

"Hindi mo ba kami kiLaLa?!" nakangising sabi nung isa pa at akma rin lalapit sakin.

"Oo nga naman, sa iisang schooL Lang naman tayo nag-aaraL e." sabat naman nung ikatlong lalake.

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga mukha nila. at bahagyang nanalake ang mga mata ko nang maalala ko kung saan ko sila huling nakita.

Mga taga-PLU at naalala ko naging customer namin sila kanina. Hindi man ako ang nagserve sa kanila, natatandaan kong isa sila sa maingay na customer.

Nakaramdam ako ng kaba.

Click...
Flash..

Click...
Flash..

Click...
Flash..

Napapikit ako at nasanggahan ko ng braso ang mukha ko nang may nagflash na ilaw sakin. Pilit kong iminulat ang isang mata ko para makita kung bakit may nakakasilaw na ilaw.

Celfone...

At walang tigil akong pinipicturan ng sa tingin ko ay pinaka-leader nila.

Lalo kong tinakluban ang mukha ko gamit ang mga braso ko. Halos tumungo ako wag lang makuhanan ang mukha ko.

"Ang Cute mo naman sa suot mong Maid uniform." narinig kong sabi nung ikalawang lalake. Matotonohan ang pagkamanyak sa pananalita nya.
Hindi pa nga pala ako nakakapagpalit ng damit. Inuna ko ang magtapon ng basura. Berirong Queenie!

Panay pa rin ang kuha sakin ng litrato kaya panay din ang taklob ko sa sarili.
"itigiL mo yan!"
Inis na sigaw ko Habang iisang mata lang ang nakamulat.

"Bakit ako titigiL?! Ang cute mo nga e."

Nakita kong lumapit sa pinaka-leader ang isa at sumiLip sa celfone "Wow! pare, ang yummy naman ng kuha nya dyan.. NakakagigiL!" dinilaan nya ang itaas at ibabang labi saka tumingin sakin. "Magkano? Magkano ba para mailabas ka namin, Maid Queenie?"

Lumapit na rin yung isa pang lalaki sa likuran nila. Napakalagkit ng tingin habang kagat ang ibabang labi na tila mo'y nanggigigil.

"itigiL nyo sabi yan!!" nilakasan ko pa ang sigaw ko. Baka sakaling marinig ako sa loob ng mga kasamahan ko sa coffee shop.

Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng pinaka-leader nila at humakbang palapit sakin.

"Wag kang LaLapit! Layuan mo ko!" nanginginig man ang mga binti ko ay nagawa ko pa rin makahakbang paatras.
Pero parang asong ulol ang lalakeng ito na tila walang naririnig at patuloy sa paglapit habang ibinubukas sara ang isang kamay habang ang isang kamay ay hawak ang celfone na sa palagay ko ay vinivideohan na ako.

Patuloy ako sa pag atras habang papalapit sya sakin. At nang akma nya akong hahawakan... Kasabay ng pagpikit at pag-atras ko naramdaman ko ang isang kamay na pumukupot sa bewang ko at hinila ako hanggang mapasandal ako at maramdaman ko mula sa likuran ang init ng katawan ng isang tao.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang tampalin ng  isang kamay nito ang kamay ng pinaka-lider nung tatlo na akmang hahawak sana sakin.

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon