#Virgin

2.1K 22 2
                                    

[JL's POV]

tss.. para Lang magsorry, para lang mag-apologize sa babaeng yon? nag-effort ako???

kahit maLate ako sa first subject namin, ginawa ko yun.

Oo na! ako lahat gumawa nun.. ako nagkuha ng mga pictures nya.. gaLing ko noh? pede na kong maging staLker? Dejoke, nagpatulong ako sa mga teammates ko. Si Ck sa mga photos, dakilang stalker/spy ang peg non pagdating sa pagkuha ng mga litrato.

Sila Nikko, Ronnie naman nag-ayos sa gym. Si Wilbert naman sa sound system at tagaplay ng video at music.

At ako? Ako ang nakaisip ng ideang yon.

Let me explain...

ayako Lang ng ganun kame araw-araw? yung parang hindi nya ko kilaLa? nakakainis kasi e. nagsusupLada! hmm.. Hindi bagay sa kanya, sakin Lang bagay yun, ang magSUPLADO!

Kaya wag nyo bigyan ng ibang meaning.

Pero... Pag naaalala ko yung paghawak nya sa mukha ko, yung ngiti nya. Parang... Parang ano..
Ah! Ewan! Nag-iinit yung mukha ko tapos....

Aish! Naiinis ako! Kase ang lakas ng loob nyang hawakan yung napakagwapo kong mukha! Pahirapan nga sa iba makalapit sakin at mahawakan ako tapos sya?? Ganun-ganun lang? Tss...

GAME OVER!

"tss!"

Ayan! Game over tuloy. Kakaisip ko sa babaeng yon. Aish!

Nauna akong umuwi sa kanya. Ayako muna syang kasabay dahil.. Ah! Nahihiya ako? Hindi! Sya nga dapat mahiya sakin. Masyado na syang sinuswerte. Tss.
Nagawa ko na rin naman mag-apologize ng ganun noon pero.. Kasi.. Bakit nakakaramdam ako ng hiya o awkwardness pagdating sa kanya? Tss. Ah! Ewan!

brown out...

naman! di pa ko tapos magLaro!

Makatulog na nga lang, babalik din naman yung kuryente mamaya.

papikit na sana ako nang bigla na lang may pumasok sa isipan ko.

"natatakot syang mag-isa pag ganun LaLo na pag madiLim.. takot syang matuLog. kasi baka bangungutin sya."

Natigilan ako...

"si .. Quee..nie.."

agad akong tumayo, kinapa yung drawer para kunin yung flashlight.tumakbo ako papunta sa kwarto nya.. Hindi ako sigurado kung nandito na sya pero maaga syang nauwi pag wala kaming practice.

'Bakit hindi ko sya kaagad naisip nung nagbrown out.. tss..'

kinatok ko yung pintuan ng kwarto nya..

"hey, open the door!"

waLang sumasagot..

tss..

"Hoy! buhay ka pa ba?! bubuksan ko na 'to."

waLa pa ding sumasagot..

Nainis na ko kaya binuksan ko na yung pintuan at pinasok yung kwarto..

waLa sya sa kama?

"hoy babae, nasan ka?"

hinanap ko sya gamit yung flashlight. Sobrang dilim.

pagtapat nung Liwanag ng flashlight dun malapit sa may bathroom..

Nakita ko syang nakaupo sa sahig.

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon