"A friend is someone who knows all about you and still loves you."
-Elbert Hubbard_______________________________________
"Pangalan."
"Sasha."
"Complete name."
"Sasha Alfon."
"Wala kang kasama?"
"Wala."
"Kaibigan?"
"Wala."
"Mas maaappreciate mo ang nasa loob kung may kasama ka."
Ngumiti lang ako. Hindi ba pwedeng maglakwatsa mag-isa? Dapat talaga may kasama? Napabuntong hininga ako. Dapat talaga sa bahay na lang ako tumambay eh.
"Mag-isa ka na naman?"
Napalingon ako sa aking likuran. Bahagya akong ngumiti.
"Ikaw pala, Manong Joe. Magandang hapon po." Bati ko sabay mano. "Hindi naman po ako palaging mag-isa." Sabi ko sabay tawa ng mahina.
"Alam ko. Ang ibig kong sabihin eh yung kaibigan na palagi mong kasa-kasama tuwing maglalakwatsa ka."
"Mas okay na po 'yong ganito kesa may kasamang hindi ako komportable."
"Ikaw talaga." Wika nito sabay gulo sa buhok ko. Natawa na lang ako. "Maiwan na kita ah? Aayusin ko pa yung mga bulaklak sa likuran."
"Sige po."
Tahimik kong pinagmasdan ang mga iba't-ibang uri ng bulaklak. Isa ang lugar na ito na binibisita ng mga turista tuwing summer. Malapit lang naman ito sa tinitirhan ko kaya madalas ako dito. Mag-isa. Simula nung mamatay si papa, sinanay ko ang sarili kong mamuhay mag-isa. Kaibigan? Marami ako nun, dati. Pero narealize ko na hindi sila yung tipong kaibigan na rain or shine ay didikit sayo.
I started living alone three years ago. Matapos ang libing ni papa, I moved to another city to heal my broken heart and soul. My dad was my only parent and friend. Mom? I don't know. My dad said she left us after delivering me. I can't blame her, she's just 18 when she had me accidentally and my dad was 28. She got scared of being tied to responsiblities so turned her back from us and left. I don't hold grudge against her. That's how cruel life is.My dad was a pilot so I don't have trouble about expenses even after he went to a better place. He left me too much. I can even live without working and just spend my whole attention on my studies. Ang boring naman kung ganun kaya nagpart time job ako as an English tutor online.
In this world full of fakes, I'd better be alone. As what my papa always told me, "Find a friend that will treasure you just how I treasure you, baby."
Just thinking of him makes me really really sad. I should visit him before class season starts.
"Look who we just bump into just now! Tsk! So hindi ka lang pala tindera sa palengke kundi isang hardinera? Sucks to be you."
Arte naman ng taong nasa likuran ng mga roses section. Kung sino man ang inaaway ng mga ito talagang maiiyak. Marahan akong naglakad at sisilip sana ng biglang---
"Achooo! Achoo! Achoooooo!" Allergic talaga ako sa roses. Nagsilabasan ang kung sino man ang nasa likuran ng roses section. Isang nandidiring tingin ang ipinukol sa akin ng babaeng tsinita at ng kasama nito. Arte! "Achooooo!"
"Eww! Kadiri naman this girl. Let's go, Shannel." Yaya nito sa kasamang half-korean ata.
Naiwan ang babaeng may bitbit na paso ng rosas na puno ng bulaklak.
"Achoo! Achoooo!"-ako.
"Allergic ka sa rosas?"-yung babae.
"Medyo. Excuse me." Sabi ko sabay alis.
Nang malayo-layo na ako sa mga rosas, napahinga ako ng maluwag. Tsismosa kasi. Yan tuloy.
Nang magsawa ako sa mga bulaklak, nilisan ko ang lugar na iyon at sa mall naman tumambay. Kumain ako at nanood ng sine.
----
Hello! Ako Boyet!HAHAHA joke lang.Magsisimula na naman po akong maglabas ng masasamang ideya na nakatambak sa utak ko kaya humanda ka!
Enjoy!
YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.