Mia

7 0 0
                                    

"I'm Sasha Alfon."

Inilahad ko ang aking kanang kamay. Nagdadalawang-isip man ay alanganin niya itong tinanggap.

"Hala! Sorry talaga!"

"It's fine. I get that a lot. People judge others physically. Now, let's get going. Gagamutin na muna natin ang sugat mo total sa bahay ko rin naman pala ang tungo mo."

"Sige."

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa bahay ko. Kung nagtataka kayo, wala akong sasakyan. Kukuhanin pa lang. Marunong naman akong magdrive. Tsaka 'yong bahay ko, nabili na pala yun ni daddy months before he left me for good. Nawindang na nga lang ako ng iabot sa akin ang mga papeles ng bahay at sasakyan at isang flowershop na nasa pangalan ko. Hindi ko nga alam kong papaano ko imamanage yung flowershop eh. Oo nga't mahilig ako sa mga bulaklak pero hanggang doon lang 'yon. Wala na akong alam. Hindi ko naman ibebenta 'yon dahil pamana ni daddy sa akin yun at importante.

"Ang tahimik ng bahay mo, mag-isa ka lang ba dito?" Basag nito sa katahimikan. Nasa kusina kami at nililinis ang sugat niya.

"Sa ngayon oo, pero maghahanap ako ng katulong bago magpasukan. Baka may kakilala ka?" Sinulyapan ko siya.

"Meron pero ayaw kong irekomenda. Hindi rin naman kasi masyadong mapagkakatiwalaan mga kakilala kong naging katulong na dati." Sagot nito na maya't maya ay hinihipan ang sugat. "Pero 'kong di mo mamasamain, pwede ang nanay ko."

"Nanay mo?" Taas-kilay na tanong ko. "Walang trabaho ang nanay mo?"

"Pinatigil ko muna. Katulong nina Natasha ang nanay ko. Iyong babae kanina sa gate. Masyadong spoiled brat na pati katulong pinapatos kaya pinatigil ko si nanay."

Tumango-tango ko.

"Okay, iwan mo na lang sa guard ang address at number mo pag-uwi mo mamaya." Sabi ko.

Ang awkward nito. Pareho kaming nakikiramdam sa isa't-isa.

"Ikaw 'yong babae kanina sa farm di ba? Iyong may allergy sa rosas?"

"Ako nga. Bakit ba galit na galit sa 'yo ang babaeng 'yon?"

"Ewan ko sa kanya. Sadyang may saltik lang talaga."

Pareho kaming natawa. Matapos magamot ang sugat niya ay nagpaalam na siya. Hinahanap na daw siya ng nanay niya.

And again, I'm alone.

------
Okay! Pati ako convinced na ang boring ng chapter na ito. Hindi ko kasi napansin na sobrang iksi niya kaya dinagdagan ko na lang.

FatedWhere stories live. Discover now