Few days after my encounter with Mia, nagsimula na ang pasukan. Dahil nga wala pa naman akong kotse, nagpapatawag ako ng taxi para magpahatid sa unibersidad na pinapasukan ko. Bago pa man mag alas-siyete ay nasa unibersidad na ako. Sa iilang beses na pabalik-balik ko dito, hindi ko pa rin maiwasang ma-amaze sa kabuuan ng malaking unibersidad. Hindi ko rin inaasahan na marami na palang estudyante kahit pa ganito kaaga. May ilan na nginingitian ako, mayroon namang sinusulyapan lang ako saglit at ang iba naman ay parang walang nakita. Mas malaki pa ang populasyon ng unibersidad na ito kesa sa dati kong pinapasukan.
Nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na pigura, si Mia. Hindi ko inaasahan na dito pala siya pumapasok. Nagkibit balikat lang ako at tinungo ang daan papuntang library. Maaga ang bukas ng library nila dito hindi tulad nung sa dati kong university. Kung gaano karaming estudyante sa school grounds at corridors kabaliktaran naman dito sa library. Iilan lamang ang naroroon. Pero infairness, ang laki ng library nila. Ilang libong libro kaya ang nandito? Aabot kaya ng isang daan ang mga naglalakihang shelves dito? Siguro. Sa pinakatagong bahagi ako ng library pumuwesto. Tahimik. Tatatlo lang ata kaming nandirito.
7:20 pa lang ng umaga at alas 9:00 ang una kong klase. Inagahan ko lang ng pasok dahil gusto ko lang kasi first day eh.
Kumuha ako ng libro tungkol sa business management. Magpapalipas oras na lang ako dito hanggang alas-nuebe.Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang isang lalaking estudyante na pumuwesto sa kabilang table na katapat lamang ng akin.
Ang isang sulyap ay nauwi sa dalawa, tatlo, apat at sunod-sunod pang panakaw na sulyap.
Tsk! Kahit kailan talaga may mga estudyante na gugustuhin pang magcellphone kesa magbasa na lang. Nasa taenga nito ang itim na earphones at paminsan-minsan ay naghi-head bang ito na sinasabayan ng maingat na pagtatap ng mga daliri sa table at manaka-nakang pagsabay sa kanta.
Hindi talaga 'yon yung isyu eh. Hindi talaga. Wala naman talagang problema sa akin ang paggamit ng cellphone sa library dahil maski ako, ginagawa ko rin iyon.
Ang isyu dito ay kung bakit ang gwapo naman ng isang ito. Oo. Ang gwapo niya talaga. Lord? Kapag ba ganito naman ang tanawin dito sa library araw-araw eh aagahan ko na lang din ang pasok ko at deretso na dito sa library.
Ang librong kanina ay nasa may mesa ko lang inilapag ay ipinantakip ko sa aking mukha at bahagyang dumausdos ng kunting-kunti sa aking inuupuan.
Muli ko siyang sinilip. Lintik! Ang pogi talaga eh. Nakasuot siya ng itim na t-shirt na may tatak sa kaliwang bahagi na logo ng unibersidad. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa librong aking binabasa na hindi ko na maintindihan.
Isang tikhim mula sa lalaking pogi ang nagpaayos sa aking pagkakaupo. Waaah! Mabubuking ako nito eh! Behave! Hingang malalim! 1 2 3! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale!
Muli ko syang tinapunan ng tingin, ang pogi talaga. Engross na engross ito sa kantang pinapakinggan habang palipat-lipat ng pahina sa librong binabasa. Bakit ang kinis ng mukha niya? Mas makinis pa sa akin. Hindi ba sila magkakilala ni Mang Tagiyawat? Kainggit. Ang mga mata niyang may pagkasingkit ay binagayan ng hindi masyadong malalantik na pilik-mata. Napansin ko rin na medyo inaantok siya kahit pa mukhang live yung kantang pinapakinggan niya. Bumaba ang tingin ko sa ilong niya na ang tangos. Ang kinis-kinis din ng ilong niya. Halatang walang black heads. Napalunok ako ng mapadako sa mga labi niya na mamula-mula na medyo may kakapalan. Masarap yung halikan for sure. Lihim akong napangisi. Mamula-mula din ang mga pisngi nito. Pati gupit ng buhok ang gwapo din. Artista ba 'to? Parang may lahing Chinese? O Korean? Hindi ako sure.
Pati ang kutis nito sa braso ang kinis at ang puti. Pati mga kamay nito ay hindi ko pinalampas ng tingin. Mamula-mula ang mga daliri nito na may malilinis na kuko. Bakit ang perfect naman ata ng isang ito? Hindi siya kakayanin ng powers ko.
Who are you, babe?
YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.