#9 "be my sLave."

2.3K 23 0
                                    


[Queenie's POV]

Lunch break at tahimik akong kumakain mag-isa sa table dito sa canteen. Nang bigla na lang sumulpot ang lalakeng 'to sa harap ko.

"hey! We need to talk." seryoso ang mukha nya. Natigilan lang ako sa pagnguya at binigyan ko lang sya ng nagtatakang tingin. Ano naman kaya ang kailangan namin pag-usapan?

"Be my SLAVE." diretso syang nakatingin sa mga mata ko.

Naibuga ko ang laman ng bibig ko at tumalsik sa mukha nya.

"Hey! Tss." bakas sa mukha nya ang pandidiri. Ang sama ng tingin nya sakin. Nakakamatay.

"Sorry..sorry.." pinunasan ko yung uniform nya gamit yung panyo ko.

"Be my SLAVE." natigilan ako sa pagpupunas sa mukha nya. Nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko natagalan ang mga mata nya kaya ako ang unang nag-iwas ng tingin.

"Ok ka lang ba,Jl?"

"Yes. Why? Don't call me Jl, di tayo close."

"Anong be my slave- be my slave yang sinasabi mo? Ano namang kalokohan yan?!"

"Hindi 'to kalokohan."

"Seryoso ka?"

"Kaya nga hindi kalokohan di ba?"

"Ayst! Totoo?"

"Oo. Tss." halatang paubos na ang pasensya nya.

"Anong "Be my slave"?? Hoy! Akala mo ba magpapaalipin ako sayo? NO WAY!! Mas gugustuhin ko pang Hindi kumain ng 3 beses sa isang araw kesa magpaalipin sayo."

Nangunot ang noo nya pero nanatili ang seryosong mukha nya. Napabuntong hininga sya.
"Ok."

"Umalis ka na nga. Nakain ako ng tahimik dito ginulo mo. kung anu-anong pumapasok na kalokohan dyan sa isip mo."

imbis na umalis sa harap ko isang mayabang na pagngiti ang gumuhit sa labi nya.
"Nga pala, curious ang pinsan ko kung saan ka nag-aaral. Hinahanap ka nya. Matawagan nga."
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Nilabas nya ang celfone nya mula sa bulsa habang nakangisi pa rin sakin. Napalunok ako habang tinitingnan ang mga kamay nyang nagda-dial.
Kinabahan ako. Kapag sinabi nyang magkasama kami sa iisang school, Magugulo ang mundo ko. Sabagay, gulo na pala ang mundo ko sa school na 'to at dahil yun sa kanya. kay JL.

"Teka!" pagpigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa pagda-dial.

"Payag ka na?" taas ang isang kilay at hindi naaalis ang mayabang nyang ngiti.

"HiNDi!" pagmamatigas ko.

"Ok. Tawagan ko na pinsan ko."

"Teka lang!" pagpigil ko ulit sa kanya. "Baka naman pwedeng pag-usapan muna natin 'to?"

"Wala ng dapat pag-usapan."

"Ano... kasi e.."

"Wait, hindi nga din pala alam ng parents mo yung trabaho mo sa maid in heaven, di ba?" lalong lumawak ang mayabang na ngiti ng lalakeng 'to.

Kinilabutan na naman ako. kinabahan.
Alam kong kayang-kaya nyang ipagkalat yun.

Jayvion LemmueL ViLLaFuerte, hindi ka lang Malas at Manyak, BLACK MAiLER ka rin!

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon