/2/ Eyes

38 20 10
                                    

"You can close your eyes to reality, but not to memories"
- Stanislaw Jerzy Lec

****

Simula nang tumungtong ako ng 13 taong gulang ay namuhay na akong magisa, nagtrabaho para matustusan ang mga pangangailangan ko sa araw araw

pinagpatuloy ko na ang paghahanda ng gamit ko pagpasok, isang year nalang sa college matatapos na din ako

matapos maghanda ay umalis na ako, pero hindi pa man nakakalayo ay bigla na lamang siya nahilo sa hindi malamang dahilan, nakakita siya ng dalawang pares ng pulang mata na nakatingin sakanya habang siya ay nakapikit dahil sa pagsakit ng kanyang ulo

at sa pagdilat ng kanyang mata isang itim na ibon ang kanyang namataan na nakatingin sa kanyang direksyon, na tila minamatyagan siya nito

Ano bang nangyayari sa akin, at kung ano ano na lang ang nakikita ko? pinagpatuloy niya nalang ang kanyang paglalakad at hindi ininda ang nangyari sakanya

UNIVERSITY OF THE SOUTH

Yan ang unang makikita ng kung sinong estudyante sa pagpasok ng mga ito sa prestihiyosong unibersidad na ito, sa iyong pagpasok makikita mo na kaagad ang mga hi-tech na mga kagamitan ng mga estudyante at ng eskwelahan kaya hindi na kataka takang maramimg mga mayayamang tao ang pinaaral ang kanilang mga anak dito

But me, I'm not one of those people, I'm not belong to this school, but still kahit anong gawin ko hindi ako makaalis sa eskwelahan na to

*Flashback*

isang batang nasa 10 taong gulang na batang babae ang nakaharap ngayon sa abagadong kaibigan ng kanyang mga magulang

binisita nito ang dalaga sa ampunan pagkatapos nitong malaman ang nangyari sa mga magulang nito

"Nalulungkot ako sa nangyari kay Cestin at Pete, matagal ko na silang kaibigan simula pa lamang ng ikaw ay ipinanganak, napakabuti nila, Mahal na mahal ka nila Iha kaya Alam ko na kung nasaan man sila ngayon ay binabantayan ka nila at gusto nilang maging maayos ka" inabot niya sa bata ang isang sobreng kulay pula

"Ano po Ito?" Tanong ko habang naguguluhan parin sa nangyayari

Marami pa ring mga katanungan ang naglalaro sa kanyang isipan, Bakit ngayon lang siya pumunta dalawang taon na ang lumipas ng sila ama at ina ay nawala, bakit ngayon lang niya naisipang dumalaw, ni hindi nga siya dumalo ng ilibing sila ama't ina?, Isa pa- bago pa man niya matuloy ang kanyang iniisip ay nagsalita na ang kanyang kaharap

"Ibinigay yan sa akin na iyong ama noong ikaw ay tumungtong ng 7 taong gulang, hindi niya sinabi sa akin kung bakit, at hindi ko rin binalak na buksan ang sulat na iyan, sabi niya sa akin ibigay ko daw iyan sa iyo pagtungtong mo ng edad na 13, naguguluhan man ako ay sinunod ko nalang ang kanyang sinabi at ngayon ibinibigay ko na iyan sayo kung ano man ang nasa sulat na iyan tiyak na para iyan sa ikabubuti mo Ito"

Hindi ko pa man lubos na naintindahan ang lahat ay nagpasalamat ako sakanya at nagpaalam

Nang nakaalis ang lalaki ay agad siyang pumasok sa kanyang kuwarto upang buksan ang iniwang sulat ng kanyang ama

Mahal Kong anak,

         Anak, nakatitiyak ako na sa oras na mabasa mo ang sulat kong ito at nakatitiyak akong ikaw ay 13 taong gulang na at alam kong nagtataka ka sa mga nangyayari sayo ngayon, may mga bagay na hindi mo pa nararapat na malaman pa sa ngayon dahil hindi ko alam kung maiintindihan mo pag sinabi namin, Anak, tandaan mo mahal na mahal ka namin ng iyong ina at lagi mong iisipin ang mga aral na itinuro namin sa iyo mahal na mahal ka namin.

Nagmamahal,
Iyong Ama

May isang sulat na nakaipit sa loob ng liham, isang liham na nagbibigay sa akin ng scholarship sa isa sa prestigious school sa bansa, University of the south nakasulat din sa liham na dun ako magaaral hanggat makatapos ako

*End of Flashback*

Naputol ang aking pagbabalik sa nakaraanng magring ang bell, hudyat na maguumpisa na ang klase

Nagmamadali akong pumasok, buti na lamang at wala pa si Prof. at hindi pa nagsisimula ang klase

Pero ilang minuto lamang ay dumating na din si Prof. Divas

Ibinigay niya lamang sa amin ang mga requirements na kailangan naming ipasa this sem

***

VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon