recruited

5 0 0
                                    

I left the library few minutes after Dash left. I still have an hour left. Maglilibot-libot na nga lang ako. Napadpad ako sa Music Room. Wow! May matatambayan na ako sa wakas. Napansin ko na hindi masyadong ginagamit ang room na ito. Medyo may kalakihan ang room na. Ginagamit pa kaya ito? Siguro naman kasi may drum set sa pinakacenter ng room, may piano, may microphone stand at isang guitar.

Hindi sa pagmamayabang pero marunong akong maggitara at kumanta. Mahilig kami ni daddy sa music kaya ang bonding namin tuwing may free time siya ay jamming o di kaya ay tumututog kami sa mga bar ng kakilala niya. Nalungkot ako ng maaalala si daddy. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Slowly, I strum na guitar and hum a very familiar song na paborito namin ni daddy ang kantang I Can't Help Falling In Love ni Elvis Presley.

Wise man say
Only falls rush in

But I can't help falling in love
With you

Nagpatuloy ako sa paggitara at paminsan-minsan ay sinasabayan ko ng pagkanta. Ni hindi ko na pansin na may ibang tao na ang naroroon.

"Oh! You found this old music room."

A baritone voice from the dark startled the shit out of me! Nang maaninag ko kung sino ang nagsalita ay nataranta ako. Kanina pa kaya siya dito? Bakit di ko napansin?

Naglakad ito papalapit sa akin. Napagtanto kong umiidlip siya base sa mapupula niyang mata at magulong buhok. Ambilis naman nitong makatulog. Wala pa atang 20 minutes mula ng lumabas ito sa library.

Pumuwesto ito sa malapit sa may piano ng kuhanin nito ang isang gitara.

"Hindi na masyadong ginagamit ang music room na ito since may bago ng music room." Nagsimula itong magstrum. Juicecoloured! Bakit ang pogi nito lalo? "You were the girl from library, right?!" Maya-maya ay tanong nito at tinapunan ako ng tingin. Tumango lang ako dahil ko mahanap ang boses ko sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Nyemas! " So how did you got caught into Natasha's evil side?" Nakikipagkuwentuhan ba 'to? Ayeeee! Grab the chance!

"Ewan! May sapak ata 'yon eh! Tinulungan ko lang naman yung babaeng nagdideliver ng bulaklak, si Mia. " Sagot ko.

"I see." Tumatango-tangong komento nito. "I'm Dash by the way. Dash Romeo." Sabay lahad ng kanang kamay nito.

Ay jusko naman talaga! Aayaw pa ba ako? Kahit nanginginig ang kamay ko ay tinanggap ko ito. Ang lambot ng kamay niyaaaa!

"Sasha. Sasha Alfon." Nakangiting pakilala ko.

"Nice to meet you, Sa."

Hala! May pet name agad? Lintik naman talaga oh! Hindi na talaga kakayanin 'to ng powers ko.

"So you have a thing for music?"

"I do."

"Good. Magkakasundo tayo! Iilan lang kasi ang interesado sa music sa dinarami-rami ng estudyante dito. And besides, maganda ang boses mo. Malamyos.  Why don't you try checking out my club? May banda kami rito and we are so picky when it comes to finding new members kaya kahit maraming nagtatry makasali ay walang pumapasa." Patuloy nito. "But you are an exception. Kaya, I, Dash of Tatakoyaki Band, personally recruit you. Please consider my offer."

Natawa ako. Tatakoyaki Band? Anong klaseng pangalan ng band ba 'yon? Ang baduy!

"I know. Our band's name sounds stupid but trust me, girls go crazy when we are up on stage." Tumatawang wika nito. "So think it over, okay? Pwede kang bumalik dito bukas kung gusto mo ang prepare a song. Deretso audition ka na. Nandito ang buong banda ko tuwing hapon. Kung gusto mo lang naman."

Tumango lang ako. Babalik ako dito for sure! Bwahahaha! Lord and daddy, thank you sa talent!

"Titingnan ko!" Siyempre kunyari di ako atat. Sus! Baka mahalata tayo.

"I really hope you'll consider it."

Aalas nuebe na pala. "Mauna na ako. May klase ako by nine. See you around." Paalam ko. 

FatedWhere stories live. Discover now