Bumalik ang tingin ko sa mukha niya at eksaktong napabaling din ang tingin niya sa gawi ko kaya mabilis pa sa alas kuwatrong tiningala ko ang bubong ng library. Ang ganda pala ng bubong nila noh?
Muntikan na! Waaah! Nakakahiya! Ano na lang ang gagawin ko kung nahuli niya akong nakatitig sa kanya? Siguro kakaripas ako ng takbo palabas ng library.
"Dash!" Isang tinig ang pumailanlang sa ere na nakakuha ng isang malakas na 'sssshhh' sa librarian. Isang babaeng nakapeach dress na hanggang tuhod ang lumapit sa gwapong lalaki at tinanggal ang earphones nito.
Dash pala ang pangalan niya. Pati pangalan ang pogi!
"What the--- Hey Annabeth!" Isang ngiti ang pinakawalan nito ng mapagsino ang babae imbes na kunot noo. Ugh! Pati ngiti nito nakakalusaw. "What's up?" Tanong nito matapos nitong bigyan ng isang halik sa pisngi ang babaeng tinawag nitong Annabeth.
"Hi, sweetheart."
Ay?! Girlfriend niya? Parang hindi naman ata! May boyfriend bang what's up-in ang girlfriend? Baka friends? Parang hindi rin. Tinawag na sweetheart si Dash eh! Baka kafling? More likely! Tsk! Lahat na lang ng pogi taken na. Paano na ako nito?
Napakunot-noo ako ng mapagsino ang babaeng kasunod ni Annabeth. Ang nag-iisang maldita sa balat ng earth! Napaismid ako ng wala sa oras. Nasira na ang mood kong kay tamis at payapa.
"We're having lunch outside by 11. You wanna come? Everyone's coming except of course kay Zeke at Jack na busy with whatever they are doing." Naupo si Annabeth sa tapat ni Dash dahilan para matabunan ang magandang view. Tumabi naman kay Dash ang nagmamaldita.
"I'm sorry, Annabeth! May lunch meeting ako with Dad by 11." Rinig kong sagot ni Dash.
"Oh! Look who's here!" Sino pa ba? E di ang impakta! Mang-eeskandalo na naman ba ito? "Hindi ko alam na nadagdagan na pala ang listahan ng mga hampaslupa sa university na ito?" Maarteng wika nito na alam naman natin kung sino ang pinariringgan. Excuse me? Ang yaman ko kaya! Nagmamaldita at nagmamarunong na naman ang impaktang ito.
"Watch your words!" May banta sa tinig ni Annabeth bago siya lumingon sa gawi ko ganoon na rin si Dash. Letse! Masisira ng maaga ang image ko kay Dash. "Please don't mind us." Isang ngiti ang pinakawalan nito. Tumango lang ako pero hindi ngumiti.
"What?! It's true. Kaibigan niya 'yong mabahong hampaslupa na tigadeliver ng bulaklak so hampaslupa din siya." Taas-kilay na sabi nito na umismid pa sa kanya. "Birds with the same feather flock together."
Umismid lang din ako sa kanya na nakita naman ni Dash. Magsama nga kayo. Malamang din masasama din ang mga ugali nila. Birds with the same feather flock together nga di ba? To hell with you all!
"See? Silence means yes!" Hirit pa nito.
"Shut it!" Si Annabeth ulit na napatayo na. Napalingon din sa gawi nila ang iilang estudyante. "One more word coming from you and you'll see yourself eating a plate of chili straight for a week."
Grabe naman 'to! Masyadong brutal. Pero infairness sobrang effective. Natahimik ang impakta na kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa siya tumimbuwang sa kanyang kinauupuan.
"Annabeth! Both of you, get out!" Biglang sulpot ng librarian. I love you na talaga, Miss Librarian! Hulog ka ni Lord sa akin.
Naunang nagmartsa palabas ang impakta matapos siyang mag flip ng hair sa gawi ko. Duh! Matapilok ka sana! Sumunod si Annabeth na bago umalis ay humingi muna ng pasensya sa akin. Mabuti pa ang isang 'to, ambait!
Nang makaalis ang dalawang babae ay malalim akong napabuntong hininga. Nakikinikinita ko na kung ano ang mangyayari sa susunod na magkakasagupa kami ng impaktang 'yon. Kaasar! Tiningnan ko ang gawi ni Dash ngunit wala na siya roon. Umalis na. Dapat pala pasekrito ko siyang kinuhanan ng picture. Sayang ang chance! Tsk! Sa susunod na nga lang.
YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.