If you can imagine it you can create it.
If you can dream it, you can become it.
-William Arthur Ward***
Nasan ako? Pano ako napunta dito? Patuloy parin ako sa paglakad hanggang sa nakakita ako ng tulay na kumukunekta papunta sa kabila kaya agad ko itong tinawid
But as I stepped on the grass, a sudden cold breeze of air caught me, parang niyayakap ako
As I continue walking, the sound of piano is getting louder and louder, kanina ko pa ito naririning simula nung tumapak ako sa lugar na ito
The sound was giving me a tingling emotion yet making me calm at the same time
Hindi ko alam kung bakit pero, the sound was inviting me to follow
Hindi alintana ang madilim na lugar kung saan siya naglalakad, basta para sakanya gusto lamang niyang malaman kung saan nanggagaling ang napakagandang tunog na iyon
Pero bago pa man siya makalapit sa kung saan nangagaling ang tunog may isang malaking itim na ibon ang humarang sakanya
Kitang kita sa mukha ng ibon ang kagustuhang mapigilan siya sa kaniyang pupuntahan
Parang binibigyan siya ng babala na maaaring mapahamak siya sa sandaling ituloy niya ang pagsunod sa tugtog na iyon
Dahil sa kaba at takot ay napaatras siya kaya natalisod siya sa batong nasa kanyang likod lang pala
Ngunit nangunot ang noo niya nung may isang hindi pamilyar na simbolo ang nakita niya sa mata ng ibon
Ano ang bagay na iyon? Takang tanong niya sa sarili
Dahil sa kaniyang pagkalibang sa kung ano ang nasa mata ng ibon ay hindi niya napansin na nakalapit na ito sakanya
Pumikit siya ng mariin at hiniling sa kanyang sarili na sana panaginip lang ang lahat
Aziah panaginip lang to, panaginip lang to!
Aaaahhh! Napabangon ako dahil sa panaginip ko, nanaman na iyon
3:30 am will always be my hell time
Paulit ulit ko na yung napapanaginipan pero ang laging nangyayari eh haharangan ako ng malaking itim na ibon na iyon, tas pagkatapos nun magigising na ako
At kada magigising ako laging nakatapat ang mahabang kamay ng orasan sa 6 at ang maliit naman ay sa 3 na para sakin ay Hell time
Noong una akala ko dahil lang Ito sa kapapanood at kakabasa ko ng mga nakakatakot pero nagkamali ako ng hindi lang 2 o 3 beses umulit ang ganung panaginip ko
Kundi gabi gabi pag tulog ko ganun ang napapanaginipan ko
Bumangon na ako at agad na iginuhit ang nakita kong simbolo sa aking panaginip
Hindi ko rin alam kung bakit ko ba ito ginagawa pero tuwing na gigising ako nakasanayan ko ng iguhit ang mga larawang iyon na tila mga simbolo
Labis kong pinagtatakhan kung bakit, pareho man ang napapanaginipan ko ngunit sa tuwing titingnan ko ang mata nung ibon na iyon paiba ibang ang mga simbolong nakikita ko, inihanda ko na ang aking sarili sa pagpasok dahil kahit anong pagbalik ko sa tulog hindi na muli ako aantukin
***
BINABASA MO ANG
VOACseries: Awaken prophecy
VampireThe prophecy started as she cross the path of the other world Will she change the prophecy or will the prophecy change her life?....