Chapter 5: Missing You

224 25 3
                                        

(Axcel's POV)

Abala ako sa pagrereview habang nakaupo ako sa gilid ni Rain. Ang dami ko pang kailangang gawin bukod sa projects. Siguradong hating gabi na naman ako makakatulog nito.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng antok.

"Whoa. Stay awake A.V." bilin ko sa sarili ko.

Isinara ko muna ang pang-apat na librong binabasa ko para tingnan si Claraine.

"Kailan ka ba magigising?" tanong ko kahit alam kong walang malay ito. Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa maamo niyang mukha. "Madami pa tayong gagawin. You're all free once you wake up. Baka matagalan pa ako sa paghahanap sa dad mo. You can do what you want with me. You want to party? Try the things you haven't explore yet? I'm here, Rain. I'm willing to do everything with you." sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Hindi siya nakakasawang titigan sa totoo lang. Mukha lang talaga siyang mahimbing na natutulog ngayon.

"Wala ka pa ring ipinagbago. You're still the beautiful lady I've ever met.."

Mula sa mahahaba niyang pilikmata, matangos niyang ilong at mapupula niyang labi. She's not just typically beautiful. There's more something on her that'll charm you.

"I will do my best for you. Wala na akong pakealam kung kamuhian man ako ng sarili kong kaibigan o pinsan. I'm willing to be the worst person just for someone special, Rain." I mean everything I said.

Sometimes you have to go through the worst in order to get to the best.

And that best is Claraine.

Well, she's mine anyway.

At hinding hindi ako papayag na may aagaw sa kanya. Kahit pinsan ko pa.

(Jace' POV)

Lumilipad ang utak ko buong klase. Wala akong natutuhan kahit ngayong tapos na'to.

"Business Administration really sucks." napatingin ako kay Niell na nasa harapan ko na pala.

Hindi ko siya pinansin dahil tinatamad na din naman ako magsalita.

"It's written all over your face. I thought you're smart." he pouted at nakakainis yun. Madalas siyang mag-astang bata minsan naman bakla. Bwisit!




"Ba't ba parang nalugi ka pa rin?" he asked.

I miss her.

Pakiramdam ko kulang na kulang ako. Nakakatawa lang isipin kung paano ko siya pakitunguhan noon. I'm so rude to her all the time. Wala akong pakealam sa kanya dahil sa paningin ko katulad lang din siya ng ibang babaeng may gusto sakin. Naiinis ako sa ganon. Na babae pa ang naghahabol sa lalaki. That's why I don't like most of girls, they often find a guy who's good looking. Kapag hindi naman nila gusto ang hitsura ay halos isuka na nila.

Anyway, boys must be the one who's approachable to girls. Hindi magandang babae pa ang halos magkandarapa.

"Huy!" agad akong napatingin kay Niell nang tapikin niya ang balikat ko.

"Ano?! Narinig mo ba sinabi ko?? Kanina ka pa nakatulala dyan." saad niya at napaiwas na lang ako ng tingin.

"Saan tayo?" tanong ko dahil wala naman akong maisip na sasabihin.

"Haayysst!! Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig sakin e. Naghihintay na daw sila Aeris dun sa cafeteria." inis niyang sabi sakin at nauna naman na akong maglakad sa kanya.

Humabol siya sakin at nakita ko ang nakakairita niyang ngiti.

"Crazy. Why are you smiling like that?" iritable kong tanong.

Iwinagayway naman niya ang phone niya habang nagsasalita. "She texted me.."

For You To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon