Chapter 8: Tour

200 20 0
                                    

(Axcel's POV)

Tamad akong tumayo sa sofa nang marinig na may nagdoorbell. Ako lang mag-isa dito sa bahay ngayon dahil nasa hospital si Claraine at di na rin ako nag-abala pang kumuha ng mga kasambahay kahit may kalakihan 'tong resthouse.

Well, I can do house chores... I guess? Napapanood ko naman ang ginagawa nung mga kasambahay namin dati.. Di naman siguro mahirap kung gagayahin ko? Whatever.

Nagmadali ako sa paglalakad nang sunod-sunod na ang pagtunog ng doorbell.

"What the hell?! I'm coming! Di makapaghintay." inis na sabi ko kahit alam kong hindi naman maririnig ng delivery boy.

Nagpadeliver kasi ako ng pizza kaya sigurado akong yung delivery boy na ang nasa labas ngayon at walang pakundangang pinipindot ng sunod-sunod ang doorbell. How can he be so damn rude? I'm a customer. Mas mainit pa 'ko sa pizza niya.

Damn this thought!

I smirked when I finally reached the doorknob to open the door in front of me.

Inaasahan kong makikita ang delivery boy pagkabukas ko ng pintuan dahil sinadya kong iwan na bukas ang gate. Gutom na gutom na rin ako dahil hindi ako nakakain ng breakfast, pero hindi yung delivery boy ang bumungad sa 'kin pag bukas ko ng pinto.

I still remember this one. Sinamahan niya 'ko kamakailan para libutin ang university pero may iba naman palang intensyon.

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya.

"Joana.." I said intentionally then smirked.

Agad naman lumukot ang mukha niya pero binago agad 'yon, "It's Joane, Axcel Vitalista. Joane not Joana." she smiled, halatang pilit.

"Oh, sorry. Makakalimutin talaga 'ko sa mga bagay na hindi naman importante." sabi ko saka naglakad papuntang living room.

Ayoko nang tingnan ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. Baka hindi ko na mapigilang tumawa dahil siguradong nainis siya don.

"Come in." I said saka umupo sa mahabang sofa.

Kita kong nandon pa rin siya sa tapat ng pinto na halatang natigilan. Binawi niya iyon nang sinenyasan ko siyang maupo dun sa kabilang upuan.

"Y-You're funny.." pilit pa siyang tumawa habang pumapasok.

Ano? Funny, what? I'm funny o baka wala na lang talaga siyang ibang masabi?

Ganito ba talaga 'tong babaeng 'to? Parang lahat sa kaniya pilit lang.

Imbes na maupo siya doon sa kabila ay tumabi pa siya sa 'kin dahil mahaba itong sofang inuupuan ko ngayon. Para na siyang naiilang pero tumabi pa sa 'kin.

"What brings you here, Joa... na?" I asked, nagkunwaring di na naman ulit ako sigurado.

"Uh, Joane, Axcel. Joane." pagtatama niya. It seems that she's pissed pero pilit niyang pinipigilang ipakita 'yon. Bahagya ko lang siyang nginusuan habang nakatitig sa mukha niyang nag-iiwas ng tingin sa 'kin.

Ang lapit natin sa isa't-isa ah. Ginusto mo 'to kaya makipaglaro ka sa 'kin.

"Nakalimutan ko ulit eh. Alam mo na.." mapaglaro kong sagot, ipinaparating na hindi siya mahalaga sa 'kin kagaya ng sinabi ko kanina.

She bite her lips, parang may gustong sabihin pero nag-aatubili. "Okay lang. I like that... I mean, I'm also like that sometimes.. makakalimutin."

For You To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon