It's been almost two months simula noong maging miyembro ako ng Tatakoyaki. Sa awa ni Lord, humupa ang nagniningas na mga mata at bunganga ng iilan kong mga haters. Pero may iba talaga na ang titibay. Katulad na lang nito.
"Just because member ka ng Tatakoyaki at nagiging close kana kina Dash ay magiging close na rin tayo. Not.gonna.happen.bitch. Never."
Guess who? Hindi tao. Hindi bagay. Kundi hayop. H-A-Y-O-P!
Sino pa ba eh diang nagmamalditang si Natasha. Siya lang naman ang solid kong hater eh. Masyadong loyal.
"At sino namang may sabing gusto ko ring makigpagclose sayo?" Taas-kilay na bwelta ko sa kanya. "Not.gonna.happen.bitch. Never." What comes around, goes around. Akala niya natatakot ako sa kanya? Spell asa. A-S-A. ASA. "Bye-bye, bitches!" Pagkatapos kong magpaalam ay nagflip ako ng hair at tumalikod. Manigas ka sa inis dyan. Ilang saglit pa ay dumeretso na ako sa klase ko. Dalawang oras pala ang klase na meron ako ngayong umaga.
Pasok klase. Upo. Sulat-sulat. Kinig sa guro. Sagot-sagot. At paulit-ulit na lang. Natapos ang dalawang oras ng klase ko. Dumeretso ako sa band room. Magpapalipas oras na lang ako doon hanggang lunch time. For sure nandoon ang iba.
Naabutan ko si Annabeth, Mia, Zeke at Jake na tumambay doon. Wala siguro silang mga klase.
"Hello fellas!" Bati ko. Binati naman nila ako pabalik at muling nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa. Maya-maya pa dumating si Danzel. Matapos akong tinanguan ay nakipag-usap kay Annabeth.
"Listen up, pals!" Sigaw ni Dash pagkapasok niya sa band room. Nagulantang naman kami sa ginawa niya. Anong drama ng isang ito?
"You don't have to shout, freak!" Asar na pasigaw din ni Zeke na nagulantang mula sa pagkakatulog.
"What is it, Dash?" Si Annabeth na noon ay kausap si Danzel.
Ang kaninang nagising na si Zeke ay muling bumalik sa pagtulog pero ngayon ay ginawa na nitong unan ang lap ni Mia na ikinabusangot ng pagmumukha ng huli. Mantakin mong magpinsan pa lang ang dalawang ito? At sobrang close pa. Kung hindi ko pa aksidenting nabasa ang pangalan ni Zeke sa may office ng dean ay hindi ko pa malalaman.
Si Jake naman ay nasa tabi ko lang. Tinuturuan niya kasi akong maggitara. Medyo may alam naman ako kaya hindi na ako mahirap turuan.
"It seems nandito naman na tayong lahat except for Natasha." Panimula nito. "Okay. So we already decided a few years ago na kapag may nagqualified na makakapasok sa band ay magsecelebrate tayo di ba? And that day happened. It's been two months and nearly three months naman na and I believe na tanggap naman na natin siya except kay Natasha."
Tumango-tango ako. Totoo naman kasi. Mainit ang pagtanggap nila sa akin. Bukod tanging si Natasha na lang ang matibay na nagsasabing, " No! I will never ever accept her! I can't accept that creature! Over my dead body! Not in this world and never will be in another world!"
Oh di ba? Kung anu-ano na ang pinagsasabi. Not in this world and never will be in another world daw. Bakit? Feeling niya tumatanggap ng maaarte ang ibang world na pinagsasabi niya kung meron man? Alien ka girl? Alien? Lakas ng trip!
"So?" Si Jake.
"So, we are going to go road trip to south this weekend!" Masayang sabi nito na itinuro pa ako. Natawa naman ako sa ginawa niya. Road trip? Not bad. "I have a class by Saturday but I'll ditch it up for this very important and once in a blue moon happening. Or we can move this kung kailan wala tayong mga klase."
"I'm in. I'll ditch my class too. I don't wanna see that old hag anyway." Tukoy ni Zeke sa matandang prof nito.
"Well, I can always take a day off from the farm." Nginitian ako ni Mia. Nagflying kiss naman ako sa gawi niya na kunyari ay pinandidirihan nito. "Gross, Sasha." Binelatan ko lang siya.

YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.