CHAPTER 6

18 2 0
                                    

"HIDE AND SEEK"

Ian's POV

Nandito ako ngayon sa lugar kung saan hindi ko alam kung anong pangalan -_-

F*ck this sh*t

Wala akong makita! Kadiliman ang nakapalibot sakin, animong may nagmamasid lahat ng aking galaw, nakakatakot! Nakakakilabot ito sa pakiramdam, hindi ko mawari kung tao ba ito o hayop!

Ngunit isa lang ang sigurado ko, pinagmamasdan nito ang aking mga galaw!

"may tao ba dyan!?" Sigaw kung tanong at naglakad lakad palibot sa kung saan man, ngunit wala akong nakuhang kahit na anong sagot mula rito

"patawad sa inyo,paalam" bulong na sambit nito,
agad akong napatigil sa paglalakad at muling inilibot ang paningin, nagbabaka sakaling makikita ang taong nagsabi nun, ngunit teka parang pamilyar ang boses na iyon, bat parang ang lungkot lungkot niya at bakit sya nagpapaalam?

"Teka,anong ibig mong sabihin?sino ka?" Tanong ko ulit sa kawalan dahil Wala talaga akong makita, di nag tagal parang may isang boses na bumulong sa aking tenga at sinabing "paalam" umiiyak nyang sambit na agad kong pinaag alala

F*ck, ano nangyayare? Am I dreaming?

"Sino ka ba?nasaan ka?" Nag aalala kung sambit at tumakbo sa kung saan saan

Nahinto lang ako nung may nabangga akong isang bagay na di ko alam Kung ano

Dahan dahan kong inangat ang aking paningin at tumambad sa akin ang isang malaking tao na bahagyang nakangisi, hindi ko makilala ang mukha nya sapagkat napakalabo nya sa paningin ko "s-sino k-ka?" Utal utal kung tanong dahil sa kaba

Sa halip na sagutin ako nito lalo lang lumapad ang ngisi niya sa labi, yan lang kasi ang malinaw sa paningin ko "welcome to hell" sagot niya at inangat ang hawak hawak nyang kotsilyo na animoy kumislap pa nung inangat nya

Napatulala ako at halos hindi na maka galaw sa bigla "you want to DIE or HIDE?" pagtatanong niya sakin sabay halakhak na parang demonyo, di na ako nagdalawang isip pa at agad na tumakbo na parang si the flash, sa sobrang takot

Halos matigil ang mundo ko nang may marinig akong isang putok nang baril

I'm dead!!!!

"Sh*t,ian gumising ka na nga dyan" rinig kung sambit nang isang boses, agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at hinihingal na napatayo, sobrang lakas din ng kabog ng aking dibdib na animoy nakipag karera ako kay kamatayan!

'F*ck its only a dream' sambit ko sa aking sarili "binabangungot ka" sambit ni alexa, napa iwas ako ng tingin at kinalma muna ang aking sarili, napapahid ako sa noo sa sobrang pawis at ayoko nun sa pakiramdam! Napakalagkit!

"Nasaan si jas,katabi mo syang matulog diba?" Tanong ni mark, teka ano na bang oras ngayon?bat ang aga nilang magising?

DARK UNIVERSITY;(School Of Demons)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon