/7/ White Witch

25 9 1
                                    

"Don't tell people about your dreams, Show them..."

-Anonymous

***

"Isuot mo ito, bago tayo lumabas" inabot niya sa akin ang isang itim na balabal at saka inutos sa akin na gamitin ito upang takpan ang Kalahati ng aking mukha

"Wag na wag mong huhubarin yan hanggat Hindi ko sinasabi"

"Bakit?"

"Wag ka ng magtanong basta sundin mo nalang ang mga sinasabi ko sayo"

Hindi na ako kumibo at isinuot sa akin ang balabal na kaniyang binigay

Anong oras na ba, bakit ang dilim parin?

Tatanungin ko pa Sana siya kaso bigla siyang nagsalita

"Nandito na tayo"

Sa kanyang pagkatok sa bahay ay bumangad samin ang isang matanda na kung susumahin ay mga nasa pitumpo na ang edad o higit pa

"Sumunod kayo sa akin" sabi ng matanda sa amin bago siya tuluyang pumasok sa loob

Pagpasok namin nabungaran ko ang iba't ibang uri ng di pangkaraniwang gamot na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko

Mga maliliit na botalya na nakalagay sa bawat sulok ng bahay

Hahawakan ko sana ang isa sa botilya

may kakaiba dito na hindi ko maintindihan, parang may humihila sakin na hawakan ito pero Hindi ko alam kung bakit

Pero bago ko pa man mahawakan ang botilya ay hinarangan na ako ng matanda

"Wag mong hahawakan yan!"

Hindi ko namalayan na malapit ko na palang mahawakan ang botilya

"Sino ka....binibini?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa matanda, buti na lamang at nagsalita ang kasama Kong babae

"Kasama ko siya, mahal na babaylang agus"

Babaylan pala siya kaya pala ganito ang itsura ng kanyang bahay

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ng kasama ko bagkus ay inulit pa niya ang tanong niya sa akin

"Sino ka?

VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon