#4.2 This is not a goodbye

2.4K 23 0
                                    

wala na naman akong magawa kaya eto, update na lang sa She's Mine.

Makikilala nyo na si Manager.

sana patuloy nyo po itong basahin,

TANDAAN!

Beginner lang po ako.

ni-try ko lang tong story ko. :D

--Lovelyweirdgirl

================================================================================

[Queenie's POV]

"Hindi ako pumapayag sa pagre-resign mo."

(O.O)!!!! e?!

natigilan kaming tatlo sa sinabing yun ni Mngr.

"Di ba kailangan mo ng pera? Bakit ka magre-resign?"

napalunok muna ako bago ako nakasagot..
"Ahm, sa tingin ko kasi, sir, hindi ko ata kayang pagsabayin ang trabaho at studies ko. Gusto ko po sanang magfocus sa pag-aaral  ngayon para mabawi yung mga taon na nahinto ako. "

"Pwede ka naman magtrabaho t'wing weekends."

Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Mngr.
"pwede ba yun, sir? Weekends?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nginitian ako ni Mngr...
"Oo naman, makakatulong yun para makapag-ipon ka, pang allowance na rin."

"Talaga sir? Okay lang sa inyo na weekends lang ako magtrabaho?"

"uhm, kahit pag wala kang pasok, pede kang magtrabaho dito kung gugustuhin mo. Ganun pa rin ang sahod mo per day. "

Tinitigan ko si Mngr at hindi ko napigilan ang mangiti sa sinabi nya.
"Ah! sir.... ang Bait nyo... salamat!" :D  sa sobrang tuwa ko hindi ko napigilan na yakapin si Mngr.

"n-no p-problem...i-kaw pa."

"iKAW PA????" Sabay na sabi nila Hannah at Dhane.

Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Mngr at nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa ko. Nag-iwas ako ng tingin at ganun na rin si Mngr.

"Ah, e.. ehem... syempre, napalapit na si Queenie sa Maid in Heaven kaya Welcome sya bumalik dito kung kelan nya gusto. ahhhh... kahit kayo? Kung ganyan din ang sitwasyon nyo, pede rin kayong bumalik kahit kailan nyo naisin.. hehe."

"aahhh... akala ko may something na sa sinabi nyo sir." si hannah.

Sinulyapan ko si Mngr at halos ikagulat ko pa ng makitang nakatingin na ito sakin.
Ngumiti sya....



[Manager's POV]

Nagpaiwan ako sa shop..

Dito muna ako mag-stay ngayong gabi para makapagmuni-muni..

Mag-iisip.

Magmumukmok....

hmmm....
Pa'no ba naman?

teka....

Kilala nyo na ba ako?

Si Manager???

hehe..  Hindi yun ang pangalan ko.

Ehem...

Ako nga pala si JUSTiN MENDOZA.
I'm 22 years old. {see picture ---->}

Ako na ang nagpapatakbo ng sarili kong business, ang Maid in Heaven Coffee Shop.

Nasa ibang bansa ang parents ko, kaya ako lang mag-isa dito.

Sa isang Condo unit ako nakatira malapit lang din naman dito sa shop.

Uhm...
balik tayo sa Drama ko kanina...

Nagmumukmok ako kasi....

Aalis na yung babaeng matagal ko ng gusto. Mag-aaral na daw kasi sya.

Oo! si Queenie ang tinutukoy ko.

Matagal na akong may lihim na pagtingin sa kanya.

secretly in loved with her.

well, HiNDi NA SECRET kasi alam nyo na!

Simula pa nung araw na nag-apply sya dito, Crush ko na sya.

Hanggang sa makita ko syang suot ang Maid uniform nya, TiNAMAAN na TALAGA AKO.

Kaya nga panay ang pag-compliment ko sa kanya sa twing makikita ko sya na suot yun.

Ang Ganda nya!

Naiinis din ako sa twing nakikita kong tinititigan at hinahawakan sya ng mga MANYAK na customer namin.

Kung tingnan at hawakan sya, parang ibinebentang StuFFed toy lang si Queenie.

Hay! Nakakainis!

Pero wala akong magawa. Hindi ko naman nakakalimutan ang pagiging Manager ko. Ang negosyo ko.
Trabaho nya rin kasi yun eh.

Kapag nga napapagalitan ko sya minsan, nakukunsyensya agad ako.

:)

Mahal ko na eh.

Hindi ako torpe! Natatakot lang ako na baka umiwas sya sakin pag nalaman nya yung nararamdaman ko.

ayoko ngang Lumayo sya sakin!

kaya nga nung sinabi nyang Magre-resign sya, Hindi ako pumayag!

Teka nga lang,......................................

bakit ako nagmumukmok?!

Hindi naman aalis ng tuluyan si Queenie.

Hindi nga pala ako pumayag.

Magtatrabaho pa rin sya dito pag Weekends o pag wala syang pasok.

so? anong pinagda-drama ko???

Nakakabakla naman tong ginagawa ko.

"Tama! This is not a good bye!"


[Queenie's POV]

First day of school....

"Ano kayang pwedeng mangyari? Kinakabahan ako."

Naandito ako sa labas ng gate ng
P.L.U.

Grabe! ang laki ng School na 'to!

iniisip ko kung anong pwedeng mangyari oras na tumapak ako sa loob ng school.

Nakanganga at nakatitig ako sa buong school.

"Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!!!"

narinig ko yung busina ng sasakyan. alam kong sasakyan yun pero ewan ko, hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Tiningnan ko lang ang nasa likod ko, at bumalik ulit ako sa pagtitig sa School.
Ang ganda-ganda ng school na 'to!

"UMALiS ka nga sa DADAANAN ko!!" may sumigaw sa'kin.

Finally, natauhan na ako.

Hinarap ko yung sumigaw at muntik ng makapagpaBiNGi at makabasag sa eardrums ko!!

"HOY! iK............." nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko..

"iKAW????!!! " O.O!!!

to be continued.............

===============================================================================

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon