/3/ The Book

34 20 12
                                    

"I am part of everything that I Have read" - Theodore Roosevelt

***

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko pa rin maialis sa aking isipan ang nangyari kanina

Yung mga mata, kakaiba ang naramdaman ko ng nakita ko ito parang pamilyar ito sa akin

Naalala niya ang mga simbolong nagpapakita sa kanyang panaginip, matagal niya na itong nakikita sa isip pero ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob upang alamin ang tungkol dito

Gusto niyang malaman kung anong ibig sabihin ng mga simbolong iyon kaya umaasa siyang mababasa ito sa isa sa mga libro sa silid aklatan ng kanilang eskwelahan

Nakakasigurado akong merong librong makakasagot sakin at titiyakin kung malalaman ko din kung ano man ang ibig sabihin ng mga simbolong iyon

Agad siyang pumunta sa silid aklatan dala ang pagasang mahahanap niya ang mga kasagutan sa isa sa mga libro na nandun

A mid-40s lady greeted her once she enter the library

"Oh,iha may hihiramin ka ba ng libro ngayon?" Tanong niya sa dalaga

"Opo,pag may nagustuhan po ako"sabi niya sa matanda habang nakatingin dito

"Sige, pumili ka lang maraming libro dyan" sabi ng matanda

Hindi na siya muling sumagot at nagtuloy tuloy na sa pagpasok

Hinanap niya kaagad ang mga librong pangkasaysayan umaasang nasa isa sa mga libro na Ito ang makakasagot sa lahat ng mga tanong sa kaniyang isipan

Pero umabot na ng gabi ay hindi parin niya makita ang libro na kanyang hinahanap

Ano bang libro yun, parang wala naman akong makikita dito,

I just wasted my time in this useless thing!

Pero bago man siya makaalis ay naagaw ng kanyang pansin ang isang libro, lumang libro na may nakaukit na VOAC

Anong ginagawa ng ganitong libro dito eh sa pagkakaalam ko hindi dito nilalagay yung mga librong Luma na kundi dun sa may bandang likod pa nito, lagi naman kasing pinapalitan yung mga libro dito sa pagkakaalam ko kakapalit lang lastweek

"Haist, di bale na nga!"Dala ng kuryosidad ay kinuha niya ang libro

"Saglit lang talaga titingnan ko lang toh pramis, aalis na ako kaagad pagtapos ko" sabi niya pa sa sarili

Sa pagkabuklat niya ng unang pahina ay nagulat siya ng walang anumang sulat ito kahit isa sa pahina

Pero nang hinawakan niya ang pahina ay unti unti nagkaroon ng sulat ito

Ano to magic? Panong nangyari yun? Naguguluhan man ay binasa niya ng paunti unti ang mga lumilitaw na sulat sa pahina ng libro

Hindi niya ito maintindihan dahil iba ang pagsulat sa pahina

Ano to Chinese, Korean, Japanese, manganese or what, bakit ganyan

Napansin niya ang tatlong simbolo na nakasulat Ito yung nakikita ko sa panaginip, so this must be the book

Napangiti siya ng malawak ng makumpirma niyang yun nga ang ilan sa mga simbolong nakikita niya sa kanyang panaginip

Hinawakan niya ang 3 simbolong nakasulat sa pulang tinta na kakulay ng dugo

Ng nadampian niya ito ng kanyang mga daliri ay dagliang lumiwanag ang mga sulat at pati narin ang libro

Dahil sa kanyang pagkagulat ay nabitawan niya ang libro at sa hindi niya malamang dahilan ay nahilo siya at nawalan ng malay

***

VOACseries: Awaken prophecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon