Not gonna lie but being in Tatakoyaki is not as easy as what I thought it should be. Not because everyone was so happy for me but because I gained a lot more of headaches to handle. In short, I have more Natashas to handle. Every. Single. Day.
I have a lot of hate letters everytime I open my locker room.
Bitch go die!
Stay away from my Dash.
You're a slut.
How dare you seduce my boys.
I hate you.
I will kill you.
Blah blah blah. Napaismid na lang ako. Ang ipinagpapasalamat ko na lang ay hindi sila nananakit physically. At kung may nagbabalak mang atakihin ako, Dash or Danzel is always there to the rescue. My knight in shining armours. Minsan nga sinasamahan ako ni Danzel kumain sa cafeteria which is very unusual. Kasi nga di ba ipinangangalandakan ni Natasha na boyfriend niya ito and yet sumasama ito sa akin.
"Hey, Sa!" Tawag ni Dash sa akin ng minsang makita niya ako sa mall.
"Hey!" Tawag ko rin with matching kaway-kaway pa.
"What are you doing here? Are you alone?"
"Yes. May binili lang ako. Eh ikaw?" Napansin ko kasing mag-isa lang siya.
"I'm with my brother. Kumain ka na ba?"
"Kakain pa lang."
"Sumabay ka na lang sa amin maglunch. My brother won't mind." Tatanggi pa ba ako eh hinatak na niya ako papasok sa pinakamalapit na restaurant. "He'll be here in a few minutes. Hintayin na lang natin."
"Sigurado kang okay lang ha?" Paniniguro ko. Baka kasi may importante silang pag-uusapan.
"Okay lang. Oh! He's here." He waved his hand to the guy approaching us na parang isang ramp model ng Armani sa porma at lakad. "Kuya!"
Ilang taon na kaya ang isang 'to? 24? 25? 26? Leche! Nasa lahi ba ng mga ito ang pagiging gwapo?
"I'm sorry. I'm late. May pinirmahan lang ako saglit." Pati boses nito buong-buo at gwapong-gwapo. "Did you order food already?"
"Hindi pa, Kuya." Sagot ni Dash. "By the way, Kuya, this is Sasha. Sasha, this is my brother ,Dylan." Pagpapakilala nito Dash sa aming dalawa.
"Nice to meet you, Pretty Girl." Bati nito at saka ako binigyan ng isang mas masarap pa sa Nutella na ngiti.
"Nice to meet you too, S-sir?" Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Alangan namang tawagin ko rin siyang kuya? or mister kaya?
Humagalpak ng tawa si Dash na may kasama pang hampas-hampas sa table namin. Anong nakakatawa?
"Hahahahaha! Sir? You called him sir?" Duro nito sa mukha ng kuya niya. "Hahahahaha! I like you na talaga, Sa." Hindi rin siya sobrang masaya no?Tsk! I like you too. Ayeeee! "Did you heard it, Kuya? Damn! Ang tanda na ng pagmumukha mo."
Wait! Na-offend ba siya? Hala!
"Shut up, Dash! I didn't mean it that way. I swear. Hindi ko lang talaga alam kung paano ka e-address." Depensa ko. Tawa pa rin ng tawa si Dash kaya binato ko ng table napkin. Hindi naman umimik ang kuya nito bagaman naka kunot-noo.
"I need to use the bathroom. Excuse me." Nagmamadaling tumayo si Dash pagkatapos mag excuse. Naiwan tuloy kaming dalawa.
Awkward.
"You can call me Dylan. I have the same age with Danzel which is 24."
Ay talaga? Eh bakit nasa kolehiyo pa ang isang 'yon? Magkaibigan din kaya sila? Infarness, napapaligiran ako ng mga Adonis. Hindi na rin masama para sa isang single at malungkot na tulad ko. Charot!
YOU ARE READING
Fated
Non-FictionIt wasn't just a mere coincidence. It's fate. Fate brought all of us together. Fate brought me to all of you. To you.