/9/ The Blood crest

5 1 0
                                    

"When did the real word decide to hide the real tears with fake smiles."

- a t t i c u s

***

"Ibabalik kana namin sa iyong mundo" sabi sakin ni Graciella habang nagbabasa siya ng libro

Kumunot ang aking noo
Hindi ako pwedeng umuwi hangga't hindi ko pa nalalaman ang lahat, marami pa akong gustong malaman

Gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng nakita ko sa aking panaginip

Sino ba ang lalaking iyon?

"Kay lalim naman ng  iyong iniisip" nabalik lang ako ng nagsalita si Graciella na ngayo'y nakatingin na sa akin

"Kung ano mang gumugulo dyan sa isip mo, maaari mong sabihin sa akin o sa mahal na babaylang Agus baka may maitulong kami" sabi niya sa akin

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Graciella

"Maaari bang dito muna ako? Huwag kayong magalala tutulong ako, maaasahan ako pangako yan" tiningnan niya ako ng may pagdududa pero Hindi na siya nagtanong kung bakit

"Kung ano man ang dahilan ng pananatili mo ay wala na akong pakealam basta ipangako mong magiingat ka, lalo na't bago sa iyo ang lugar na ito at Hindi ito katulad ng mundong kinasanayan mo" tumango naman ako at itinaas ang aking kamay tanda ng pangako

Ngumiti lang siya sa akin atsaka umalis

***

Pumunta siya sa babang palapag na kung saan nakalagay ang mga lumang libro at ang pulang libro na pinakita sakanya ni Graciella

Shivers felt on my spine as I slowly open the book

there was something on the book that made me feel uneasy

"What's on this book?" As I touch the symbols on the pages, it suddenly turned into letters

Ang Apat na kaharian
Basa ko sa unang pahina at saka lumitaw ang mga susunod na letra

Nahahati sa apat na parte ang mundong ito

Ang kaharian ng Veloure na pinaninirhan ng iba't ibang lahing bampira, pinamumunuan ito ng lahing werriz,
Ang kaharian ng Origon na pinaninirhan naman ng mga sirena at ng iba't ibang nilalang ay pinamumunuan ng makapangyarihang sirena na pinaniniwalaan ding wala pang sino man bukod sa taong nagtataglay ng blood crest ang may kakayahang makakita sa makapangyarihang sirenang ito, Ang kaharian ng Azther na pinaninirhan ng mga  lobo na kilala rin sa taglay nilang lakas na pinamumunuan naman ng kanilang Alpha at ang panghuli ay ang kaharian ng Cryptal na pinaninirhan naman ng mga Diwata, Diwende at ng puti at itim na mga Babaylan, pinamununuan ito ng Apat na Puting Babaylan. Ang Apat na Kahariang iyon ang nagdudugtong dugtong sa magkakahiwalay na parte ng mundong ito

Blood crest

ano ba talaga iyon, ilang beses ko ng naririnig iyon ngunit hindi parin maliwanag sa akin kung ano ba talaga iyon? Kung ang aking Ama ay nagtataglay ng simbolong iyon, bakit wala ako

Nilipat ko ang mga pahina at binasa ang mga nilalaman ng libro, napukaw ang aking atensyon ng may lumitaw na larawan sa libro

Atsaka lumitaw ang mga salitang kanina ko pa hinahanap Blood Crest, basa ko dito

Ang Blood crest mismo ang pumipili ng taong magmamayari sa kanya, Lumilitaw ang simbolo sa ika-7 taong gulang ng napili, Sinumang mapipili nito ay magtataglay ng isang pambihirang kapangyarihan na may kakayahan na wasakin ang mundong ito, kaya marami ang nagaasam sa simbolong ito

Itinigil ko na ang pagbabasa dahil sa mga nalaman ko, sapat na siguro ang mga nalaman ko ngayong araw kaya ibinalik ko na ang libro sa lagayan nito

***

Third person's POV.

"Bakit ngayon ka lang, saan ka nanggaling?!" Tanong ng pinuno, halata ang pagkainip at inis sa boses nito

"Nagensayo lamang ako pinuno" yumuko siya biglang pagbibigay galang sa kanyang kausap

"Nakita ko kanina si Sarto at Hindi ka niya kasama" tugon nito

"Batid niyong hindi ko ugali ang magsama ng kung sino kapag ako'y nageensayo, magiging abala lamang sila sa akin" ang sabi niya habang nakatingin ng diretso sa kanyang kausap

"Naiintindihan ko, ngunit dahil sa iyong pagkawala kanina ay hindi mo nalaman ang magandang balita" sabi ng kaniyang kausap habang patuloy ang pagngise nito, na mukhang nangiinis

Ngunit hindi man lamang siya naapektuhan sa sinabi nito bagkus ay nagbigay galang siya at nagsimulang lumakad paalis

Hindi niya inaasahan ang ginawa ng binata kaya matagal bago siya nakabawi sa nangyari

"Hindi mo ba tatanungin kung ano iyon?! Tanong niya sa binata na papalayo na

Umiling lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad

Bakit ko pa tatanungin kung malalaman ko rin naman sabi ng binata sa sarili

Pumunta ang binata sa dulong silid

Bumungad sakanya ang isang silid na madilim, isang silid na walang buhay katulad niya, Ang silid na tanging may alam ng mga sikretong kanyang kinukubli

Kinuha niya ang kanyang biyolin at nagsimula itong tugtugin

Sa bawat pagtugtog niya ay naiibsan ang poot, galit at lungkot na kanyang nadarama

Ngunit sa bawat pagtatapos ng musikang kanyang tinutugtog ay ang pagbabalik ng mga alaalang paulit ulit siyang pinapatay

Mga alaalang nagbibigay sakanya ng poot sa mundo, at sa buhay na mayroon siya

Tinanggal niya ang kaniyang maskara na nagtatago sa totoo niyang pagkatao

Atsaka tiningnan ang kaniyang repleksyon sa salamin

"Kailan ma'y hindi mo na mababago ang buhay na nakatadhana sayo, buhay na kailanma'y hindi mo ginusto"

****






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon