/5/ Untold stories 1

20 12 0
                                    

"A story must be told or there I'll be no story, yet it is the untold stories that are most moving"
-JRR Tolkien

---

Hindi siya sumagot, bagkus ay patuloy lang ang kanyang pagbaba

Hanggang makarating kami sa isang silid aklatan, hindi mo masasabing luma ito dahil sa kapansin pansin na hindi pinabayaan ang lugar at patuloy parin itong inaalagaan

"Anong gagawin natin dito?" Tanong niya sa matanda, hindi nanaman siya sinagot nito bagkus ay may kinuha Ito sa pinakamataas na parte ng kabinet

Isang pulang libro na mahahalataan mo ang pagkaluma dahil sa alikabok na nakapaligid dito

Parang nakita ko na yan sa kung saan pero di ko matandaan kung saan

"Saglit lang po, nakita ko na yan eh, pero di ko matandaan kung saan, pero sigurado akong nakita ko na yan"sabi ko sa matanda habang nakatitig sa librong hawak nito

"Talagang nakita mo na yan, dahil kung ikaw nga ang matagal ko ng hinihintay eh yang librong yan ang maaaring magdala sayo sa mundong ito"
Lumapit ang matanda at itinuro niya ang nakasulat sa harapan ng libro

"Awaken Prophecy?" Pagbasa ko sa nakasulat

"Ano ba talagang nangyayari, nasan ba talaga ako?!?, anong ibig sabihin ng lahat ng toh, kung pinagloloko niyo ako, Hindi na talaga ako natutuwa" Tinangka ko ng lumabas sa pinakamalapit na pinto na nakita ko kaso bago ako makatakbo ay nahawakan na niya ang kamay ko

"Ano tatakbuhan mo na naman ako"may nilabas siyang isang bote saka niya pinilit na ipaamoy ito sa akin

Hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari dahil bigla nalang akong nakaramdam ng hilo

Nagising nalang ako na nakaupo sa isang upuan habang nakagapos ng tali ang aking mga kamay

"Anong gagawin mo sakin?!?"

"Alam kong tatakasan mo nanaman ako pag hindi ko yun ginawa kaya ito lang ang naisip kong paraan para makinig ka sa mga sasabihin ko sayo"

Dala niya pa rin yung libro kanina

"Ano bang meron sa librong yan?" Tanong ko sakanya

Ngumiti ito ng bahagya na nagpapakita ng kumpleto nitong mga puting ipin

"Gusto mo bang malaman ang dahilan kung bakit ka naririto?"

Tumango nalang ako bilang pagsagot

Kung ano man ang sasabihin ng matandang to, nararamdaman Kong kailangan Kong malaman ito dahil baka makatulong yun para makauwi na ako

Naglakad siya papalapit sakin saka niya binuklat ang pulang librong hawak niya

Tumingin siya sa akin ng matiim na para bang binabasa kung ano ba ang nasa isip ko

Umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ako sanay na may taong tumititig sakin

Ngumiti lang siya ng umiwas ako

"Hindi aksidente ang dahilan kung bakit ka napunta sa mundong ito,alam Kong darating ang panahon at makakaharap din kita,
Azaih Donnovan..."

Hindi ko alam kung namalikmata lang ako or what pero nakita kong nagiba ang kulay ng mga Mata niya mula sa kulay itim na kulay nito kanina ay bigla itong nagkulay pulang pula na kakulay ng dugo

Saka paano niya nalaman ang aking pangalan eh wala pa naman akong nababanggit na kahit ano tungkol sa aking sarili

"Paanong..."

"Pity on you, darling you don't know anything about yourself"

***

VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon