#29 "Advice"

2K 15 1
                                    


[Aaron's POV]

Nagstart na yung klase pero hindi pa rin bumabalik yung dalawa.  Si Queenie at Denise.  Iba yung kutob ko,  yung aura ni Denise halatang may galit. 

Ano na kayang nangyayare sa kanila?

San kaya sila nagpunta?

Nasa kalagitnaan kami ng klase ng biglang...

"Restroom."

Nilingon ko sya sa bandang likuran,  nakatayo na si Jl.  Ganyan sya magpaalam pag gusto nyang lumabas ng classroom. 

Siguro,  hahanapin nya yung dalawa. 

Ilang minuto pagkalabas nya,  nagpaalam ako sa prof namin na lalabas din ako.

Hinanap ko sila. Hanggang sa mapunta ako sa Gym. Nakita kong lumabas sila Jl at Queenie.

Medyo nagtago ako sa may gilid para di nila ako makita.

Naikuyom ko yung kamao ko nung makita kong hinawakan nya yung mukha ni Queenie. 
Hanggang sa...   Hinalikan nya sa pisngi. 

Hindi na ko nakapagpigil, mabilis ko silang nilapitan.  Itinulak ko palayo si Jl hanggang sa mapasandal sya sa dingding.  Kinwelyuhan ko sya.

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo,  Jl? "

Ngumisi sya. 

Susuntukin ko na yung pagmumukha nya...

"Waaag! "

Sigaw ni Queenie.

Naramdaman ko na lang yung mga kamay nya na humawak sa braso ko.

"Wag mong gawin yan,  Aaron. "

Kinalma ko yung sarili ko.  Binitawan ko si Jl. 

"Bumalik na tayo sa classroom. " hinawakan ko yung kamay ni Queenie at hinila sya palakad. 

"A piece of advice....." napahinto ako nang magsalita si Jl.  Napalingon kami ni Queenie sa kanya.

"Kung hindi mo bibiLisan.. baka maunahan ka." (=__=)

Ngumisi sya.
Naglakad,  nakita ko pang sumulyap sya kay Queenie, pababa sa kamay nya na hawak ko. Hanggang sa magtama ang paningin namin dalawa.  Nakakunot ang noo nya nang bunggoin nya ang balikat ko.  Yabang talaga.

Nakuyom ko na naman ang kamao ko.

"Lem..." saka ko lang napansin si Denise. Sinundan nya si Jl.

"Aaron? nagets mo ba yung sinabi ni JL? Ako kasi.. hindi." (-__-")

pinilit ko na lang ngumiti.

" hindi rin e." sagot ko. Ginulo ko na lang yung buhok nya. 

Naintindihan ko yung sinabi ni Jl. 

'Bakit, Jl?  Sa dami ng babae bakit sya pa?

[Denise's POV]

sinundan ko si JL...

Nandito kami ngayon sa rooftop....

"UmaLis ka na." inis na sabi sakin ni JL.

hindi ako makapaniwaLa na sinasabi ni JL sakin 'to.

GaLit taLaga sya sakin.

"yung sinabi mo kanina kay Aaron... ano bang gusto mong ipahiwatig dun?"

"None oF your business." (=__=)

"connected ba yun sa paghalik mo kay Queenie kanina? "

Napatingin sya sakin.  tas nag-iwas ng tingin. Dumukot sya ng yosi at lighter sa bulsa ng uniform nya, saka nya sinindihan at hinithit,  buga.

"nakita ko ang lahat. Bakit mo sya hinalikan?  gusto mo na ba sya? "

"tss." ibinagsak nya yung yosi sa sahig at tinapakan.

"Lem.. i'm sorry. Kung iniwan man kita noon.. Let me expLain.." kahit di ako tinitingnan ni JL at hindi sya umiimik, aLam kong nakikinig sya..

"gusto ko Lang naman makapag-isip-isip .. kung ready na ba taLaga ako.. kung sigurado na ba ako na tayo taLaga hanggang huLi. i'm sorry kung naging selfish ako.  Sorry kung iniwan kita...

... MAHAL KiTA ng SOBRA, and i want to be with you Forever. So, pLease.. don't be Like this.. ayusin na natin yung reLasyon natin. i want you back, Lem. Please... " (T^T)

hinarap ako ni JL..

"Tapos ka na ba?" (=__=)

"Lem.. pLease.. don't be Like this."

"gusto mo rin ba ng advice?" (=__=)

"h-ha? advice?"

"Denise.. Listen...." tiningnan ako ni Jl sa mga mata.

"Mag-ingat ka sa mga taong iniiwanan mo.. kasi.. Di LAHAT ng mga yun.. MABABALiKAN MO."

Natigilan ako sa sinabi nya. 

"Alam ko may babalikan pa ako,  Alam ko mahal mo pa ako.  Alam ko hinintay mo ang pagbabalik ko."

Napailing si Jl. Ngumisi sya. 

namiss ko yang mayabang mong ngisi.

"Iiwan-iwan mo ako, tapos babalikan mo ulit ako.  Anong akala mo sakin,  tourist spot?  Tss. "

Tumalikod sya sakin at naglakad na palayo. 

Napalunok ako at nanlambot ang mga tuhod ko. Napaluhod ako sa sahig at tuloy-tuloy ang pagluha ko.  Yung ginawa nya kanina para kay Queenie sa Gym.  Yung pagtatanggol nya sa babaeng yon.  Yung pagsorry at paghalik nya sa babaeng yon. Yung mga sinabi nya kay Aaron.

Hindi! hindi pwede!  hindi ako papayag.

[JL's POV]

"sir, ngayon ko Lang ata uLet kayo nakita dito a?" sabi nung waiter habang sinasaLinan ng aLak yung shot gLass ko.

"Busy. "  matipid kong sagot.

Nasa bar ako ngayon.  Hindi na ako pumasok ngayon araw.  masyadong madaming nangyari. 

Bakit ba nagagalit si Denise sa babaeng yon?  E sya nga tong nang-iwan sakin tas babalik balik sya?  Si Aaron naman kung umasta, kung magalit,  kala mo boyfriend sya nung babaeng yon.  Tss.. 

'Akin sya.

Naalala ko na naman yung paghalik ko sa kanya kanina.  Ang lambot ng pisngi nya.  Baka kung di dumating si Aaron hindi lang sa pisngi nya dumampi yung labi ko.

Tss.  Ano ba 'tong naiisip ko?

Ininom ko na yung huling tagay ko.

Makauwi na.  Sana sermunan ako nun babaeng yon.  Namimiss ko na yung paglaki ng butas ng ilong nya. 

Medyo malayo na rin sa Bar yung nalalakad ko nang...

"Tingnan mo nga naman, nagtagpo na uLet tayo, ViLLaFuerte."

tiningnan ko kung sino yung epaL na yun na humarang sa daan "Sino ka naman? bakit mo ko kiLaLa?"

"whoa! NakaLimutan mo na ba ako?" nagLabas ng basebaLL bat yun epaL at nagsuLputan muLa kung saan yun 4 pang LaLake ..

tss... Mga panget.

"Oras na ng paghihiganti,  Jayvion LemmueL ViLLaFuerte."


..to be continued...

She's Mine (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon