Ate Girl

8 0 0
                                    

Mag-aalas siyete na ng gabi ng lumabas ako ng mall. Pagkatapos kong manood ng sine ay naghapunan ako saka pumara ng taxi papauwi. Ilang saglit pa ay nasa bukana na ako ng subdivision na tinitirhan ko.

"Dito na lang ho ako, Manong. Salamat." Sabay abot ng pamasahe.

"Ikaw na naman? God! Para kang basura, pakalat-kalat. Will you get out of my sight? Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. Isang magandang babae ang pilit itinutulak ang isang babaeng may bitbit na basket ng bulaklak.

Wait! Ito 'yong babae kanina sa flower farm. Anong ginagawa niya dito? Nagtitinda ng bulaklak? Ang sipag naman ng isang ito. Noon niya lang napagtanto na ang babeng tumutulak dito ay ang half-korean na umaaway din dito kanina. Ano 'to? Rematch?

"What? Are you just going to stand there? Go away or else tatawag ako ng guard!" Nakapameywang na sigaw nito sa babae.

"Aalis ako pagkatapos kong ihatid 'tong bulaklak sa loob." Malumanay na sabi nito.

"I don't care. Umalis ka na! Baka modus mo lang yan para makapasok ka sa loob at magnakaw. This is a very expensive subdivision at hindi sila basta-basta magpapapasok ng isang basurang kagaya mo! Now go away!" Sigaw nito sabay tulak ng malakas sa babae dahilan para matumba ang babae at mabitawan ang basket na bitbit nito. Hindi pa ito nakuntento at pinag-aapakan pa ang mga bulaklak.

"Excuse me!" Tawag-pansin ko sa magandang babae. Ke ganda-ganda ang sama ng ugali.

"What?" Taas-kilay na sagot nito sa akin.

"I'm not actually going to butt in since this is not my business but then again forget it. I'm one nosy person." Nakangiting sabi ko. Wala naman talaga akong balak makialam pero hindi kaya ng konsensya kong tumalikod na lang. Lalo pa akong nainis ng masulyapan ko ang siko ng babae na dumudugo. Napapangiwi pa ito marahil sa hapdi habang pinapagpagan ang narumihang pantalon.

"And so? I don't care. Isa ka ring tsismosa. Go away! I don't want to deal with another trash at the same time!" Maarteng sabi nito sa mukha ko. "Ano bang ginagawa ng mga basurang katulad niyo sa labas ng subdivision na ito? It's only exclusive for elite people not smelly trashes!"

Goodness gracious! Kay sarap busalan ng sili ang bunganga nito.

"Wow!" Nakangising bulalas ko. "For an elite lady, you're not well-mannered and a trash too.Hindi ka man lang ba magso-sorry sa babaeng 'yan? Turo ko sa babae na ngayon ay tig-isa-isang pinupulot ang mga tangkay ng bulaklak na sirang-sira. Kasi kong matino kang tao, 'yun ang gagawin mo di ba? Common sense na siguro 'yon. Basic." I flash her my most confident smile na kadalasan ay kinaasaran ng mga taong kagaya nito.

"How dare you!" Sigaw nito."You piece of shit! Sinasabi mo bang bobo ako?" Nanggagalaiting tungayaw nito. There goes here poise and elite image.

"What? You're going to hit me with your fake Prada bag?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.

"Excuse me? This isn't fake. My riiiiiiiich boyfriend bought this for me and here's the thing, this is more than expensive than your trashy life."

"Tsk! Then your boyfriend is cheap! Ang gusto ko lang naman ngayon ay magsorry ka sa kanya." Nguso ko sa babae.

"Okay lang." Umiiling-iling na sabi nito. Anong okay na pinagsasabi nito? "Kasalanan ko rin naman."

Beep! Beep! Beep!

Isang itim na convertible ang huminto sa gilid ng kalsada hindi kalayuan sa tinatayuan namin. Sakay nito ang isang lalaki na mukhang bigatin din, hindi lang sa sasakyang dala nito pati na rin sa hilatsa ng pagmumukha. May itsura.

"Babeee!" Maarteng tawag nito sa lalaki na kumakaway-kaway pa. Parang tanga 'to. Tango lang ang sagot nito. Ito ba yung 'riiiiich boyfriend' na pinagmamayabang niya? Yung boyfriend niyang bumili ng fake na Prada? Ang cheap! Tinitipid girlfriend niya.

"Now," baling nito sa akin, "My boyfriend is here kaya I'll deal with the both of you kapag nagkita tayo ulit na hindi ko gugustuhing mangyari. Umalis na kayo dito. Ang babaho niyo!" Sabay lakad palayo.

Arte!

"Like I care! You don't own this place." Sagot ko saka inirapan ang nakatalikod nitong pigura.

Hindi man lang ito pinagbuksan ng ipinagmamalaki nitong boyfriend. Bagay silang dalawa. Parehong walang manners.

Muling sumulyap sa akin ang lalaki bago nito pinasibad papalayo ang sasakyan.

Nilingon ko ang babae na pinupulot pa rin ang mga bulaklak nitong sirang-sira.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko habang pinupulot ang huling tangkay ng sirang bulaklak at iniabot sa kanya.

"Okay lang ako. Maraming salamat nga pala." Nahihiyang sabi nito. "Hindi ka na sana nakisali. Pagdidiskitahan ka na niya kapag nagkita kayo." Nababahalang sabi nito na hindi sinasadyang masagi nito ang sikong may sugat. Mahina itong napa-aray.

"Gamutin natin ang sugat mo. Malapit lang dito ang bahay ko." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang talaga. Sa bahay ko na lang namin 'to gagamutin." Tanggi nito. "At isa pa, kukuha ako ng panibagong mga bulaklak pamalit sa mga sirang ito." Sulyap nito sa mga bulaklak. "Kailangan ko rin talagang mahatid 'to kay Ms. Alfon."

"Ms. Alfon?" Kunot-noong tanong nito. Anong kailangan nito sa 'kin? Hindi naman ako umorder ng bulaklak ah? Baka nga modus niya lang talaga ang lahat ng ito?

"Oo. Bagong lipat sa loob ng subdivision na ito. Tinawagan kasi 'yung farm para sa mga ganito. Bilang welcoming gift. Suki namin 'yong management."

"I see. Hindi ko alam na may ganito pala." Tumatango-tangong komento ko. "Sayang. Ang gaganda pa naman ng mga bulaklak."

"Mia Salvador ang pangalan ko. Salamat ulit kanina. Malapit lang ba dito bahay mo? Hatid na kita. Kabisado ko ang mga kalye dito." Nakangiting pagmamagandang loob nito.

"Ah! Sa subdivision na iyon ako nakatira." Sabay turo ko sa bukana ng subdivision.

"Eh?" Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

What? Mukha lang akong hindi tao pero hindi ako sinungaling.

"Sigurado ka?" Naninigurong tanong nito.

"Eh kung bigwasan kita dyan?" Asar na tanong ko sa kanya. Mukha ba akong sinungaling?

----
Ang ingay-ingay ko. Ang lakas ng boses niya habang nakikipag-usap sa kung sino mang nasa kabilang linya. 'Wag sigaw please! HAHAHAHAHA!




FatedWhere stories live. Discover now