/6/ Untold Stories 2

20 11 0
                                    

"There is no greater agony than boring an untold story inside you"
- Maya Angelou

***

"Why don't you just tell me, hindi yung kung ano ano pang sinasabi mo!" sinalubong ko ang kanyang mga mata na titig na titig parin sa akin

"As your father, Peter Donnovan the greatest blood crest of his time fallin love with a white witch, everything went into a mess"

"Why?"

"Because they broke one of the rules in this world"

"And what is it?"

"To love"

"But why?"

"In this world love was our greatest enemy, Love will gonna make us weak and vulnerable. We are born to survive with our strength and powers, For us immortals, that love will destroy everything we have, I don't want to suffer because of love, like what your parents did, they died because of their foolishness"

"You don't know everything so, Just shut up!! Namatay sila kasi sinunog ang bahay namin!"

"And you really believe that, nakita mo ba ang bangkay ng mga magulang mo? Hindi diba?!?"

Hindi ako makasagot kasi tama siya Hindi ko nakita ang kahit na anino ng bangkay nila mama at papa, dahil diniretso silang ilibing pagkatapos ng aksidente, ang sabi sa akin ay hindi ko na dapat makita ang kanilang itsura dahil sa nasunog daw ang buong katawan ng mga ito pati narin ang mukha, hindi narin makilala ang bangkay ng nakuha nila kaya minabuti nilang ilibing nalang kaagad

"They died just to protect you"

"What are you saying?"

"They die fighting for your own sake, para hindi ka nila matunton"

"Matunton nino?"

"Hindi lang vampires and witches ang meron sa mundong ito there are also some creatures na ang gusto lang ay maging makapangyarihan
,Kaya ka itinago ng mga magulang mo sa mundo ng mga mortal dahil tingin nila magiging ligtas ka dun at para mapigilan ang nasa propesiya, A prophecy that was being told billion years ago"

Binuklat niya ang pulang libro, walang kahit anong nakasulat sa mga pahina nito ngunit ng nag-atas siya na ilang mga salita na hindi ko matukoy kung anong lenggwahe ay unti unting lumutang ang mga sulat kasabay nito ang isang malambing na boses ng babae

Biyaya mula sa pagibig na sinumpa ang siyang gigising at kikitil sa buhay ng itinakda na magdadala ng pagkasira at pagdurusa sa lahat

Hindi ko alam kung bakit pero ng narinig ko ang nakasaad sa libro ay biglang tumigil ang aking mundo

Na gusto kong hilingin na sana hindi ko nalang narinig ang sinasabi sa propesiya

Nakasara na ang libro at nawala na rin yung boses ng babae pero di parin mawala sa isip ko ang sinabi niya

"Sino ang tinutukoy sa propesiya?" Tanong ko sakanya

"A-Ako ba?"

"Hindi pa natin matitiyak na ikaw nga ang sinasabi sa propesiya, pero sa mga naganap ngayon masasabi ko na baka ikaw nga ang nasa propesiya"

Wala pa mang kasiguraduhan kung ako nga ang tinutukoy sa propesiya, matindi na ang kabang nararamdaman ko hindi lamang para sa aking sarili kundi pati narin sa mundong ito

"Alam Kong naguguluhan ka pa sa mga nangyari sa araw na ito kaya mas mabuting magpahinga ka muna at bukas mo nalang isipin kung paano ka makakabalik sa mundo mo, tutulungan kita wag ka magalala"

Hindi ko namalayan na tinanggal na niya ang gapos sa aking mga kamay kanina

Mas pinili ko nalang na tumigil muna dito upang magpahinga, hindi ko man lubos na naiintindihan lahat, nakasisigurado naman akong ligtas ako dito, wala din naman akong pupuntahan kung aalis ako ngayon, malalim na ang Gabi at hindi ko kabisado ang lugar na ito baka mas lalo lang akong mapahamak pag umalis ako ngayon

Hinatid niya ako sa isang maliit na kuwarto na sapat para sa isang tao

"Maaari ka ng magpahinga"

Tumango nalang ako bilang sagot

Sa pagpikit ng aking mga mata, hinihiling ko na sana isa lamang itong pangkaraniwan Kong panaginip na sa pagdilat ng aking mga Mata isang puting kuwarto ang aking mabungaran na kung saan sa sulok nito nakalagay ang isang lamesa na kung saan nakalagay ang aking litrato kasama ang aking ama't Ina ng ako'y bata pa sana panaginip na lang ang lahat Ito

Sana,
Sana...

***







VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon