It took me a week before I finally had the chance to sing a song for my auditon in Dash's band. Naiintindihan niya naman kung bakit dahil sobrang full ng schedule ko at madalas kaming magpang-abot sa cafeteria.
Nameet ko na rin pati ang ibang members ng Tatakoyaki. Sina Zeke, Jake at Danzel. Si Zeke nakatuka sa drums. Rinig ko ang galing-galing daw talaga nitong mag drums at bukod pa roon ang benta din nito sa mga babae. Ang gwapo din naman kasi nito. Hindi pahuhuli sa kagwapuhang taglay ni Dash. Si Jake naman ay nasa bass guitar. Walang halong biro, ang galing talaga nito. Napanood ko siya minsan sa may bagong music room. Dami ring fans. Hindi siya 'yong tipong sobrang gwapo pero ang lakas ng charisma niya. And lastly, si Danzel. Siya ang pianist ng banda. Ang gwapo niya rin. Tatablahan nito ang kagwapuhan ni Dash. Magaling siyang magpiano. Ang napapansin ko lang ay kakaiba ang vibes na inihahatid ng mga sulyap nito sa akin. Nahuhuli ko kasi siyang minsan na tinititigan ako ng nakakunot-noo. Speaking of Danzel, mantakin mong siya pala 'yong ipinagmamayabang na riiiiiiich boyfriend ni Natasha? Hindi sila bagay! HINDI! Pero hindi naman talaga siya masungit. Parang may saltik lang talaga. Kinakausap din naman niya kasi ako. Pero ako na ang umiiwas dahil baka sugurin na naman ako nung girlfriend niyang may sayad.
Kakatok na sana ako sa pinto ng music room ng mapansin kong nakabukas naman na pala kaya sumilip ako. Naroroon si Annabeth at Zeke na nagtatawanan. Nasa isang sulok naman si Dash na kunyari nakikinig ng music pero ang mga tingin ay nasa gawi ni Annabeth at Zeke.
Nagseselos ba siya? Sa hitsura niya kasi ngayon parang gusto na niyang paglayuin ang dalawa. Masyado nga namang malapit. Tumingin siya sa gawi ko ng mapansin niya ako and there I saw, in his eyes, the pain na pilit niyang ikinukubli sa isang pagngiti at pagkaway sa akin. Muli akong sumulyap kay Annabeth na nginitian ako.
"Hey guys, this is Sasha." Pagpapakilala ni Dash ng tuluyan akong makalapit sa gawi nila. "Sasha, this is Annabeth and Zeke."
"It's great to finally meet you, Sasha. Sorry nga pala ulit doon sa inasta ni Natasha sa library.I'm Annabeth and Natasha is my younger sister." Anito saka ako niyakap. So kapatid niya pala ang isang 'yon? Kung gaano kabait ang isang ito kabaliktaran naman ang kapatid
"Wala 'yon. Trust me, masasanay din ako sa isang iyon." Biro ko pa.
"She's actually a bit nice tho mas lamang pa rin ang pagiging bratty." Komento ni Zeke na parehong sinang-ayunan nina Dash at Annabeth.
"So the others are coming. Hintayin na lang natin para makapagsimula na tayo." Si Dash. Tumango lang ako.
Baka mga kabandmates nito ang tinutukoy. Hindi pa man ako nakakaupo ay bumukas ang pintuan at iniluwa si Jake, Mia, ang instructor ng music club, Danzel at of course nakabuntot rito si Natasha na umirap pa sa akin. Tusukin ko yang mata mo sige ka!
"So you must be Sasha. Now, start showing to us what you've got hija." Nakangiting sabi nung instructor sa akin. Pumalakpak naman si Mia at Dash ganoon na rin si Annabeth. Ang iba naman ay nakangiti lang maliban kay Natasha na ang sama ng tingin sa akin. Problema niya?
"Bago po ako magsisimula, kailangan ko lang ng isang tutugtog sa tabi ko." Nahihiyang inilibot ko ang aking tingin.
"I'll do it." Si Danzel na mabilis na tumayo at nilapitan ang piano. Thank you, Lord! Thank you, Danzel. Bahala kang mangisay sa inis dyan Natasha.
"Anong kakantahin mo?" Tanong ni Danzel.
"Consequences by Camila Cabello."
"Okay. Give me a minute." Kinuha nito ang cellphone at saka pinindot ang record button. Seryoso siya? Lakas din ng tama ng isang ito. "Okay. Tell me when you're ready."
"I'm going to sing Consequences by Camila Cabello."
Nagsimula ng tumipa sa bawat keys ng piano si Danzel. Medyo kinilabutan pa ako dahil parang si papa 'yung tumutugtog. At aaminin kong medyo gumaan ang pakiramdam ko.
I let my voice and emotions rule over me. Kagaya ng ginagawa namin ni papa tuwing kumakanta ako at nagpipiano siya. Everytime I sing, feeling ko kapiling ko si papa.
Yumuko ako matapos kong kantahin ang buong kanta. Pumalakpak si Dash ganoon din si Mia.
"Well Dash, you've found a jewel. She'll be perfect for the band." Si sir. "Her voice will perfectly fit for all of you."
Tumango-tango naman ang naroroon bilang pagsang-ayun.
"At last, after years nakahanap din tayo ng isang tunay na singer." Bulalas ni Jake.
"Can you sing something lively?" Si Danzel.
"Of course. Angel with a Shotgun by The Cab." Nakangiting sabi ko.
Napasipol si Zeke pati si Dash.
"Rock in roll, princess." Sigaw ni sir. Ni hindi ko na napansin na may iilang estudyante na ang nanonood sa amin.
Ang audition ko sana ay nauwi sa jamming. Matapos kong kantahin ang Angel with a Shotgun ng The Cab ay sumali na rin sina Zeke, Jake at Dash. Buti na lang ni-lock ni Natasha ang band room dahil kung hindi, madadagdagan at mapupuno ang kwartong iyon ng mga estudyanteng manonood.
"Welcome to Tatakoyaki, Sasha!" Magkapanabay na bati ng Tatakoyaki band members sabay yuko. Natawa naman ako at yumuko rin.
"Thank you. Promise, magpapakabait ako." Sabi ko sabay tawa.
Lumapit naman sa akin si Dash at umakbay, "I'm so glad I found you. May bago na kaming maaasar."Shet! Bango naman! Gusto ko ng mangisay sa sobrang kilig. Kaya ang ginawa ko ay tumawa lang ako kunyari wala lang.
Are you watching this, dad? I'm making friends.
YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.