/8/ Delusional night

3 2 0
                                    

A/N: (The picture above🔝 was the 5 white witches)

"She was everything real, in a world full of make believe"
- a t t i c u s

***

May mga bagay na patuloy pa ring bumabagabag sa aking isip hanggang ngayon, mga bagay na lalong nagpapagulo sa aking isipan

Samantalang kahapon lang ay iniisip ko lamang kung paano ako makakauwi

Hindi ba dapat maging masaya ako sa mga nalaman ko tungkol sa sarili ko, nasagot na yung mga katanungan ko dati tulad ng kung
Bakit nung inilibing sila ama't Ina walang kahit na sinong kamag-anak namin ang pumunta?

O  kung bakit wala akong nakitang ni anino ng bangkay ng mga magulang ko nung inilibing sila?

Imbes na mabawasan ang mga iniisip ko tingin ko mas dumami pa

Para kahit kaunti ay maibsan ang mga inaalala ko

Ininom ko na ang ibinigay sa akin ni Graciella na mainit na gatas, ang sabi niya makakatulong daw ito para mapabilis at maging mahimbing ang pagtulog ko

Tama naman siya dahil mabilis akong nakatulog pagkatapos kong makainom ng gatas

Ngunit sa pagpikit ng aking mga mata ay nakarinig ako ng isang musika

Kaya pinilit kong imulat ang aking mga mata upang hanapin kung saan nagmumula ang musikang iyon na tila pamilyar sa aking pandinig kahit alam kong napakaimposible nun kasi hindi ko pa naririnig ang ganyang musika sa tanang buhay ko dahil hindi ako mahilig makinig ng musika o ng kahit anong tugtog

Kaya nakakapagtaka at tila pamilyar ito sa akin na parang may kumokonekta sa akin at sa musikang iyon

Bumalot sa akin ang kaba at takot ng sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi pamilyar na lugar ang aking nabungaran

Ako ay nakatayo sa isang pasilyo na kung saan madidinig mo ang musikang dahilan ng pagmulat ng aking mga mata

Hindi ko man alam kung saan patungo ang pasilyong ito ay dumiretso nalang ako

Hindi ko namalayan na patungo na pala ako sa kung saan nanggagaling ang musikang iyon

Dinala ako nito sa isang kwartong may kulay abong pinto

Kumatok ako ng ilang beses, ngunit walang kahit na sinong nagbubukas  sa akin kaya nagdesisyon nalang akong pumasok

Bahala na!

At sa aking pagbukas ay nakakita ako ng isang pigurang nakatalikod mula sa akin, habang tumutugtog ito ng biyolin na pinangagalingan ng musikang kanina ko pa hinahanap

Sinubukan kong magsalita ngunit walang kahit anong boses ang lumabas sa aking bibig

Anong nangyayari, bakit Hindi ako makapagsalita?!

Tiningnan ko ang pigura na patuloy paring tumutugtog na tila hanggang ngayon ay Hindi parin napapansin ang presensya ko

Gusto ko siyang lapitan pero ayaw humakbang ng mga paa ko

Bakit? Ano bang nangyayari sa akin?

Habang pinagmamasdan ko siyang tumugtog nakaramdam ako ng Hindi pamilyar na pakiramdam, iginaya ako ng aking mga kamay sa tapat ng aking puso

A-ambilis ng tibok

Napatulala ako habang ramdam ko parin ang bilis ng pagtibok ng puso ko

Dahan dahan akong Lumapit sakanya para makita siya ng malapitan pero hindi ko sinasadyang matapakan ang isang bagay,,,

Maskara?

Nabalik lang ako sa iniisip ko ng huminto ang tugtog

Mukhang alam na niyang nandito ako

Biglang bumalot sa akin ang kaba at takot, baka anong gawin niya sa akin dahil sa pagpasok ko dito ng walang paalam

Dapat nung una palang Hindi na ako pumasok eh, pero hindi ko talaga alam kung bakit parang iniimbitahan ako ng musikang iyon na tumuloy

Humarap ang kaninang pigurang nakatalikod kanina sa akin

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa madilim na nga ang kwarto ay mukhang nasa sulok pa sya pero lumaki ang mga mata ko ng sa pagtingin ko sa kanya ay nakakita ako ng isang pares ng matingkad na pulang Mata na diretsong nakatingin sa akin

Gusto ko mang umatras at tumakbo papalabas sa pinto ay nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pinaghalong kaba, pagsisi at takot

Dahil sa walang anumang salita ang lumalabas sa aking bibig ay yumuko nalang ako upang maipakita na humihingi ako ng tawad sa pagpasok dito ng walang kahit anong pahintulot

Napaiyak nalang ako sa sobrang takot dahil baka ito na ang katapusan ko

Kung ito na talaga ang katapusan ko Sana naman kung sino man ang makakita sa bangkay ko Sana ilibing naman nila ng maayos, ang gusto ko nakasuot ako ng puting damit tapos kung pipili sila ng  kabaong ko ayoko ng puti, puti na nga damit ko puti pa kabaong ko para maiba naman gusto ko ng kulay silver tapos yung pangalan ko dapat kulay ginto ang sulat para mukha namang sopistikada ang dating ko bago ako pumanaw kahit yun lang please!

Pagmamakaawa ko sa isip

Nay, Tay,, Magkakasama na po tayo diyan

Ipinikit ko na ang aking mga mata upang ihanda ang aking sarili sa kung anong sakit ang mararamdaman ko

Naghintay ako ng ilang minuto pero wala aking naramdaman na kahit ano

Baka naawa siya sakin

Kaya idinilat ko ang aking mga mata upang makita kung bakit wala parin akong nararamdamang sakit

Pero sa pagdilat ko Hindi isang madilim na silid ang aking nabungaran, kung Hindi si Graciella na nagtatakang nakatingin sa akin

"Bumangon kana diyan may kinakailangan ka pang gawin, may nakahanda ng damit diyan para sayo saka nakahanda narin ang pampaligo mo kaya maligo kana"

Bumangon na ako at dumiretso na sa paliguan, nakita ko iyon kagabi ng pumasok ako sa kwartong ito, gusto ko mang maligo kagabi dahil ilang araw ko na din suot ang damit na ito ngunit naalala ko na wala nga pala akong kahit na anong damit na magagamit

Pero san kaya siya nakakuha ng mga damit, sakanya kaya ang mga iyon? Tanong ko sa aking isip

"At kung itinatanong mo kung saan galing ang mga damit na yan,,,mga lumang damit ko yan na Hindi ko nagamit kaya wag ka magalala" sabi niya sa akin bago siya lumabas ng pinto

Panong...?

****











































VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon