(Third Person's POV)
"Grabe! Nakakapagod 'to, dude!" reklamo ni Niell at pabagsak na binitawan ang librong binabasa.
Hindi naman siya pinansin ni Jace na abala sa pag-aayos ng kumot kay Rain na hanggang ngayon ay tila mahimbing pa ring natutulog sa hospital bed.
Isang taon na mahigit mula nang mangyari ang aksidente. Nakainom ang driver ng kotse na syang nakabangga kay Rain ng gabing iyon, the justice served right. Nang mismong gabi ding iyon ay hinuli ang driver ng mga pulis at ng gabi din yun, isinugod sa hospital si Rain.
"Hindi ko akalaing magseseryoso ako ng ganito sa pag-aaral, I can't believe that I'll be this serious bukod sa kapatid mo." Niell smirked nang tukuyin si Aeris.
"Shut your damn ass, Ziniell. There's nothing to be proud of being serious of my sister. There's no improvement in both of you anyway." normal lang ang tono ni Jace ngunit si Niell ay halos manggalaiti na sa narinig.
"Hey, frozen! Are you mocking me, huh?!" he hissed.
"Maybe?" Jace said sarcastically.
"Psh! Whatever you say, sa akin pa rin ang bagsak nya. Sakin at sakin lang din siya mapupunta. And she must be thankful, dahil mapapasakanya ang isang Ziniell Rion Dela Riva." nagpataas taas pa ang kilay niya.
"Shut it off. Baka naiingayan na sya sa'yo."
"Uhh, Ulan? Nah, she's not. She's so patient so I know she can handle my noise. Napagtyagaan ka nga niya kahit napaka--- Awww!" napadaing si Niell nang batuhin siya ni Jace ng apple. Tumama ito sa tiyan niya.
"I said shut up."
Patuloy sa pag-iinarte si Niell nang bumukas ang pintuan. Iniluwal nun si Axcel na mukhang kakagaling lang din sa university.
"How is she?" agad siyang lumapit sa hospital bed.
"Still." tipid na sagot ni Jace na nakatingin na rin kay Rain.
Nakita ni Jace ang pagkuyom ng kamao ni Axcel kaya inunahan na niya ito.
"What." sambit niya. "Are you going to blame me again?"
Agad kumulo ang dugo ni Axcel sa sinabi ni Jace.
"Damn you! I still can't help it."
"Ilang beses pa ba tayong mag-aaway tungkol dito?" tanong ni Jace na mukhang inis na rin.
"Hangga't hindi pa siya nagigising. Hindi ko maatim na mapupunta siya sa ganyang sitwasyon para lang sa'yo. Damn! You're not worth it." sabi ni Axcel at agad nang tumayo si Niell.
"Yow, guys. Zup? Tara muna sa convenience store sa malapit?" yaya ni Niell para hindi na matuloy pa ang pagtatalo ng dalawa.
Matalim pa rin ang tingin ni Axcel kay Jace nang magsalita ito. "No. Kayo na lang." madiin niyang sabi.
Agad nang hinila ni Niell si Jace papunta sa lugar na sinasabi niya. Ilang sandali pa ang lumipas at lumamig na din ang ulo ni Axcel.
(Axcel's POV)
Nang ibaba ko ang tingin ko sa kanya ay parang kinurot ang puso ko.
Damn! You don't deserve it my Clara, Claraine, my Rain..
Para siyang anghel na simpleng natutulog lang. Pero hindi eh, may posibilidad pa rin na hindi na siya magising.
"Bakit kailangan mo pang magkaganito, Rain? Para lang sa kanya? Dahil lang sa kanya? Damn! You're so unfair.. Wala sanang mangyayaring ganito kung ako yung mas pipiliin mo.." sambit ko habang hinahaplos haplos ang buhok niya. "Tapos ano? Kapag nagising ka tuluyan ka na niyang aagawin sakin? Na mapupunta ka sa kanya? Hell no!" the tears fall down my cheeks.
Buo na sa isipan ko ang lahat. Hinding-hindi ko hahayaan na mapunta lang si Rain kay Jace. I will never ever let that happen.
Kinuha ko ang wheelchair na nakalagay doon sa kabilang sulok. I need to rush this before they arrive. Dahan dahan kong inayos ang lahat at maingat siyang binuhat at isinakay doon sa wheelchair.
"Mahal kita, Claraine Ross Villandre.." I whispered kahit hindi ako siguradong narinig niya.
Planado ang lahat. Matagal ko nang gustong gawin 'to at ngayon matutupad yon. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon.
I curved a smile when we safely reached the exit.
You're mine, Rain..
Only mine...
BINABASA MO ANG
For You To Remember
Ficção AdolescenteBOOK 2 of For You To Come Back. Kindly read the first book before this.
