Chapter 4- Research: Yael Yuzon

619 10 1
                                    

Anne's POV

Maling mali! Mali talaga yung ginawa nila Vice. Hindi naman sa kinakampihan ko si K pero dapat may katulong siya dun sa paghahanap kila Yael. Mahirap kaya yun. Pero ngayon, matigas na ulo ni K ihh. Kung anong gusto niya, laging nasusunod. Maliban nalang kung sila Tita Z, Zia or Coco yun. Makapag sorry na nga lang. Calling K

"Hello?" -Karylle.

"K? Gising ka pa?"

"Kausap kita kaya malamang gising ako." -Karylle. Cold pero nakuha paring mag joke ni kurba!

"I mean matutulog ka na ba?"

"Hindi. Kung magtatanong ka din kung pwede kang pumunta sa bahay KO, pwedeng pwede." -Karylle. Manghuhula ka K?

"Sige! Pupunta ako diyan sa bahay mo now na!" Call ended.

At after 20 minutes, nakarating na si Anne sa bahay ni K.

"Hi K!" Wow! Hanggang ngayon nagla-laptop parin siya!

"Oh?" -Karylle. Ang lamiiiigg!!

"Gusto mong tulungan kita sa paghahanap?" Teka, bakit may travel bag siya? May pupuntahan ba siya?

"Bahala ka." -Karylle. Yes! Atleast pumayag siya!

"May pupuntahan ka ba bukas?"

"Wala ka nang pake dun. Kung may gusto ako, makukuha ko." -Karylle. Tigas ng ulo ni K!

"Ahh okay." Sabi daw kasi wag akong mangialam! Edi fine! Pero teka 1:00 na ah. Hindi parin ba siya matutulog? "K, hindi ka pa ba matutulog?"

"Gusto ko pero hindi pwede." -Karylle. Huh? Hindi ko maintindihan.

"K sige na, matulog ka na please. Mapuyat ka niyan,"

"At bakit naman kita susundin?" Aishh! Ang stubborn talaga! Kaya napagdesisyunan ko na tawagan sila Kuya Kim, Vhong, Vice at BiCol. And afer 20 minutes, nakarating na sila dito sa bahay ni K.

"Anne, si K?" -Kuya Kim. Eto, mukhang makikinig si K kay Kuya Kim.

"Nasa loob. Busy nanaman."

"Sige, tara pasok tayo!" -Vhong.

"K??" -Kuya Kim.

"Op?" -Karylle. Binaliktad yung po?

"Ate K, matulog ka na kasi. Masama sayo yan!" -Coleen.

"Eh may ginagawa pa ako eh. Mamaya na..." -Karylle. Sooooo stubborn!

"Ano ba kasi yang ginagawa mo diyan? Pakita nga!?" -Vice.

"Eh paano kung ayaw ko?" -Karylle.

"Eh dapat alam namin kung ano yang ginagawa mo! Paano kung Solitaire or Hearts lang pala ginagawa mo? Nagpupuyat ka sa mga ganyang bagay? Eh pwede naman yang isabukas ah!" -Vice.

"Mmm.. Importante kaya 'tong ginagawa ko!" -Karylle. Importante? Sila Yael na yan!

"Pakita garod K!" -Vhong. Yung hawak na laptop ni K, kinuha ba naman ni Vhong at tinignan yung ginagawa ni K. Nakisali naman silang lahat, including ako syempre! Concerned kaya ako sa mga ginagawa ng kaibigan ko!

"Yael parin?" -Kuya Kim.

"Oh ayan ha? Nakuha niyo na gusto niyo kaya amin na nga yan!" -Karylle.

"K, matulog ka muna. Promise namin sayo na tutulungan ka namin hanapin sila Yael at yung anak niyo," -Billy.

"Oo nga K, bukas na yan, pwede?"

"Mamaya naaa!!" -Karylle. Ayy nako K! Kung hindi lang ako naawa sayo... Inalog ko na ulo mo diyan.

Broken Strings (YaRylle FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon