(Axcel's POV)
Tila lumilipad ang utak ko habang nagdi-discuss ang professor namin. Kanina ko pa pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko sa sobrang pagka-boring.
Bagong transfer lang ako sa university na'to at nag-aadjust pa lang ako sa bagong environment. I take the Engineering course dahil ito naman talaga ang gusto ko. Ito din ang kamatch na track na kinuha ko nung nasa senior high pa lang ako kaya dito talaga ako nararapat.
"Axcel Vitalista?" napatingin ako nang sabihin ng prof ko ang pangalan ko. Nasa gilid ko na pala siya, lahat ng ibang estudyante sa kwartong 'to ay nakatingin na sakin.
"Ang gwapo niya noh?"
"Siya yung bago.. Grabe ang gwapo."
"I like him."
Nakangiti naman akong tumayo.
"Yes, prof?"
"Hmm, let's see kung may ibubuga ang katulad mo. Solve the equation on the whiteboard." utos niya sakin at hindi naman ako umangal. Inabot niya sakin ang marker at lumapit na ako dun para isolve.
Natake na namin ang gantong lesson noong nasa senior high kaya hindi na bago sakin, pinakumplikado na lang ng konti.
Wala pang kalahating minuto ay natapos ko na din ang pagsosolve. Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi ko nang humarap ako sa kanila.
Lumapit ang prof namin sa whiteboard para tingnan kung tama ang solution ko.
"Good!" napapalakpak sila nanh sabihin yun ni prof. "Class, he's a good example, especially for boys. Hindi lang dapat puro mukha dapat may utak din."
Kitang kita ko kung paano kiligin ang tatlong babaeng nasa katabing seat ko lang. Bakit ba nila kailangang mag-react ng ganyan? Hindi ba sila nahihiya? Dapat itinatago na lang nila ang ganyang reaksyon.
Natapos ang klase at maging maayos naman ang lahat. Lumabas na ako ng room at hindi ko alam kung anong gagawin sa isang oras na vacant ako. Meron pa kasi akong isang oras bago ang next class ko.
"Hi!" napalingon ako sa likod at nakita ang isang babae na ngiting-ngiti sakin.
"Oh, hi." bati ko pabalik. Nginitian ko naman siya kahit papaano. Ayoko namang maging rude sa harap niya.
"Joane Villamir nga pala. Kasabay mo 'ko sa class kanina." inabot niya ang kamay niya para makipagkamay sakin. Tinanggap ko naman yun para hindi siya mapahiya.
"Axcel Vitalista." nakangiti kong banggit.
"Alam ko. Bago ka dito di'ba? For sure hindi mo pa nalilibot ang buong university. Aayain sana kita, kung okay lang?" alok niya at tumango naman ako.
Okay lang naman sigurong ito na lang gamitin ko para sa bakanteng oras. Para na rin maging pamilyar ako dito sa university.
"So? Engineering din pala ang course mo. Bakit yun ang gusto mo?" tanong niya sakin habang naglalakad kami.
"Uh, that? Ito naman talaga ang gusto ko bata pa lang. Though Business Management ang gusto ng mom ko para sakin, wala din naman siyang magagawa. Kapag gusto ko, gusto ko." sagot ko sa kaniya.
"Oh, maganda palang magustuhan ng tulad mo."
"Huh?"
"Ah, sabi ko buti ka pa, nagagawa mo ang gusto mo. Ang parents ko kasi, kung anong gusto nila dapat yun ang gawin ko. Para lang akong tutang walang magawa kundi sumunod sa kanila." nalungkot naman ako sa sinabi niya. I can't imagine myself having parents like that.
"That's bad. Hindi magandang ipinipilit ang bagay na hindi mo gusto. Sana maging successful ka pa rin sa engineering field kahit ganyan."
"Well, I hope so.." aniya "Siya nga pala, yung nasa kaliwa, yan ang cafeteria 1. Merong apat na cafeteria dito sa university dahil malaki 'to. Madadaanan pa natin yung tatlo mamaya." sabi niya at napatango naman ako.
"So, kamusta ka naman? Nagdo-dorm ka?" tanong niya pa.
"Nope, may resthouse kami at doon ako tumutuloy." sagot ko.
"Oh, really?? Saan?? Wait... Ikaw lang ba mag-isa, huh?"
What?? Why does she need to ask me that way. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-isip ng kakaiba sa tono ng pananalita niya.
Wait, may gusto kaya sakin ang babaeng 'to?
"May kasama ako eh."
"Sino naman? Mom mo?"
"Girlfriend ko." nginitian ko siya matapos sabihin yun.
"May girlfriend ka na??" she asked like she wants to confirm it. I can see the disappointment on her face.
Sabi ko na nga ba.
"Oh. May kailangan pa pala akong gawin." sabi ko habang nakatingin sa relo. "Saka mo na lang siguro ako ulit itour sa university. Bye, Joana." sinadya kong maliin ang pangalan niya para tigilan na niya 'ko.
Gusto kong matawa dahil sa expression ng mukha niya.
Sorry but I already have one, and her name is, Claraine..
BINABASA MO ANG
For You To Remember
Teen FictionBOOK 2 of For You To Come Back. Kindly read the first book before this.