Chapter 2: Lost You

230 20 0
                                    

(Axcel's POV)

Mahigpit pa pala ang security ng hospital sa lagay na yun ah.

Gumuhit muli ang ngisi sa labi ko nang prenteng nakaupo na sa kotse habang nagmamaneho. Saglit kong tiningnan si Rain na nasa katabi kong seat.

"Sa oras na magising ka, sisiguraduhin kong ako ang una mong makikita." sambit ko habang nasa daan ang tingin. "Ako at hindi si Jace."

Hindi ko akalaing magagamit ko pala sa ganitong sitwasyon yung palagian kong pagtakas sa klase noon. Sisiw na lang sakin ang magpanggap at gumawa ng paraan para pumuslit at tumakas sa mga sitwasyong ayaw ko.

"You're my princess, Claraine. So we will live in a faraway place." bahagya akong natawa sa sinabi ko. "Stupid mouth."

May rest house kami sa Batangas katabi ng isang resort na pagmamay-ari naman ng kaibigan ng mom ko. May university ding pwedeng mapasukan kahit malayo layo iyon sa rest house namin. Okay lang din naman dahil may sasakyan ako. I already bring my credit card and some cash.

Sa laman nito. Pwedeng pwede na kong mabuhay mag-isa ng ilang taon. Mom is always busy at wala namang pakealam sakin. She only know business, business, business and business. Kung may request at kailangan naman ako ay agad niyang ibinibigay yun, but after that ay balik ulit sa dati.

"Hello?" sambit ko ng sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag.

["Yes? Axcel, hijo? Napatawag ka?"]

Siya yung asawa ng kaibigan ni mom na nagmamay-ari ng resort.

"Uhm, Doc. Ruiz, about po dun sa napag-usapan natin last week..." napahinto ako saglit. "...ngayon ko na po siya dadalhin dyan."


["Oh, sure. Just come, all is ready."]

Napangiti ako sa narinig ko. Matapos niyang sabihin yun ay agad din akong nagpasalamat.


"Rain, from now on, you're completely mine."

(Jace' POV)

"Bwisit! Saan siya napunta?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Pagkarating namin galing sa convenience store ay wala na si Rain sa hospital bed. Naireport na namin ito sa security ng hospital at agad naman silang umaksyon pero hanggang ngayon ay wala pa rin! Hindi pa rin siya nahanap.


"Isa lang naman ang alam nating kasama niya." agad nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Niell.

"Axcel!!" sigaw ko at sinuntok ng malakas ang pader sa gilid ko. Agad nagdugo ang kamao ko ngunit hindi ko na iyon ininda pa. "Damn you! Ang dumi mong maglaro!" sigaw kong muli at susuntukin pa sana ang pader nang awatin ako ni Niell.


"Stop it, Jace! We'll find them!" walang epekto ang sinabi niya.

Hindi ganun kadali ang hanapin sila. Dahil tulad namin ay mayaman din sila Axcel at madami siyang lunggang pwedeng mapagtaguan, marami silang connection dahil mayaman din sila.


Gusto kong sumabog sa galit. Sisiguraduhin kong sa oras na magkrus ang landas namin babasagin ko ang mukha niya!



"Hindi ko akalaing aabot kayo sa puntong ganito." pambabasag ni Niell s katahimikan ngayong nandito na kami sa isang kwarto at may nurse na nagkakabit ng benda sa kamay ko dahil sa ginawa ko kanina. "Bata pa lang tayong tatlo, magkakasama na tayo. Akala ko wala nang mababago sa samahan natin. Nagkamali ako."


Bwisit! Para siyang bakla dahil sa pinagsasasabi niya.


"Nothing is peemanent but change."



"So paano nang gagawin natin?"


"Madumi siyang maglaro kaya mahihirapan tayo. I will hunt him no matter what." matalim ang mata kong nakatingin sa kawalan.


"Okay na po, sir." sambit ng nurse nang matapos siya sa pagbebenda. Agad din siyang umalis matapos iligpit ang mga ginamit.


"Haayyst!! Ayusin mo 'to, Jace! Busy'ng busy na tayo sa pag-aaral, thesis na next week! Simula na ng hell week sa monday kaya hangga't maari ayusin niyo na 'to!" reklamo niya "At isa pa, paano ko mapopormahan ng maayos si Aeris kung ganito?"


Naiinis na ako sa pinagsasasabi niya kaya tumalikod na ako.


"You have small problems compare to me." may pagka-inis kong sabi. "You don't have to put your ass on this mess. It's mine not yours."

Rain, I'm sorry that I lost you for the second time, but next time, I won't allow it anymore. Never again.

For You To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon