(Axcel's POV)
"Ganun po ba? Kahit po konti wala pang information?" muli kong tanong.
["Pasensya na. Pero wala talaga kaming mahanap na Paulo Villandre dun sa list. Pwede kang magtanong sa ibang airline."]
Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa. Agad ko na ring ibinaba ang telepono sa pagka-disappoint.
Ano nang gagawin ko ngayon? Mahigit isang taon na akong naghahanap pero hindi ko pa rin makita ang pamilya niya. Ang sabi lang noon ng mga housemaids nila ay tumira na sila Sir Paulo sa ibang bansa. They don't know where country is it basta yun lang daw ang alam nila. Anong mapapala ko dun?
Wala na sila doon sa mansion ngayon. Dahil umalis na ang amo nila at wala nang magpapasweldo, matagal na silang umalis. Ang tanging nangangalaga na lang sa mansion ay yung kasambahay nilang nag-alaga kay Rain. Nung nakaraang buwan pa mula noong huli akong nakabisita kaya wala rin akong masyadong balita kay Manang ngayon.
Busy na rin ako sa pag-aaral at pag-aalaga kay Rain. All is going fine after all. Natatawa nga akong isipin minsan kung paanong paghahanap na ang ginagawa sakin ni Jace.
Wala siyang magiging contact kay mommy dahil nakashut down ang lahat ng pwedeng maging contact ng family at relatives sa panahong nasa business trip siya sa ibang bansa. Wala siyang ibang focus sa mga ganitong panahon kundi ang pagmemerge ng business.
"Oh, Axcel hijo." bati sakin ni Doc Ruiz nang masalubong ko ito sa corridor ng hospital.
"Kamusta po? Buti nagkita tayo." bati ko sa kaniya.
"Ikaw talaga. Masaya ko nakita kita kahit napakadami kong appointments ngayon. At yung lagay ng kasama mo..." napatigil siya saglit. "I checked her a while ago and obviously, wala pa ring improvement sa kanya."
I frowned. Wala akong alam na sasabihin. Nakakalungkot isipin na sa mahigit isang taon na lumipas ay nakaratay lang siya sa hospital bed. Ang dami na niyang namissed.
"Don't worry, hijo. 80% out 100 naman ang chance na magising siya out of coma." she tried to cheer me up pero hindi iyon umepekto sakin.
"Pero meron pa pong 20% na natitira. At yung 20% na yun, pwede pang lumaki yun, di'ba?" I asked at tinapik niya lang ako sa balikat saka umalis.
Dumiretso na lang ako sa hospital room number 71 kung nasaan si Rain. Dala ko ang basket ng apples para sa kanya. Kahit madalas ako lang din ang nakakakain nito dahil hindi pa rin siya nagigising.
"Rain, gising na ah. Para kapag gising ka na, pupunta tayo kahit saan mo gusto." sabi ko habang nagbabalat ng mansanas.
Sabi kasi nila kahit comatose ang isang tao ay maririnig ka nito. Madalas ko siyang kausapin at umaasang magigising siya na parang magic kapag naririnig ang boses ko. Tss. Para akong bata.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Jace tungkol kay Rain. Magmula nang gabing maaksidente siya, naging concern na si Jace sa kanya. At ang dahilan, inaakala ng pinsan ko na si Rain yung batang nakilala niya noon kahit hindi naman siya sigurado. Stupid! Ang sabihin niya gusto niya lang makuha si Rain sakin kaya wagas siya kung makaimbento.
Paano namang magiging si Rain yun kung wala siyang kahit anong pruweba. Hindi rin siya nag-iisip eh.
"Rain, alam mo bang, iniisip ni Jace na ikaw yung batang nakilala niya? Stupid, right? Hindi ko nga din alam kung paanong pumasok sa isip niya yun. Kung ikaw yung batang yun, bakit ang rude ng pakikitungo niya sa'yo nung una? Hindi dapat late ang magiging reaksyon niya sa'yo kung ganun. Ayaw pa kasi niyang diretsahin na gusto ka niyang maagaw sakin eh." sabi ko na para bang sasagot siya sa kwento ko.
Ilang sandali pa ay naisipan kong tawagan siya. Gusto ko lang mangamusta. Tatawagan ko siya dahil hindi naman siya katulad ng pinsan ko.
"Niell? Si Axcel 'to." pakilala ko dahil nagpalit din kasi ako ng number.
["Axcel?"]
"Oo. Kamusta? I mean, kamusta dyan. Hell week ngayon di'ba? Ano, buhay ka pa ba?" sabi ko sabay tawa.
["Tss. Pasensya na ha. Wala kasi akong kilalang Axcel."] natigilan naman ako sa naging sagot niya. Sa tono ng pananalita niya ngayon ay halos wala akong makitang bakas ng totoong siya. He's mad at me? The hell!
"Hey.. Bat ba ganyan ka ngayon? We're friends, right?"
["Ha. Pasensya na ulit. Pero sa pagkakaalam ko, si Jace ang kaibigan ko. Hindi ikaw."] nag-igting ang panga ko dahil sa isinagot niya.
"Ziniell! Dahil ba 'to kay Jace kaya ka nagkakaganyan?!" hindi ko na napigilang itaas ang tono ng boses ko.
["Dahil kay Jace? Uh, hindi. Dahil 'to dun sa isang kaibigan-- este dating kaibigan namin. Traydor kasi siya kaya ako nagkakaganito. Alam mo yun, ang tagal na ng pinagsa---"]
"Tigilan mo na 'to Ziniell ah! Hindi na nakakatuwa ang sinasabi mo."
["Oh, bakit nga ba ako nagkukwento noh? Hindi nga pala kita kilala."]
Magsasalita pa sana ako nang ibaba na niya ang tawag. Damn! Ano bang problema niya!? Si Jace naman ang may mali rito at siya rin ang unang gumawa ng gulo kaya bakit nadidiin ako?!
Inis kong ibinato sa pader ang telepono kaya nagkandabasag ito.
BINABASA MO ANG
For You To Remember
Fiksi RemajaBOOK 2 of For You To Come Back. Kindly read the first book before this.
